“PAKIULIT nga iyong sinabi mo?” Hindi yata naintindihan ni Lian ang sinasabi ni Mr. Estabillo.
“Be my wife and I’ll help you any way you want,” mabilis nitong sagot.
“Huh? Iyan na ba ang desisyon mo? I mean, bakit gano’n? Ang hirap naman ng hinihingi mo,” reklamo ni Lian. Para namang baliw ang kausap niya. Basta na lang magbibigay ng ganoong kondisyon.
“You don’t want to be my wife?” seryosong tanong nito.
Pinaikot ni Lian ang mga mata. “Alam mo, Mr. Estabillo…”
“You can call me, Melvin or MJ,” sabad nito.
Napangiwi si Lian.
“Kung magiging business partners tayo, hindi ba’t tama lang na maging pormal ang tawagan natin?” Ayaw ni Lian na maging masyado silang close ng kausap niya. Naaasiwa siya sa lalaking ito.
“I don’t think so. Hindi ko yata gustong tinatawag akong Mr. Estabillo ng future wife ko. Ang sagwa naman ng gano’n."
Pinandilatan ni Lian ang kaharap niyang lalaki.
“Excuse me. Bata pa po ako. Wala pa po akong balak na mag-asawa, ah.”
“Pero iyon ang pinili mo sa choices na ibinigay ko,” giit nito.
“Excuse me, again. Hindi ko nakikita iyang choices na sinasabi mo. Ikaw kaya ang nagsulat diyan tapos tinupi mo pa iyong papel saka mo ako pinamili. Ngayon sasabihin mo sa akin na iyan ang kondisyon mo. Ano ba namang klaseng usapan ito, MJ?”
Ilang segundong tinitigan siya ni MJ. Pilit naman niyang sinalubong ang titig nito kahit na nanginginig ang kanyang mga kalamnan.
Buwisit ang lalaking ito! Bakit ba nag-total transform ito pagkalipas ng ilang taon? Dati naman hindi siya attracted dito noong nasa Saint Andrew pa lang sila. Pero bakit ngayon parang ang guwapo na nito sa paningin niya?
Dati ayaw na ayaw niya sa lalaking maiitim. Pero bakit parang hindi na ganoon ang nararamdaman niya kay MJ? Maitim pa rin naman ito. Singkulay ng kamagong ang balat nito. Ngipin lang yata nito ang maputi. Bagaman, guwapo na ito kahit noon pa kaya lang nandidiri siya sa kulay ng balat nito bukod pa sa ayaw niya sa lalaking habulin ng babae. Iyon ang dahilan kung bakit inis na inis siya rito kapag nilalapitan siya noon.
Sa kasamaang-palad nagkabaligtad ang sitwasyon nila ngayon. Siya na yata ang kailangang maghabol dito. Pero ayaw niya sa ganoong set-up. Babae siya kaya dapat siya ang hinahabol at hindi siya ang nanghahabol sa lalaki.
What the hell, Lian! Business matters ang dapat ninyong pag-usapan at hindi iyang kung ano-anong nasa utak mo?
Napapitlag si Lian nang bigla na lang makaramdam siya ng malamig na hangin na tumama sa mukha niya.
“Anong ginagawa mo?” nanlalaki ang mga matang tanong niya.
“Binugahan lang kita ng hangin dahil mukhang naengkanto ka na. Masyado na ba akong guwapo sa paningin mo kaya natulala ka na diyan?”
Naningkit ang mga mata ni Lian. “Hanggang ngayon makapal pa rin ang mukha mo, Mr. President! Hindi ka pa rin nagbabago. Puwede bang bawas-bawasan mo iyang hangin sa loob ng katawan mo. Malapit na akong liparin palabas ng restaurant.”
“Sabi ko nga, ganyan pa rin ang impression mo sa akin hanggang ngayon. Kaya pareho lang tayo, Lian. Katulad pa rin tayo ng dati.”
Natameme siya sa sinabi ni MJ. Pakiwari niya ay may ibang kahulugan ang binitiwan nitong salita.
“Alright, I don’t want to waste our time, so pick your choice.” Binuksan ni MJ ang mga tinupi nitong sticky notes.
“Wife, girlfriend, bed?” Iyon ang nabasa ni Lian sa mga nakasulat sa sticky notes.
“Pick one before I’ll explain my proposal,” utos ni MJ.
Napakurap ng ilang beses si Lian. Pinipilit niyang idini-decipher kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang nakasulat sa sticky notes. Naintindihan niya ang implikasyon ng wife at girlfriend. Pero hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni MJ doon sa bed.
“I don’t have the luxury of time, Lian. Masyado nang nauubos ang oras ko sa pakikipag-usap sa iyo. Pumili ka na bago pa kita iwan dito.”
May kung anong bumara sa lalamunan ni Lian sa huling sinabi ni MJ. Mukhang naiinis na sa kanya ang kausap niya.
“Anong ibig sabihin ng bed?”
“Iyan ang pinili mo?”
“Yes. I mean, no! Hindi ko naman alam ang ibig sabihin niyan,” mabilis niyang sagot.
“That’s f**k buddies or s*x mate, whatever you call it.”
Biglang naitakip ni Lian ang kamay sa kanyang bibig. Hindi makapaniwalang napatitig siya kay MJ na ngayon ay seryoso na ring nakatitig sa kanya.
“I will give you ten million for that. Twenty million for this.” Inilapit nito sa harapan niya ang sticky note na may nakasulat na girlfriend.
“Fifty million for this. I’ll add more if you can bear me a child or perhaps children.”
Napaawang ang bibig ni Lian. May plano pa pala si MJ na anakan siya! My goodness!
“All laid down, so what’s your final decision?” seryosong tanong nito.
She was tempted to choose the wife. Pero wala pa sa bokabularyo niya ang pag-aasawa lalo na kung si MJ ang lalaking mapapangasawa niya.
Hindi siya siguradong mapapakisamahan niya ito. Selosa siyang babae. Kaya siguradong mag-aaway lang sila lagi dahil alam niyang sa estado nito ngayon maraming umaaligid na babae rito. Besides, magiging business partnership lang ang pag-aasawa sa pagitan nilang dalawa. Imposibleng may gusto pa rin sa kanya si MJ hanggang ngayon. Nasisiguro niyang nawala na ang pagmamahal nito sa kanya sa paglipas ng panahon. Sa dami ng babaeng nakapaligid rito, malamang siya na ang huling babaeng pipiliin nitong maging asawa. Nagkataon lang siguro na siya ang lumapit dito kaya naisali siya sa pamimilian.
“Lian?” untag nito sa pananahimik niya.
“I’ll choose girlfriend,” sabi niya.
“Are you sure?”
Mabilis siyang tumango. “Yeah, I’m sure of it.”
“Ayaw mo sa fifty million?”
Umiling siya.
“Twenty million will do. I don’t like the idea of being married to you. Baka maging disaster lang ang married life natin kapag tayong dalawa ang nagkatuluyan.”
Nagsalubong ang kilay ni MJ. “What do you mean by that?”
“Selosa ako. Babaero ka naman. Saan sa palagay mo pupunta ang ganoong klaseng relasyon? Baka mag-away lang tayo araw-araw. Tapos may madadamay pa na inosenteng buhay. Kawawa naman sila,” paliwanag ni Lian.
“Alright, if you say so.” Pumirma si MJ sa papel na pinili niya.
“Sign here,” utos nito pagkatapos pumirma.
Napapailing na pumirma rin si Lian. Hindi siya makapaniwalang matatapos ang kanilang usapan sa maliit lang na papel na katulad ng sticky note. Ang weird lang!
“I’ll call my secretary later. He will be the one to talk to you. There will be a contract and other documents to sign.”
Tumango lang siya.
Tinawag ni MJ ang waiter at hiningi ang kanilang bill. Habang hinihintay nila ang pagbalik ng waiter, kinakalikot naman ni MJ ang cellphone. Nakatitig lang si Lian dito.
She was trying to remember things when they were still schoolmates.
Hindi talaga siya makapaniwalang nagbago nang husto ang lalaking patay na patay sa kanya noon. How did he become successful? Hindi naman naglalayo ang edad nila sa isa’t isa. Hindi kaya may kamag-anak itong may pera at pinamanahan si MJ?
Sa kanyang pagkakaalala, scholar ito sa Saint Andrew kaya nakapag-aral roon. Hindi ito katulad ng ibang nag-aaral roon na nagmula sa mayayamang pamilya o anak ng mga negosyante katulad niya. Sa mahal ng babayarin ay hindi ito kayang tustusan ng pangkaraniwang empleyado.
Pero hindi lang estado nito sa buhay ang nagbago, pati na rin ang itsura at pangangatwan nito. Guwapo na ito kahit noon pa pero mas guwapo ito ngayon. Gumanda rin ang patpatin nitong pangangatawan. Parang ang sarap makulong sa matipuno nitong katawan. Secured ka na may tagapagtanggol ka pa.
Ang kulay lang ng balat nito ang hindi nagbago. Pero aminado siya na isa iyon sa mga hinahangaan ng mga babae sa lalaking ito. Exemption to the rule lang siya dahil ayaw niya talaga sa mga lalaking kayumanggi.
Si Jenezel lang naman ang ka-close niya na hindi maputi katulad niya. Ewan ba niya kung bakit ayaw na ayaw niya sa mga madilim ang kulay. Nasanay kasi siya na napapaligiran ng mga mestiso at mestisa kung hindi man mapuputi.
“Hey! You can call your brother now to come and fetch you. Or you want me to call a cab for you?” tanong nito habang nagbibigay ng bayad sa waiter.
“Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko. Thanks for your offer.”
“Are you sure of that?”
Tinanguan niya ito. “Sige na. Umalis ka na. May trabaho ka pa,” pagtataboy niya rito.
Ilang segundo pang nakatitig sa kanya si MJ bago nito inilahad ang kamay sa kanya.
“It’s nice to see you again, Lian.”
Nag-aalangan man ay napilitan pa rin si Lian na makipagkamay rito.
He grasped her hand firmly and shake it afterward.
May kung anong init na dumaloy sa katawan ni Lian sa ginawang iyon ni MJ. Ngunit bago pa lumalim ang kanyang iniisip, binitiwan na nito ang kamay niya.
“Have a nice day,” nakangiting sabi nito bago siya iniwan.
Sinundan na lang ni Lian ng tingin ang likuran ng binata.
Bakit gano’n? Bakit parang gusto niyang habulin ito at sabihing nagbago ang isip niya? Na gusto niyang maging asawa nito katulad nang nauna niyang pinili?
Shit! Anong nangyayari sa kanya? Nababaliw na ba siya?