PAGKATAPOS nilang kumain, isinama ni MJ si Lian sa opisina nito para mapirmahan ang kanilang kontrata at mapag-usapan nang maayos ang terms and conditions sa gustong mangyari ng dalaga. “Bakit kailangan ko pang sumama sa iyo? Bakit ba hindi natin pauwedeng pag-usapan sa restaurant? Baka makaabala lang ako sa trabaho mo.” As much as possible, ayaw ni Lian na magkasama sila lagi ni MJ. Kinakabahan siyang hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman kapag kasama niya ito. Hindi iyon magandang senyales. Kung nandito lang sana si Jenezel, may kasama sana siyang magbi-brainstorm sa mga magiging desisyon niya. Pero nawawala ang bestfriend niya. Tinangay ng siraulong hilaw na biyenan nito at hindi na mahanap ng asawa nitong si Phoenix. Gustuhin man niyang tumulong sa paghahanap, hindi nama

