“NASISIRAAN ka na ba ng bait, ha? Bakit ka naman magpapakasal sa lalaking iyon?” Kulang na lang sakalin ni Lander si Lian nang sabihin niya ang tungkol sa pagpapakasal nila ni MJ. “Ganon’n ka na ba kadesperado, Lian? Itataya mo ang sariling kaligayahan para lang sa LGC? Hindi ka lang baliw. Ang tanga mo rin,” may diing wika naman ni Luigi. Pinaikot ni Lian ang mga mata. “Kung makapag-react kayo para namang nakagawa ako ng malaking kasalanan, ah. Kaya ko lang naman gagawin iyon dahil sa kompanya natin. Besides, mabuting tao si MJ katulad ninyong dalawa. Hindi ako dehado kapag nagpakasal sa kanya,” depensa niya. “Kahit ba mabuting tao iyang si Mr. Estabillo, hindi pa rin iyon magandang dahilan para magpakasal ka sa kanya. Pinag-isipan mo bang mabuti iyang gagawin mo? Mahal mo ba siya?” us

