Chapter 6 - The Right Choice

1243 Words
“KUMUSTA ang usapan ninyo ni Mr. Estabillo?” usisa ni Lander nang sunduin nito si Lian. “Okay naman, kuya. Pumayag si Mr. Estabillo na mag-invest ng twenty million sa LGC,” tugon ni Lian. Hindi na niya in-elaborate dahil baka magalit ang kuya niya kapag malalaman nito ang kondisyon ni MJ sa pagbibigay ng ganoong halaga ng tulong. “Twenty million? Kasya na ba iyon? Fifteen million na ang utang sa bangko? Kaunti na lang ang matitira sa atin, bunso.” Biglang napaisip si Lian. Oo nga pala, fifteen million iyong utang na dapat nilang bayaran sa bangko. Hindi pa kasama ang interes doon. Baka wala ring matira para idagdag nila sa kapital. “Hindi sapat ang twenty million, Lian,” ani Luigi nang malaman nito ang balita tungkol sa pag-uusap nina Mr. Estabillo at Lian. “Paano ba iyan? Iyon lang naman ang offer ni Mr. Estabillo. Anong gagawin natin?” problemadong tanong ni Lian habang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang nakatatandang kapataid. “Kausapin mo siya ulit. Humingi ka ng dagdag. Baka pumayag siya. Kahit gawin na lang thirty million iyong ibibigay niyang tulong. Anyway, babayaran din naman ng LGC iyon,” suhestiyon ni Luigi. Napatingin si Lian kay Lander. Nag-thumbs up naman si Lander. Napabuga ng hangin si Lian. Paano niya kaya iyon masasabi kay MJ? Papayag kaya iyon na magpadagdag siya? Baka mamaya makaisip ito ng panibagong kondisyon. Lagot na naman siya kapag nagkataon. Kung mayroon lang sanang ibang tao na puwedeng hingan niya ng tulong, hinding-hindi niya ito lalapitan. Pakiwari niya ay kapahamakan ang naghihintay sa kanya sa pakikipaglapit niya kay MJ. MAKALIPAS ang dalawang araw, nakatanggap ng tawag si Lian mula sa sekretarya ni MJ. Nakikipag-appointment ito sa kanya. Tulad ng dati sa His Vineyard Restaurant na naman sila magkikita. Ngunit ibang mesa na ang ipina-reserve nito nang dumating siya roon. Kalahating oras bago ang usapn nila ay naroon na siya. Sinadya niyang maging maaga dahil kinakabahan siya sa paghaharap nila. Kung mali-late siya, madadagdagan lang ang kabang nararamdaman niya. Lalo siyang mahihirapang makipag-usap sa binata. Hindi kasi nagpa-function ang utak niya kapag kinabahan na siya. Literal na nagpi-freeze ang brain cells niya kapag naunahan siya ng nerbiyos. Um-order siya ng matcha flavored na kape habang naghihintay. Hindi naman siya adik sa kape. Pero kapag ganitong kinakabahan siya, uminom ng kape ang unang pumapasok sa isip niya. Brewed coffee o kaya iyong matcha flavor ang gusto lang din niyang inumin. Eksaktong naubos na niya ang iniinom na kape nang makita niyang humahangos na lumapit sa kanya si MJ. “Hi! Pasensiya na kung naghintay ka nang matagal. Hindi ko naman kasi alam na ganito ka pala kaagang dumating. Kung nasabi lang sana ng manager na kanina ka pa narito, umalis na sana ako agad sa opisina. Ang dami ko kasing pinipirmahang papeles kaya hindi agad ako nakaalis,” paliwanag ni MJ nang umupo ito sa katapat niyang upuan. “It’s okay. Hindi ka pa naman late. Maaga ka pa nga ng five minutes,” katuwiran ni Lian. “Pero mas maaga ka pa rin. Kalahating oras ka na raw na narito sabi ng maître d.” Nagkibit-balikat lang si Lian. “Gano’n talaga kasi ako. Lalong akong kakabahan kapag nali-late, eh.” “Ibig sabihin, hindi ka kinakabahan ngayon?” Pinakiramdaman ni Lian ang kanyang sarili saka siya napatingin sa coffee mug na wala ng laman. “Okay na ako,” mahinahong sabi niya. Nagsalubong ang kilay ni MJ. “Come again?” Si Lian naman ang kunot-noong napatingin dito. “Ang sabi ko, okay na ako.” “Ibig bang sabihin niyan kanina kinakabahan ka?” Umiwas ng tingin si Lian sa binata. “Why are you nervous, Lian? Iniisip mo bang hindi ko tutuparin ang usapan natin?” Napailing si Lian nang bumalik ang tingin niya sa binata. “Hindi iyon ang iniisip ko, eh. Sa pagkakatanda ko, kaya ka gustong-gusto ng mga estudyante sa Saint Andrew noon bilang SSG President kasi lahat daw ng ipinangako mo sa meeting di avance ay tinupad mo. Kaya hindi ako nag-aalala na hindi ka tutupad sa usapan natin,” katuwiran niya. “Kung ganoon, ano ang ipinag-aalala mo?” pangungulit nito. Sa halip na sagutin ang tanong nito, iba ang nasabi ni Lian. “Dala mo na ba iyong kontrata na pipirmahan natin?” Umiling si MJ. “Dadalhin pa lang ni Attorney Aragon sa akin mamaya. Baka pagbalik ko siguro sa opisina, naroon na iyon.” “Ah, ganoon ba? Paano ko mapipirmahan iyon kung nasa opisina mo?” “You will come with me to my office after our lunch.” Napataas ang kilay ni Lian. “Bakit kailangan pa nating pumunta sa opisina mo? Sana dinala mo na lang dito iyong kontrata.” “What’s wrong with you? I mean, ayaw mo bang pumunta ng opisina ko? Ang balak ko kasi kapag natapos ang pirmahan natin, ipakikilala kita sa mga tao ko na magti-train sa iyo sa pagma-manage ng kompanya ninyo. Sa ganoong paraan, maiiwasan natin na magkaproblema ulit sa finances at iba pang aspekto ng negosyo ninyo.” May point naman si MJ. Pero nakaramdam pa rin ng kaunting pagtatampo si Lian dahil hindi niya alam ang planong ito ng binata. Kunsabagay, humihingi lang naman siya ng favor dito kaya dapat lang na sumunod siya sa lahat ng kondisyon nito. “Lian, ayaw mo ba sa sinasabi ko? Tell me what you want so I can adjust,” ani MJ nang hindi siya sumagot. Nagliwanag naman ang mukha ni Lian sa sinabing iyon ng binata. “Really? Mag-a-adjust ka sa gusto ko?” hindi makapaniwalang tanong niya. Ayos naman palang kausap ang binata. Baka puwede na niyang ipakiusap na gusto niyang magpadagdag sa investment nito. “Sure. Why not? I’m willing to adjust as long as your wish is reasonable.” “Puwede bang magpadagdag ng ten million?” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Sinabi na niya agad iyon. Baka kung patatagalin pa niya lalong hindi niya ito masabi. “Let’s talk about that, after we eat,” sagot nito. Napansin niyang may sinisilip si MJ sa likuran niya. Nang lingunin niya kung ano ito, napansin niya ang waiter na nagtutulak ng food trolley papunta sa kanilang mesa. "Nag-order na rin ako ng pagkain natin noong magpa-reserve ako rito kahapon." Kaya naman pala may pagkain na sila agad kahit hindi pa sila nag-order. Kumakain na sila nang muling magsalita si MJ. "Kung kailangan mo pala ng mas malaking halaga, bakit hindi mo pinanindigan iyong una mong napili? Don't you like to be my wife?" Napatda si Lian. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Kung ang pagbabasehan lang ay ang mukha at yaman nito, papayag siyang maging asawa siya ng binata. Pero paano naman ang feelings niya? Hindi niya ma-imagine ang sariling magpapakasal dito. Hindi naman kasi niya ito gusto kahit noon pa. Katunayan naiinis nga siya rito. Kung hindi lang talaga niya kailangan ang tulong nito sa LGC, nungkang lalapitan o kakausapin niya ito. Abot hanggang langit ang galit niya sa mga lalaking ginagawang laruan lang ang mga babaeng katulad niya. Kung noong estudyante pa sila sa Saint Andrew, babaero na si MJ, mas lalo na siguro ngayon. May maipagmamalaki na ito ngayon. Hindi na lang mukha at pera ang habol ng mga babae rito.Sigurado siyang pinagnanasaan din nila ang maganda nitong katawan. Tsk! Pati ba ikaw, Lian, may pagnanasa ka rin sa katawan ni MJ? Umamin ka, girl!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD