DALAWANG linggo lang nanatili sa condominium unit ni MJ sina Lian. Sa loob ng panahong iyon, hindi kailanman nagtabi sa higaan ang dalawa. Sa sala natutulog si MJ samantalang sa kuwarto naman naiiwan si Lian. Tinanong pa ni Lian kung bakit gano’n ang sleeping arrangement nila pero hindi siya sinagot ni MJ. Napansin din niya na maagang gumigising si MJ para magluto ng almusal nila. Kaya naman siya na ang nagboluntaryong magliligpit at maghuhugas ng kanilang pinagkainan. Pagkatapos sabay na silang papasok sa Estabillo Holdings kung saan pareho silang sumasailalim ng training sa pagiging CEO/President. Pagdating ng tanghali sabay din silang kumakain. Saka ipahahatid ni MJ si Lian sa Cavite kung saan naroon ang pabrika ng LGC. Mananatili siya doon hanggang alas sais ng gabi bago siya sundui

