MAHIGIT ISANG linggo na ang lumipas o eksaktong sampung araw mula nang makausap ni MJ ang kidnapper ni Lian, hindi na ito muling tumawag. Sinubukan niyang tawagan ang numero nito ngunit hindi na niya ito makontak. Sobra-sobra na ang pag-aalala niya mula nang araw na marinig niya ang boses ng kanyang asawa. Hindi na siya halos makakain o makatulog nang maayos. Pati ang kanyang trabaho ay apektado na rin. Inokupa ng kanyang asawa ang buong isip niya kaya hindi na niya magawang kumilos ng normal sa araw-araw. Litong-lito na ang isip niya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Kung alam lang niyang mangyayari ito, sana sinamahan na lang niya noon ang asawa nang mag-CR ito. Sana naprotektahan pa niya ito at hindi nakuha ng ibang tao. Ngayon hindi na niya alam kung saan ito hahanapin. N

