PAUWI na si MJ ng gabing iyon nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Numero lang ang nabasa niya nang silipin niya ang caller ID. Napabuga siya ng hangin. Umaasa siyang sana ito na ang tawag ng kidnapper ni Lian. Dalawang linggo na ang nakaraan nang huli niya itong makausap. Isinuot niya ang Airpods at sinagot ang tawag. “Hello!” “Mr. Estabillo, nakahanda na ba ang pera?” “Matagal ko nang naihanda ang hinihingi mo. Hinihintay ko na lang ang tawag mo.” “Very good! Magkita tayo bukas bandang alas-onse ng gabi sa may park na malapit sa opisina ng Estabillo Holdings.” Napakunot ang noo ni MJ. Iniisip niya kung nasaan ang park na tinutukoy ng kanyang kausap. Ilang segundo siyang tahimik na nag-iisip saka niya naalala ang minsang pag-uusap nila ni Lian habang umuulan at naabutan sila

