“HEY! ANONG gagawin ninyo sa akin?” hiyaw ni Lian sa dalawang lalaking bigla na lang siyang kinakaladkad palabas ng kuwartong pinagkulungan sa kanya. Ilang araw na siyang nakakulong. Hindi na niya mabilang kung gaano siya katagal na nakakulong sa lugar na iyon. Pakiwari niya ang tagal na ng panahong inilagi niya sa kulungang iyon. Mabuti na lang at hindi pa siya nababaliw. Malapit nang mapigtal ang katinuan niya. Bagaman, pinapakain naman siya nang maayos, naiiyak pa rin siya sa kanyang sitwasyon. Walang bintana ang kulungan niya bukod pa sa rough ang sahig na hinihigaan niya. Literal na sa sahig siya humihiga. Ni walang sapin na kahit ano. Magaspang na nga, malamig pa ang semento. Wala rin syang unan o kumot man lang kaya tinitiis niya ang lamig ng panahon. “Huwag ka nang magreklamo!”

