Chapter 4

2335 Words
- Sammy - Tinalikuran ko ito bago pa ako makalimot. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang gwapong nilalang na bagong dayo dito sa lugar namin. Sobrang gwapo nito sa paningin dahil ang angas nito tingnan at napakalaki ng katawan. Nakangiti palagi at parang model ng toothpaste ang ngipin. Sobrang bango pa na pakiramdam ko ay dinadala ako sa langit.. Jusko naman Samantha! Wag mong pagpantasyahan ‘yan, hindi mo siya kilala. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay pinagpawisan ako kahit na malamig kapaligiran dahil maulan. “Anong ulam ba ang gusto mo? Ililibre na kita. " Huh? Agad akong napalingon sa kaniya pero parang gusto ko pagsisihan dahil Kagat-labi ito sa akin habang nakatingin sa buo kong katawan. Manyakis ba ‘to? Humakbang ako palayo dito dahil kahit gwapo ito sa paningin ay parang may kakaiba sa pagkatao nito. Baka akala nito ay katulad ako ni Andrea, ay baka masuntok ko lang ang mata nitong maganda. Sasagot sana ako nang nakita ko na may pinindot itong puting switch. Bigla iyon tumunog kaya napataas ang isang kilay ko. “Ngayon ka lang ba nakabili dito? Hindi ka talaga nila maririnig kaya kailangan mo ‘tong pindutin." Wala pang isang minuto ay dumating si Tita Emma. “Oh Adam ano bibilhin mo. " nakangiti si Tita Emma habang nakatingin sa lalaki na ngayon ko lang nalaman ang pangalan. Tumikhim muna ang lalaking ito na panay ang ngisi sabay tingin sa akin. “Hindi po ako Tita. Si Miss Ganda, kanina pa gustong bumili ng ulam. " kumindat pa ito sa akin. Napangiwi ako. Gwapo ito kaya bagay sa kaniya ang pakindat-kindat pero hindi ko type ang pagfi-flirt niya sa akin. Hindi ko rin type ang sobrang pagiging gwapo nito. Kung panget lang ito ay baka sinukmuraan ko na ito sa tiyan. “Oh Samantha! Nariyan ka pala hija. Hindi agad kita napansin. " inayos pa ni Tita Emma ang suot na salamin. Biglang sumingit si Tita Norma. “Aba'y hindi ka makakapansin ng ibang tao kung narito na naman ang kay gwapong binatang ire." Gusto kong irapan ang lalaking nasa harap ko ngayon. Nang marinig niya lang na pinuri ito ni Tita Norma ay parang naging confident na sa buhay. Inayos nito ang pagkakatindig sabay flex ng muscle niya. Tanginaaaa.. May ganito palang nilalang.. “So, your name is Samantha? That's cute." Inismiran ko ito at bumaling sa dalawang matanda. “Pabili po ng ulam, Tita. " Wala akong panahon makipag-usap sa ganitong lalaki. Bagay sila ni Andrea. Sinilip ko ulit ang kaserola. May tinolang manok pa naman, sakto dahil malamig ang panahon at masarap humigop ng sabaw. Dali-dali na lumabas si Tita Emma. Pero ngiting-ngiti ito habang nakatingin kay Adam na nasa likuran ko. “Pabili rin po ng tatlong kanin. " Kinuha ko ang buong singkwenta pesos at mga barya. Dahil mahal na rin ang ulam ngayon at kanin. “Hindi pa pala kayo kumakain ng Inay mo Sammy? Aba'y ala-una na. " salita ni Tita Emma habang nagsasandok ng ulam. Umiling ako habang nagbibilang ng barya. “Ako lang po Tita Emma. Wala po ang Inay, nasa bayan. " “Oh talaga naman si Kumare, napakasipag maglabada." “Opo." Nagsandok ng kanin si Tita Emma. “Ikaw ba ang kakain nito lahat? Aba'y kukulangin ka sa ulam. Oh heto bibigyan kita ng isa pang ulam. " Napangiti ako. “Sige po Tita. Hindi ko tatanggihan ‘yan." Naglagay sa plastik si Tita Emma ng menudo. Tuwang-tuwa ako dahil talagang mabubusog kaming dalawa ni Pakito. “Salamat po Tita Emma! Ito po ang bayad. " Iaabot ko na sana ang pambayad ko sa matanda nang biglang may mag-abot sa uluhan ko ng pera. Nakatingala ako at ganun na lang ang pagkanganga ng bibig ko. “Let me handle this." sabay abot ng five hundred pesos kay Tita Emma. Tumili ang matanda sa harapin at kilig na kilig nang abutin ang pera. “Keep the change, Tita. " kumindat pa ito sa matanda. “Napakabait mo talagang bata ka. " abot langit ang ngiti ni Tita Emma habang kinikilig. Hindi ko akalain na kahit matanda na pala ay haharot din kapag may gwapong nang-uuto. Ano kaya mararamdaman ni Honey kapag nalaman niya na may haliparot na lalaki dito sa lugar namin na nang-uuto sa kaniyang tiyahin. Umismid ako at marahan na umusog sa gilid dahil kakaiba ang presensiya ng lalaki sa aking likuran. “Sandali, ano yan?" pagtataka ko. Ngayon ko lang narealize na siya ang magbabayad ng binili kong pagkain. “What?" pakunwari pa ng lalaki. Tumingin ako kay Tita Emma, na hanggang ngayon ay nagniningning ang mga mata sa lalaki. “Ay, sus Ginoo. Ikaw hijo, si Sammy ay binibigla mo." biglang singit ni Tita Norma na ngising-ngisi rin. “Wag kang mag-alala hija. Mabait na binata itong si Adam. Hayaan mong ilibre ka niya. Marami na siyang nailibre dito sa atin. " “Thanks for the compliment, Tita. " napakamot pa ito sa batok pero nakatingin pa rin sa akin. Nagsalubong ang kilay ko. Eh kung mahilig pala itong manlibre edi sige. “Ganun?" labas sa ilong na sagot ko. “Sige! Salamat sa biyaya. " Binuksan ko ang payong at nagtalsikan ang tubig ulan mula sa payong. Agad akong napatingin sa lalaki dahil napahilamos ito sa mukha. “Sorry. " napangiwi ako. Hagalpak naman ng tawa si Tita Norma na nasa loob ng tindahan. “Nakakatuwa talaga ireng si Samantha. Mabuti na lang at kagandang dilag. " Halah si Tita Norma.. “Alam mo hijo. Bagay kayo ni Samantha. Dalaga pa ire at walang kasintahan. " biglang salita ni Tita Emma. Napasinghap ako at agad na lumingon sa matanda pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko. “Interesting... that’s really nice to hear." mapang-akit na sagot ng lalaki. Napahawak ako ng mahigpit sa payong at kulang na lang ay matunaw ako sa paraan ng pagtitig ng lalaking ito na nasa harapan ko. “A-alis na po ako Tita Emma, Tita Norma. Gutom na si Pakito. " Agad akong umalis na walang lingon-lingon sa lahat. Hindi ko na hinintay kong nagsalita pa ang dalawang matanda. Basta makasibat lang ako. Hindi ko na ata kakayanin pang tumayo nang matagal kung naroon lang din ang lalaking iyon. Lumakas pa ang ulan pero nagkukumahog ako sa paglakad. Tangina. Ang lakas-lakas ng t***k ng puso ko. Napakagago naman ng lalaking iyon. Baka akala niya type ko siya. Sinakyan niya pa ang sinabi ng matanda. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong hinanap ang alaga kong pusa. “Pakito! Pakito!" “Meoww." biglang litaw ng pusa ko. Ibinaba ko muna ang dalang ulam sa lamesa at saka ko binuhat ang si Pakito at. hinalikan ito. “Ba't parang ang baho mo? Saan ka ba nagsusuot? Nag-hunting ka na naman ng mga daga no?" Napailing ako. “Kain na nga tayo." Ibinaba ko ito at saka ko inihanda ang aming kakainin. Dahil tatlong kanin ang binili ko.. ay este nilibre pala ako kaya hinatian ko si Pakito ng kanin at sabaw naman ang ulam niya na may kaunting karne sa menudo. Nasa kalagitnaan kami ng masarap na tanghalian nang maalala ko bigla ang cellphone ko. Agad akong napatayo at kinuha sa sala ang cellphone ko. Takteng ‘yan. Nawala na sa isip ko. Binuksan ko ang cellphone habang ngumunguya at nakita ko ang maraming chat ng Inay ko. “Hindi mo sinabi Pakito na marami na palang message si Inay. Galit na naman tuloy oh!" Nagreply ako dahil puro chat ng Inay ko na huwag ko raw kalimutan ang drum at dapat mapuno at ang ilang orocan ng tubig ulan. Sinabi ko na rin na bumili ako ng pagkain kila Tita Emma. Pero hindi ko na binanggit ang tungkol sa lalaking feeling pogi. Kahit na pogi siya ay feelingero naman. Natapos na lang ako kumain ay mas lalo pang lumakas ang ulan. Sana lang ay huminto na ito bago pa umuwi ang Inay. Hindi ako sanay na gabihin sa pag-uwi ang Inay ko dahil mas sanay ako na siya ang dinaratnan ko kapag umuuwi ako galing trabaho. Dahil wala naman na akong gagawin at nakakatamad nang kumilos ay nahiga ako sa kwarto ko. Kinamusta ko ang aking Itay na nasa Bicol. Namimiss ko na ang Tatay ko na iyon. Limang buwan na rin pala itong nasa probinsya. Balak pang sundan ni Inay at maiiwan ako. Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin kapag naiwan ako magisa? Teka? Bakit ako mag-aalala na mag-isa? Matanda na ako at hindi na bata. Sa edad kong ito ay marami na akong kakilala na may asawa at mga anak na. Ang bestfriend kong si Honey ay nasa Maynila na at maganda ang trabaho. Kaya ko na ang sarili ko, at kayang ko naman na buhayin din ang Inay at Itay ko at si Pakito, kaya hindi ko dapat maramdaman ang takot o pangamba na maiwan dahil may kakayanan naman ako kahit hindi ako nakatapos sa pag-aaral. Hindi rin naman ako maaapi dahil hindi ako nagpapaapi. Bakit ako matatakot? May kinatatakutan ba ako? Wala naman. “Grabe Pakito. Nag-iisip na naman ako ng mga bagay na walang kakwenta-kwenta." Hinawakan ko sa ulo ang pusa ko at ito naman ay nonchalant lang. “Kahit na umuwi ng bicol si Inay, Pakito. Huwag mo akong iwan huh? Magpapayaman pa tayo. Pupunta pa tayo sa iba't-ibang bansa. Kakain pa tayo ng masasarap na pagkain. Hay, makakatikim din tayo ng mga steak-steak na napapanood natin sa videos. Ikaw Pakito, hindi lang sabaw ng noodles at sardinas mauulam mo. Pare-parehas na tayo ng kakainin. Partner kaya tayo. " “Meow." Napalingon ako kay Pakito at nagulat ako dahil sumagot ito. Pero nakapikit pa rin ito at feel na feel ang paghagod ko sa kaniyang ulo. “Ikaw talaga! Kaya love na love kita eh. Sang-ayon ka rin sa pangarap ko eh. Dahil diyan. Hahatian kita ng ulam mamaya pagkarating ni Inay. " Balak ko na lang na matulog hanggang sa dumating ang Inay ko dahil malamig ang panahon at tuloy-tuloy pa ang ulan. Kung minsan ay lalakas, minsan naman ay hihina. “Magkumot tayo Pakito!" Pahila ko na ang kumot nang biglang tumalon ang alaga kong pusa at lumabas ng kwarto. “Uy! Pakito!" Ang kulit talaga ng alagang kong si Pakito. Hindi pa naman ako sanay na wala ito sa aking tabi kapag nahihiga na. Asar akong bumangon kahit nakakatamad. “Pakito, ano ‘yan?" Nakatingin lang si Pakito sa harap ng pinto. Wala namang daga o ipis sa paligid pero nakatitig lang ito. “Uy! Wag kang ganiyan ah. Baka may nakikita ka na wala akong nakikita, Pakito." Matapang ako, pero kapag ganitong multo-multo na ang usapan, matatakutin ako. Alam kong may kakaiba pa namang pakiramdam ang mga pusa sa masasamang elemento. Lumakas pa ang ulan kaya natakot ako. Kasabay niyon ang malakas na hangin. Mukhang may bagyon ngayon. Hindi lang ako updated. May malakas na kalabog ang bumagsak sa bubong na kinagulat ko ng husto. “Ay animal!" napahawak ako sa dibdib ko. Si Pakito naman ay lumapit sa akin kaya binuhat ko. “Tagal naman ni Inay. Pasado alas-tres na ng hapon eh." Bubuksan ko sana ang pintuan nang biglang namatay ang ilaw. “Ahh!!" Agad kong binuksan ang pinto para may liwanag na galing sa labas. Kahit malakas ang ulan at hangin ay hinayaan ko lang. Nagmamadali ako sa pagpasok sa kwarto para hanapin ang cellphone na nasa kama ko. Binuksan ko agad ang flashlight. “Jusko, parang minamalas ata tayo ngayon Pakito." Ibinaba ko si Pakito para maghanap ng kandila sa kusina. Minalas talaga dahil wala na ngang kandila, naubusan pa ng posporo. Nakakatamad pa naman ang lumabas ngayon. Tinext ko ang Inay para ipaalam na walang kuryente. At kung makakadaan sa bayan ay bumili na ng maraming kandila at katol. Pero sa tingin ko ay matatagalan ang pag-uwi ng Inay ko dahil malayo-layo ang bahay ng kumare nito. “Dito ka lang Pakito. Bibili lang ako ng kandila. Bantayan mo itong bahay natin ah." Kahit nakakainis ang ulan ay kinuha ko na lang ang payong. Bitbit ang cellphone at coin purse, isinara ko ang pinto pero bukas ang bintana at pinaupo ko doon si Pakito para bantay. Sa kabilang tawid na lang ako bibili ng kandila, dahil nalalayuan na ako sa tindahan ng mga tiyahin ni Honey. Patawid pa lang ako at sabay na napasimangot. Dahil pamilyar ang bulto ng taong nakatalikod na walang iba kundi si Adam. Eksaktong paglapit ko sa tindahan ay agad itong napalingon sa akin. Mabilis na lumiwanag ang mukha at ngumisi na may pataas pa ng kilay. “Oh Hi Sammy! You here." Huh? Feeling close ang putcha. May pa-english english pang nalalaman wala naman kami sa Amerika. Tumango na lang ako. Baka akalain nito na napakasama nang ugali ko matapos niya akong ilibre ng pagkain. “Pabili Aling Daday." Naramdaman ko na pinapanood niya ako. “Oh Sammy. Anong bibilhin mo? Kandila rin ba?" sagot ni Aling Daday. Tumango ako. Mukhang marami na ang bumili ng kandila dito dahil lahat kami ay nawalan ng kuryente. “Pabili po ng dalawang kandila at pares na katol." Habang hinihintay si Aling Daday ay nagulat ako kay Adam nang umupo ito na parang pa-squat kung saan ito nakatayo. “Anong pares na katol? Snack mo?" sabay buga ng usok ng sigarilyo paitaas. Kaya agad kong tinakpan ang ilong ko ng usok. May pagkakupal pala itong lalaking ito. Nakatingala ito sa akin at saka na-realize na hindi ko gusto ang pagbubuga nito ng usok. “Oh sorry. My bad. " Gusto ko sana itong tarayan nang magsalita si Aling Daday. “Ito na Sammy. " “Salamat po. " Pagkatapos ko magbayad ay agad kong binuksan ang payong. Walang lingon-lingon akong naglakad kahit na tinawag ako ng lalaking lakas tama. Feeling close? Porke nilibre niya ako ng pananghalian. Sakto naman na ako pagkatawid ko ay nakalapit na ako sa maliit namin na gate, pero hindi pa man ako nakakapasok ay biglang kumidlat ng napakalas. “Ahhh!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD