Chapter 4 - Business Deal

1517 Words
“LET’S SIT,’’ ani Mr. Estabillo kay Lian. Iminuwestra nito ang upuan. Napilitan si Lian na bumalik sa kanyang upuan. Naupo naman ang lalaki sa upuang binakante ng kuya niya. Sinenyasan nito ang waiter na agad namang lumapit sa mesa nila. Inabutan sila nito ng tig-isang menu card. Matamlay na tinitigan ni Lian ang menu card na hawak niya. Mukhang masarap ang nasa menu ngunit nawalan na yata siya ng ganang kumain. Maingat niyang ibinaba ang menu card. “Si Mr. Estabillo na lang ang mag-o-order para sa amin,” sabi niya sa waiter. “May problema ba, Miss Galliguez? Wala ka bang gustong kainin? Masarap ang pagkain nila dito,” nakangiting sabi ni Mr. Estabillo nang lumingon sa kanya. “Hindi ako nagugutom,” simpleng sagot niya saka umiwas ng tingin dito. Narinig niya ang pag-buntunghininga nito. “Okay, just give us two orders of my favorite food. Then this one and that one as well,” ani Mr. Estabillo. Tumatango naman ang waiter habang naglilista. Nang makaalis ito ay siya naman ang hinarap ng lalaki. “So, how are you, Miss Galliguez?” Nagbuga siya ng hangin. “I’m good, Mr. Estabillo.” Gusto pa sana niyang dugtungan ang sinabi niya ngunit nagpigil na lang siya. Baka mainis pa ito sa kanya at mapurnada ang pakikipag-usap niya rito. But come to think of it. Sino ang makakapagsabing ang lalaking parang asong sunod nang sunod sa kanya noon ay isa na ngayong CEO ng malaking kompanya? Ang buhay nga naman, parang gulong lang talaga. Galit na galit siya rito noon pero ngayon siya na ang nangangailangan ng tulong nito. Nakakainis lang! Kung may iba lang na puwede niyang hingan ng tulong, ayaw niyang makipag-usap dito. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga pinaggagawa nito noon sa Saint Andrew. Kabi-kabilaan ang mga babaeng naging girlfriend nito. Mabuti naman sana kung paisa-isa lang ang girlfriend nito. Pero balita niya’y mahigit pa sa dalawa ang pinagsasabay nitong babae. Parang itong may harem sa dami ng babaeng nakakabit sa pangalan nito. Tapos may gana pa ang mokong na manligaw sa kanya. Nakakainsulto lang. Ano bang akala nito sa kanya? Babaeng kaladkarin? Hindi siya desperada para pumatol sa babaero! Oo nga’t guwapo ito, sikat, at matalino pero malikot naman sa babae. Aanhin niya ang lalaking hindi kontento sa iisang babae? s**t lang! Hindi niya pinangarap na mapunta sa lalaking walang loyalty sa iisang babae. Ayaw niyang makihati. Kung hindi niya ito masosolo, mabuti pang mapaunta na lang ito sa iba. “Miss Galliguez, are you okay? Malapit nang madurog iyang tissue na hawak mo, ah.” “Huh? May sinasabi ka ba? Sorry, ha? Hindi ko kasi narinig.” Ipinilig ni Lian ang kanyang ulo. Itinuro ni Mr. Estabillo ang nasa harapan niya. Gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ni Lian nang mapansin ang punit-punit na tissue sa harapan niya. Hindi niya namalayang ito pala ang napagdiskitahan niya. Agad niyang binitiwan ang natirang tissue sa magkabilang kamay niya. Susme! Ano bang nangyayari sa kanya? “Sorry. Nati-tense lang kasi ako,” pag-aamin niya. Bahagyang natawa ang lalaki sa kanya. “Oh! I should remember that. Dapat kapag nag-uusap tayo ilalayo ko lahat ng papel na malapit sa iyo, baka madisgrasya sila sa kamay mo. Kawawa naman ang sekretarya ko na mamumuroblema sa mga iyon,” napapailing nitong sabi. Pinaningkitan ito ni Lian. Agad namang itinaas ng lalaki ang dalawang kamay nito. “Oops! Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa akin? Hindi ako kaaway. Kakampi mo ako, Miss Galliguez. Remember, you came here to ask for my help.” Biglang lumamlam ang mukha ni Lian saka siya napabuntunghininga. “Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo akong tulungan,” mahinahon niyang sabi. Wala siyang balak ipagpilitan ang kanyang gusto sa lalaking ito. Kung umayaw ito o tumanggi, hindi niya ito pakikiusapan. Maghahanap na lang siya ng ibang tao na tutulong sa kanila. Napailing si Mr. Estabillo. “Hey! That’s not what I mean. You are mis-interpreting my words.” Napakunot ang noo ni Lian. Namamanghang tinitigan niya ang kausap. “Just what do you mean by that? Mali ba talaga ako ng pagkakaintindi? I’m sure hindi ka naman tutulong ng walang kapalit, hindi ba? Bakit hindi na lang natin pag-usapan ang gusto mong terms? Alam mo na siguro kung ano ang kalagayan ng LGC. Ilatag mo na lang ang offer mo at mga kondisyon na kailangan kong sundin. Tapos pag-iisipan ko kung kaya ko o hindi.” Napangisi si Mr. Estabillo. “Ang bilis mo namang mag-isip, Miss Galliguez. Parang ayaw mo akong makasama nang matagal, ah. Hanggang ngayon ba naman allergic ka pa rin sa akin. Ayaw mo pa rin bang nilalapitan kita?” Napangiwi si Lian. “Mr. Estabillo, we came here for business matters. Huwag mo namang isali ang personal na usapan dito. Whatever happened in the past should better stay there. Let’s not resurrect the past.” Biglang sumeryoso ang mukha ng kausap ni Lian. “Okay, if you say so. Let’s eat first before we talk about my proposal.” Tamang-tama naman na matapos sabihin iyon ni Mr. Estabillo ay dumating na ang waiter na may dala ng kanilang pagkain. Nakaramdam si Lian ng gutom nang makita ang pagkain sa kanilang mesa. Mukhang masarap nga ang mga ito. Hindi siya mahilig sa fine dining dahil lutong bahay ang nakasanayan niya. Pero mukhang mapaparami siya ng kain dahil sa nakakatakam ang nasa harapan niya. Tahimik silang dalawa habang kumakain. Napansin ni Lian na mabilis palang kumain ang kasama niya. Tapos na ito samantalang marami pang laman ang plato niya. “Ayaw mo ba itong pagkain na in-order mo?” nagtatakang tanong niya. “Nah! I’m full. Kumain ka lang.” Nag-thumbs up na lang si Lian. Food and coffee are her weakness. Kaya sila magkasundo ni Jenezel dahil mahilig magluto ang kaibigan niya. Lahat ng niluluto nito mapa-ulam man, cake, o cookies ay siya ang tumitikim at umuubos. Marami rin ang naiinggit sa kanya dahil kahit malakas siyang kumain hindi siya tumataba. Nananatili ang pagiging slim niya tulad din ng bestfriend niya. Biniyayaan yata sila nang mabilis na metabolism rate kaya hindi sila nakakaipon ng extra fats sa katawan nila. “You want more?” tanong ni Mr. Estabillo nang mapansin nitong ubos na ang laman ng plato niya at halos wala na ring natira sa mga pagkain na nasa mesa. Sasagot na sana si Lian ngunit naunahan siya ng pag-burp. Agad niyang tinakpan ang kanyang bibig. “Ooops! Sorry,” nahihiyang sabi niya. Iyon ang malaking problema niya. Nagbi-burp talaga siya nang malakas pagkatapos niyang mabusog o kaya kumain nang marami. Karamihan sa mga nakaka-date niya ay nati-turn off sa habit niyang iyon. Pero wala naman siyang magawa para pigilan ito. Natawa si Mr. Esatabillo. “Oh! It’s okay. At least, I know you like the food and you’re full. Thank you for appreciating my favorite food.” Tumaas ang kilay ni Lian. “Hindi ka na-turn off sa pag-burp ko? Nakakahiya kaya iyon.” Mabilis na umiling ang lalaki. “Of course not! Why should I? Coming from you, I find it cute. At least, alam kong hindi ka umaarte sa harapan ko. Ang daming babae diyan na nagkukunwaring mahinhin at pinong kumilos pero kapag tumagal lumalabas din ang totoo. Walang filter ang bunganga. Mas masahol pa sa palengkera kapag nagalit. Nang-aaway kahit saan.” Napakurap ng ilang beses si Lian. “So, hanggang ngayon babaero ka pa rin?” “Lian!” Pinandilatan siya nito. Agad siyang nagtaas ng dalawa niyang kamay. “Oops! My bad!” Napakagat-labi rin siya. Napailing na lang si Mr. Estabillo. “Let’s get down to business. How can I help you?” Ibinaba ni Lian ang kamay. “I’ll accept any help for LGC. I’m really in dire need of it.” Ayaw niyang magsinungaling dahil totoo namang kailangang niya ang anumang tulong. “Okay. So, what can you offer in exchange for my help?” Shit! Business-minded nga ang loko. Return of investment agad ang nasa isip nito. “What do you want, anyway?” “Huh? For real, you are asking what I want?” Napilitang tumango si Lian. Desperado na siya, kailangan niya ng tulong kaya inihanda na rin niya ang sarili sa anumang kapalit nito. Kinuha ni Mr. Estabillo ang sign pen sa bulsa ng polo nito. “Do you have a piece of paper with you?” Inilabas ni Lian ang sticky notepad mula sa bag niya. Inilapag niya ito sa harapan ng lalaki. Pumilas ng talong piraso si Mr. Estabillo. Sinulatan niya ito saka tinupi. “Choose one,” utos nito nang ilapag ang tinuping papel sa harapan niya. Naguguluhang pumili ng isa si Lian saka niya ito binasa. “Wife?” kunot-noong sambit niya. “That’s the best choice,” malapad ang ngiting sabi ni Mr. Estabillo. “What does that mean?” “You will be my wife in exchange for my help,” mabilis na sagot nito. Muntik nang malaglag sa kanyang upuan si Lian dahil sa narinig. Ano daw iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD