Chapter 5

2705 Words
- Sammy - “Watch out!" Nabitiwan ko ang hawak na payong, maski ang binili kong kandila at katol. Pero ang takot at kaba ko ay nag-uunahan. Kaya napahawak na lang ako sa aking ulo lalo pa at lumakas ang buhos ng ulan. “Whoa. That was close. The branch almost hit you. Luckily, I caught it.” Ilang segundo akong napapikit pero agad din na dumilat. Pagtingala ko ay ang malaking braso ni Adam ang nasa uluhan ko na may hawak na malaking sanga. Jusko... Napalunok ako. First time ko makakita ng brasong naglalabasan ang malalaking ugat. Ang laki ng sanga na mula sa puno namin pero isang kamay lang ang hawak nito. Ang lakas.. Ang sarap.. Tumikhim ako sa kabaliwan ko. Kung anu-ano bigla naiisip ko. “Are you okay? Nasaktan kaba? " “A-ah Oo, ay mali. H-hindi. Ayos lang ako. S-salamat!" Mabilis akong yumuko at dinampot ang binili kong katol at kandila. Nabasa na. Hindi magagamit ang katol at kailangan pang patuyuin. Nagulat ako at napalingon kay Adam nang ihagis lang nito ang sanga malapit sa bakanteng lote. Dalawang hakbang lang ang ginawa nito at saktong bumagsak ang sanga sa semento na hindi naman dinaraanan ng mga tao. Ang lakas niya. Kung ako yun, ay tiyak parang nagbuhat ako ng kalahating sako ng bigas papunta doon. Pero ang isang ito, parang superman. “Bumili ka ng bago. Hindi mo na yan magagamit. " Napatingin ako sa hawak ko. Kaya napatango na lang ako. “S-salamat." Kinuha ko ang payong at tiniklop iyon. Basa na rin ako kaya maliligo na lang ako sa ulan. Nilagay ko sa labas ng pinto ang payong at pinatong ko ang kandila sa binata. Naroon pa rin si Pakito nakaupo at nakapikit. “Magbantay ka dito ah. " Palabas ako nang hindi ko na nakita si Adam. Siguro ay umuwi na dahil nabasa na rin ng ulan. Nagkibit-balikat na lang ako at bumalik sa tindahan para bumili pa ng isang pares na katol. Pinaplastik ko na iyon para hindi mabasa. Mabilis lang ako nakabili at nagmadali makauwi at baka mabagsakan na naman ako ng sanga. Lalo pang lumakas ang ulan. Nagsindi muna ako ng kandila at nilagay ko sa maliit naming lamesita sa sala. Binuhat ko ang pusa ko dahil ayaw umalis sa bintana. Tigas ng ulo. “Ay oo nga pala!" Agad akong lumabas ng bahay para pumunta sa likod bahay. Naalala ko na pag malakas ang ulan ay bumabaha sa bandang likuran namin lalo kapag hindi agad nakakadaloy ang tubig sa kanal. “Jusko!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Si Adam nakatayo habang may hawak na pinutol na sanga habang inaalis ang mga nakabarang mga dahon papuntang kanal. “Anong ginagawa mo dito!" nataranta ako sa ginagawa nito. Napalingon ito sa akin pero pinagpatuloy ang ginawa. Natulala na lang ako habang pinapanood ito. Para siyang bida sa isang pelikula habang naliligo sa ulan at naglilinis ng kanal. Hayuuppp. Nang matapos ito ginagawa ay umagos na nang maayos ang tubig sa kanal. Maputik na rin sa kinatatayuan ko dahil dito kami madalas magsampay ng labahin. “S-salamat! " tipid akong ngumiti. Ngumiti ito at sumaludo sa akin saka naglakad palabas kaya sinundan ko. Nakakahiya naman na salamat lang ang ginawa ko kaya tinawag ko ito. “Kuya!" tawag ko. Hindi naman na rin malakas ang ulan kaya napalingon ako. Nagsalubong ang kilay nito nang huminto sa paglakad. “K-kuya. Gusto mo ng kape?" “What?" “Kape. Gusto mo magkape? Pasasalamat ko kasi nilinis mo yung kanal namin." Napaharap ito sa akin at biglang napamewang. Nagtataka ako itsura nito na salubong ang kilay. Ang laki pa ng katawan lalo pa at bumabakat ang basang damit nito sa kaniyang katawan. May mali ba sa sinabi ko? Tumango ito. “Sure." Hindi ko alam kung napilitan ba itong tanggapin ang alok kong kape. Pero bahala siya, bakit pumayag naman. Nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Basa na ang buong katawan ko pero ayos lang naman kaya kong maglampaso mamaya. “Dito na lang siguro ako. " Napahinto ako sa paglakad nang marinig ko ang boses ni Adam kaya nilingon ko ito. “Baka magalit ang Nanay mo kapag pumasok ako. Dito na lang ako magkakape sa labas ng pinto. " Napaawang labi ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. At tama rin naman, magagalit ang Inay ko. Lalo pa at hindi naman siya kilala nito kaya maigi na rin iyon. “O-okay." Pumasok ako sa loob at kinuha ang tuwalya na nilagay ko lang sa balikat ko. May mainit naman na tubig termos kaya nilagay ko agad sa mug na may print pang Hello Kitty. Sa akin kasi ang mug pero dahil ito lang ang maayos-ayos na tasa at bagong bili ko bago pa ako mawalan ng trabaho. Kapeng stick lang ang merun kami at siguro naman ay hindi aangal yung lalaking nasa labas. Mag-inarte pa ba siya. “Heto oh." Naabutan ko siyang nakatingala at nakatingin pa sa puno ng mangga kung saan muntik na akong mabagsakan ng sanga. Napalunok ako. Wala na kasing suot na damit pang-itaas at talaga naman na napakalaki ng katawan nito. Grabe... Hayuupp Lumingon ito at ngumiti. Nanginig ang kamay ko nang mapadaan ang mata ko sa katawan nito na mabalahibo ang dibdib. May tattoo pala ito sa kanang dibdib na isang baril at rosas na magkakros. “Thanks Sammy. " Inabot nito ang mug habang nakatingin sa akin sabay ininom. “Perfect." Huh? Nambola pa. Kape stick nga lang yun. “Ano ang tawag sa tattoo mo?" Trip ko lang itanong dahil ang lagkit kung tumingin ito. Napatingin din ito sa dibdib at sabay ngisi. “It's Gun and Roses" Ilang segundo na nag-loading ang utak ko saka ko narealize ang sinabi nito. “Ahh. Fan ka pala ng rock band ah. Idol mo pala ang Gun's N Roses? Hindi halata sa itsura mo ah. " pahapyaw akong tumawa. Napayuko ako nang lumingkis ang buntot ni Pakito sa binti ko. Nagulat ako nang bigla itong natawa. “No, I'm not. " Napataas ang isang kilay ko. “Hindi? Ganyan nakikita ko sa poster ng rock band na yan." Humigop muna ito ng kape bago sumagot. “I appreciate their music… but I’m not really a fan. Nagkataon lang na Gun and Roses yung tattoo ko, because its symbolism reflects my life… and the person I’ve become.” seryosong sagot nito. Halah grabe siya ang lalim naman ng sinabi niya. Edi ok! Tumango na lang ako. Ayoko naman na magtanong-tanong pa about sa life nito. Ngayon ko lang naman siya nakilala. “Ahh." Mabuti na lang at humina na ang ulan. Tumingin ako sa orasan namin. Napakabilis ng oras dahil ala-singko na pala ng hapon. Anytime ay uuwi na ang Inay ko. Pwede na sigurong umuwi itong lalaking ito. “A-ah--" “So, ikaw lang ang mag-isa dito?" Naunahan pa ako magsalita nito. Paano ko ba ito matataboy na may manners pa rin sana. “O-oo ay hindi! May kasama ako. " Nagsalubong ang kilay nito sabay silip sa bintana namin. “Sino?" Sumilip pa? Chismoso lang. “Si Pakito ko." umupo ako at hinagod ang ulo ng alaga kong pusa. “Ohhh." Humigop ito ng kape pero kita sa mata nito na natatawa. “So, gusto mo na ba mag-asawa?" “Ano?" Halos hindi maipinta ang mukha ko nang mapatingala ako dito. Ito naman ay parang wala lang habang humihigop ng kape. “Anong klaseng tanong ‘yan?" “Mag-asawa. Wala ka pa bang balak mag-asawa. Sa ganda mong ‘yan maraming magkakandarapa sayo." Tumayo ako at inayos ang tuwalya na nakasablay sa balikat ko. Napakabolero pala nito. Pero sige, sasakyan ko ang trip nito. “Merun. Actually nga pinipili ko na kung sino sa kanila balak ko asawahin eh. Sobrang dami kasi." Binaba nito ang hawak na mug at pinatong sa bintana. Tinukod nito ang kaliwang kamay sa bintana habang ang isang braso ay nakapamewang. Gumalaw-galaw pa ang panga nito. “Marami ka palang manliligaw. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa kagandahan mo." Gusto ko matawa, pero kinilig kunti. Kunti lang naman. Pero ang masaklap wala naman talagang nanliligaw sa akin kahit isa. Maganda naman daw ako kahit morena, boyish lang talaga gumalaw. Pero wala talaga akong manliligaw. May isang nagtangka na manligaw sa akin nung college kami ni Honey, pero nung hawakan ako sa kamay ay sinapak ko sa mukha. Dumugo ang ilong nito kaya tumigil na manligaw sa akin. Simula nun parang allergic na ang mga lalaki sa akin. Tangina, okay lang naman sino ba sila. Pero itong taong nasa harapan ko ngayon ay hindi pa ako kilala. Kaya ayos lang na magsinungaling. “Gawin kitang Ninong kung magpapakasal na ako. " baliw kong salita. Nawala ang ngiti ni Adam. Parang hindi ata nito nagustuhan ang sinabi ko na gawin ko siyang ninong. Feeling close nga naman ang atake ko. “Joke lang. " sabay nag-piece ako. Sa pagkakaalam ko ay magastos ang pagiging ninong at ninang. Dahil obligado silang maglabas ng pera. Kaya siguro hindi nito nagustuhan. “Uy, joke lang yun ah." “Sino naman ang papakasalan mo?” Halah, parang baliw naman ito. Bawal atang biruin. “Joke--" “Samantha!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Inay. Nagbayad ito sa tricycle at saka naglakad papasok sa bakuran namin. “Inay!" Nagmamadali akong sinalubong ang nanay ko at nagmano. Kinuha ko ang dala nitong malaking ecobag. Mabigat iyon dahil maraming laman. “Hello po, Inay. " Inay??!! “Hijo! Napadalaw ka pala." Mangha akong napatingin kay Adam ng ngumiti ito sa aking Inay. Nagmano rin ito na ikinanganga ko. Kelan pa sila nagkakilala? Bakit Inay din ang tawag nito sa Inay ko. “Naku, mukhang naligo ka sa ulan Adam. " ngiting-ngiti naman ang Inay ko. Gusto kong kurutin ang Inay ko. Napakamacho pa naman ng nasa harapan namin ngayon, pero ang Inay ko ay parang natutuwa sa nakikita. “Pwede bang --" Magsasalita sana ako para magbihis ito nang maunahan ako ng lalaki magsalita. “Tinulungan ko po si Sammy na linisin ang kanal, Inay. " “Ay ganoon ba hijo? Naku sobrang salamat sa iyo. Madalas magbara ang kanal kapag malakas ang ulan. Kaya salamat sayo Adam. " Nilingon ako ni Inay. “Hindi mo man lang pinagkape itong si Adam, Sammy? Aba'y nakakahiya naman. " “Nakapag---" “Tapos na po Inay. " Itinaas ni Adam ang mug na nakapatong sa binatana. “Ah mabuti naman." tumango ito at nilingon ako. “Pumasok kana at magbanlaw na. Magkakasipon ka niyan. " “Opo, Inay. " Hindi ko na sila nilingon pa lalo na kay Adam na alam kong sinundan ako ng tingin. Nag-uusap pa ang dalawa nang iwan ko sila. Nilapag ko sa kusina ang dala ng Inay na pagkain. Mga gulay iyon at isang malaking bangus. Saktong-sakto dahil malamig ang panahon ay magsisinigang kami ngayon. Nilinis ko muna ang bangus at nilagay sa ice cream container, dahil mahirap nang dagitin ni Pakito at saka ako naligo. Pagkatapos ko maligo ay bumalik na rin ang kuryente namin. Nagpahinga si Inay sa kwarto nila ni Itay, iidilip daw muna siya dahil napagod sa paglalabada. Natagalan pa siya sa pag-uwi dahil sa lakas ng ulan at binabaha ang kalsada doon sa bayan. Binuksan ko ang tv para makinig ng balita. Nagsaing ako at naghihiwa ng gulay. Si Pakito naman ay nasa sala, tamang tulog lang sa kawayan naming sala set. Nang matapos ako magluto ng ulam ay inahanda ko na ang plato at kubyertos. Masarap kumain ngayon dahil mainit ang kanin at umuusok pa ang sabaw ng sinigang na bangus. Ala-syete na rin ng gabi kaya kailangan ko ng gisingin ang Inay. “Inay, kain na po. " “Nariyan na ba si Adam?" “Po?" Napasilip ako sa kwarto ni Inay kung tama ba ang pagkakarinig ko. “Si Adam ba ay nariyan na?" tumayo si Inay at nagpusod ng buhok. “Wala po siya dito. Anong gagawin niya dito? " pagtataka ko. Naupo na ako sa upuan nang makarinig kami nang kumakatok. “Pagbuksan mo. Siya na ‘yan." utos ni Inay at saka naupo sa tabi ko. “Inay?" gusto kong magmaktol. Pinandilatan lang ako ni Inay ko. “Bilisan mo. Huwag mong paghintayin ang tao sa labas at baka ubusin ng lamok." Nakanguso akong tumayo at naglakad. Pagbukas ko ng pinto ay agad na sumalubong ang napakabangong lalaki sa harapan ko ngayon. Nawala bigla ang pagmamaktol ko. “Good evening Sammy. " Halah Lord.... Nakalunok ako. Ang gwapo ni Adam sa simpleng suot na black T-shirt pero super fitted sa katawan nito. Isang maong pants at simpleng tsinelas pero mukhang mamahalin ang suot nito. Ang linis ng mukha nito na para bang bagong ahit. Ang gwapo niya... Lord grabe Lord. “Pasok Adam! " malakas na sigaw ni Inay. Dali-dali kong binuksan ng malaki ang pintuan para makapasok si Adam. Sheet na malagkit... May bitbit pa itong 1.5 na coke at dalawang kahon na donut. “Naku, hijo nag-abala ka pa." Tuwang-tuwa ang Inay ko na para bang kinilig sa isang manliligaw. “Ayos lang po Inay. Thankful po ako na makapag-dinner dito. " Napanganga na lang ako. Pinandilatan ako ni Inay kaya nagmamadali ako na kunin ang coke at donut. Sa maliit naming lamesa ay nasa gitna si Adam. Naglagay ako ng isa pang pinggan at kubyertos. “Magugustuhan mo ang sinigang. Luto ng anak ko ‘yan hijo. " Tinikman naman ni Adam ang sabaw. At nakakainis man ay feel na feel ng lalaki ang paghigop. “Wow! Ang sarap nito Inay. Pwede na ngang mag-asawa si Sammy. " Tumawa ang Inay. “Palabiro ka talaga, Adam. Kumain na nga tayo. " Ang Inay at si Adam ang nag-uusap. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong. Madaldal din pala ito, kahit kalalaking tao. Wala sa itsura ah. Dapat ang ganitong itsura ay tahimik na matinik at nakakatakot. Mala-mafia ang aurahan. Pero hindi. Mukhang masayahin ito sa buhay. Mahilig din magbiro kaya tawang-tawa ang Inay ko. Mabilis mauto ang Inay ko kapag ganito. Kaya dapat alerto ako. Nang matapos kumain ay nasa sala si Inay at Adam. Ako naman ay naghugas ng pinggan. Mas maigi na rin iyon dahil nakakailang ang lalaking iyon. Ang bango pa. “.. tutungo rin ako bukas kila Mareng Mely at magluluto ako. Kaya maiiwan na naman itong si Sammy." Inabutan ko ng kape si Adam dahil nagrequest sa aking Inay. Medyo may kakapalan ang kaniyang face pero sige lang. Hindi ko kakalimutan nanilibre niya ako ng pananghalian kanina. “Thanks Sammy. You're so mabait talaga. " Maliit akong ngumiti. Pero kinilig ang katawan ko. Tangina nito, nang-uuto. Andito pa naman ang Inay ko. Nakakahiya. Umupo ako katabi sa Inay ko. Hindi pa man umiinit ang puwet ko nang tumunog ang cellphone ni Adam. Agad nitong sinagot at parehas kaming napanganga ni Inay nang magsalita ito ng ibang lengguwahe. Anong lengguwahe iyon? Parang nagrarap. Pinanood lang namin si Adam at nang tumayo ay nagpaalam na. “Pasensiya na po Inay.. Sammy. May kailangan lang akong asikasuhin. Salamat po masarap na hapunan. Uulit po ako na kumain dito kung papayag po ulit kayo? " sabay ngisi ni Adam. “Naku, walang problema hijo. Sige na umalis kana at mag-ingat. " Nauna na umalis lumabas si Adam at tinulak ako ni Inay na ihatid ko hanggang pinto kaya wala akong nagawa dahil pinandilatan ako. “Ingat." “Ang sarap pakinggan na may nagsasabi sa akin ng ingat. Talagang mag-iingat ako nito makabalik lang sayo. " sabay hawak sa dibdib nito at kumindat pa sa akin. Napangiwi ako. Maboka talaga ang lalaking ito. “Edi wow." “Ingat ka rin.. " Halahhh. Puso ko kinilig..!! May nilagay ito sa kaniyang tenga na earpiece . Lalo tuloy itong naging gwapo. “See you!" Mabilis lang ito na humakbang palabas ng bakuran at nawala. Parang kidlat. “Meow." Hindi ko na pansin na nakalapit na sa akin si Pakito. “Halika nga dito. " kinarga ko ito at saka ko sinarado ang pinto. Pinatay ang mga ilaw at pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako ng maayos ngayon gabi. Bakit parang ang saya-saya ko? Dahil ba kay Adam?! Ahhh!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD