- Sammy -
Ginising ako ni Inay nang wala pang ala-sais ng umaga. Paalis na ito at may bitbit na bayong.
“Bumangon kana diyan at kumain. Nagsaing ako at ininit ko ang natirang ulam kagabi. May isang hiwa pa ng bangus kaya pagtiyagaan mo na lang. Tarhan mo na lang ng sabaw at tinik si Pakito. "
Napaupo ako sa kawayan na upuan at tulala pa kahit na nagsasalita ang Inay. Sabog-sabog pa ang buhok ko na parang wakwak.
“Ikaw ba ay nakikinig sa akin Samantha?"
“Po?"
“Maryosep ka talaga!"
Napapailing si Inay nang tingnan ko ito. Kumuha ito ng isang daan at inabot sa akin.
“Oh heto. Pangkain ninyo ni Pakito. Bumili ka na lang sa karinderya kung hindi mo gusto ang delata."
Tinitigan ko ang buong isang daan.
“Huwag na po Inay. May pera pa naman ako dito. "
“Kunin mo na ito at huwag kang panay ang gastos ng pera. Wala ka pang trabaho. Saka kana gumastos kapag may bagong trabaho kana. "
Kinuha ni Inay ang kamay ko ay nilagay ang pera.
“Ako'y aalis na. Magsaing ka na lang sa hapunan dahil tiyak naman na makapag-uuwi ako ng ulam kina Mareng Mely. "
Bago lumabas ng pinto ang Inay ay kinuha nito ang payong na nasa gilid ng pinto.
“Ingat ka po Inay. "
“Mag-ingat ka rin. "
Kumaway ako sa Nanay ko hanggang makalabas ito ng bakuran. Mabilis lang din ito nakapara ng tricycle at umalis na.
Ako naman ay ilang minuto pang tulala sa kawalan.
“Antok pa ako Pakito."
“Meow".
Nakakainis naman kasi si Adam. Hindi ako makamove on sa mga naging ganap kahapon. Palagi ko pang naalala ang gwapong mukha nito. Dagdag pa ang malaki nitong katawan.
May lahi ba itong foreigner? Bukod sa hindi purong pinoy ang mukha, nagsalita pa ito ng ibang lengguwahe.
Sayang lang at hindi ko natanong kung may kakilala o kamag-anak ba siya dito sa lugar namin. Pero bigla ko rin naalala si Andrea.
Napailing na lang ako. Baka jowa ng haliparot na si Andrea yung lalaking yun. Hindi ko rin naman kasi naitanong kahapon.
Bahala na nga sila sa buhay nila! Letche.
Sabay kaming nag-almusal ni Pakito, nasa baba lang siya kumakain. Nasa kalagitnaan ako ng kinakain nang tumunog ang cellphone ko.
Si Menggay. Ang dating nakasama ko sa trabaho, sa factory ng mga tsinelas nang anim na buwan.
“Sammy!"
“Menggay! Kamusta. " napangiti ako.
“Ito maganda pa rin. Hindi na magbabago. Ikaw ba?" mayabang na sagot nito.
“Ito mas maganda pa rin sayo. Ba't napatawag ka ng ganito kaaga? Goodnews ba or badnews?"
Humigop ako ng kape at itinabi ang pinggan. Masarap kasi kausap itong si Menggay. Bukod sa madaldal ay kwela rin kausap.
Napabuntong hininga ito.
“Hays. Naku Sammy. Hindi ko alam kung Goodnews o Badnews itong ibabalita ko sayo. "
“Ano ba yun? Nanalo ka sa lotto pero ayaw mong mamigay ng balato? O nakapulot ka ng isang sakong pera pero nakita ka ng may-ari at ipapakulong ka?. Tangina saklap nun." baliw kong sagot.
“Gagó! Wala sa nabanggit"
Parehas kaming natawa.
“So ito na nga girl. May nakachat akong afam four months ago. Australiano sya girl, pero Afam! Basta. " tumikhim pa ito.
“Syempre harutan, trip trip ko lang ayon biglang balak niya pumunta dito sa pinas Sammy! And take note. R. I. C. H. siya as in Rich! Yayamanin girl! Patok!" tumili pa ang gaga at nagpatuloy sa pagsasalita.
“...Chat at voice record lang kami at nagsesend ako ng picture. Kasi takot ako sa videocall eh."
“Oh. Jockpot na pala yan beh. Grab mo na." sagot ko.
“Yun na nga beh. Sobrang jockpot na ako. Ang gwapo niya, gandang lahi kasi taga-australia. Single pa! Hays. " parang may bigat sa dibdib na sagot si Menggay.
“Ngayon?" pagtataka ko. Dati pa man ay gusto nito na ibang lahi ang mapapangasawa . Para makaahon sa kahirapan. Kaya hindi rin nagbo-boyfriend ng pinoy. Siya lang daw kasi ang pag-asa ng kanilang pamilya. Tanginang mindset yan. Pero sinasakyan ko lang ang trip nito sa buhay.
“Ang kaso may problema beh. "
“Ano?"
Malakas na napabuntong hininga si Menggay.
“Sammy.. "
“Ano ba kasi yun?" naiirita ako sa paligoy-ligoy nito.
Inisang subo ko na ang kanin para matutukan si Menggay.
“Hindi kasi ang mukha ko ang pinakilala ko sa kaniya.. "
“Huh? Anong kabaliwan yan Menggay. Kaninong mukha ang pinagjowa mo sa Australiano mo?"
Huminga na naman ng malalim si Menggay at ako naman ay humigop ng kape.
“Ikaw."
Agad kong nabuga ang iniinom kong kape. Halos magkandaubo-ubo ako.
“Sammy!"
“Sammy!"
“Meow."
Gamit ang suot kong tshirt ay pinunasan ko ang bibig ko. Tinitigan ko ang cellphone ko, naroon pa rin si Menggay.
“Ano ulit ang sabi mo? Tama ba pagkakarinig ko?"
“Sorry! Sorry! Sammy. Pasensiya na talaga. Ikaw lang naisip ko nung time na iyon."
“Ay gagó ka ba Magdalena? Bakit mo binigay ang picture ko sa lalaking iyon ng hindi ko alam? Krimin ang ginawa mo at pwede kang makulong dahil nanloloko ka ng tao. Alam mo kung nasa harapan kita ngayon ay baka sinasabunutan na kitang gaga ka." asar kong sagot kay Menggay.
“Sammy, pakinggan mo ako. May reason naman ako. "
“Ay tangina walang reason-reason Magdalena! Sinisira mo araw ko. "
“Let me explain kasi Samantha. Hindi pa nga ako tapos magsalita nagagalit kana. Wag ka muna magalit. Relax. "
“Relax mo mukha mo.!"
Binitiwan ko ang cellphone at pinindot ang loud speaker. Nilapag ko na lang sa lamesa at nagpatuloy na magkape. Talagang nabadtrip ako dahil kay Menggay.
“Listen carefully beh. Ganito kasi yun. Wala naman ako balak na magseryoso dito sa foreigner na ‘to kasi may boyfriend na ako. "
Napataas ang kilay ko sa haliparot na si Menggay. Nagkajowa na pala ng pinoy lumandi pa.
“Oh? Tapos nakuha mo pang lumandi." asar ko.
“Grabe siya oh. Hindi naman. Slight lang." natawa pa ang bruha.
Hindi ako sumagot at hinayaan ko muna siya magsalita.
“Ganito kasi yun beh.. Nagkachat lang kami sa isang apps, then may boyfriend na ako that time. Syempre bago pa lang kami inlababo pa. Kaya naisip ko na ikaw na lang. Wala ka pa namang boyfriend. Buong pangalan mo, edad at kung ano ginagawa mo sa life sinabi ko. "
“Tangina mo. "
“Tapos eto beh, tatlong beses pa lang ako nagsend ng picture mo sa kaniya. Beh! Crush na crush ka niya.! "
“Yawa."
“Puro chat lang kami nito. Pero balak ko naman sabihin sayo talaga nung una pa lang ang kaso dinala ako ng boyfriend ko sa Ormoc kaya hindi ko na nasabi sayo. Kakauwi ko lang two weeks ago. At heto na buntis na ako ng tatlong buwan. Kaya sinabi ko na sayo dahil naalarma ako na balak niyang pumunta dito. "
“Landi mo! Dinamay niyo pa ako sa kaharutan niyo ah. "
“Sorry na girl! Hindi ko naman siya hiningian ng pera kaya hindi ko pa siya niloloko. "
“Manloloko ka pa rin! Pinagsasabi mo. Ano gusto mo mangyare? Makikipagkita ako sa foreigner na yan dahil instant boyfriend ko na? Ganun ba Magdalena? Kahit buntis ka ay kakalbuhin kita. "
Kulang na lang ay umusok ang ilong sa galit.
“Gwapo yun Sammy. Baka mawala ang galit mo kapag nakita mo siya. Promise."
“Wala akong balak. "
“Actually girl. Kaya ako napatawag dahil sa susunod na araw ang flight niya. Ang sabi ko ay susunduin ko siya. "
“Edi sunduin mo! Wag mo na nga akong kausapin naaasar ako sa kaharutan mo Magdalena. "
“Samahan mo lang ako Sammy. Promise ako na magsasalita, kunwari mahiyain ka at hirap magsalita ng english kaya need mo ng companion. Sige na please? Two weeks lang ang bakasyon ni afam. After nun makikipag break na ako. Sige na please?"
“No."
Nagulat ako sa biglang nagsalita at napaangat ang ulo ko. Si Adam!
“Problema mo yan. Huwag mong idamay si Samantha dito. Ibigay mo sa akin ang account na ginagamit mo. "
“Huh? Teka sino ka? Sammy? Sammy? Andiyan ka pa ba?"
Hindi ko alam kung maiinis ako kay Adam sa biglang pagdating nito na parang kabute. O matutuwa dahil sinagot nito si Menggay sa pangkukupal.
“Sige pag-iisipan ko. " biglang sagot ko.
“Samantha?" pagtataka ni Adam sa naging sagot ko.
Hindi ko rin alam pero parang trip ko bigla na makipag-meet sa foreigner na yun, kahit na kanina ay galit na galit ako kay Menggay.
“Sammy, Seryoso ka diyan? Teka sino yung lalaking sumagot? Boyfriend mo? "
“Sasama din ako. "
Mabilis akong napalingon kay Adam.
“Ano?"
“Sino ka? Sammy sino ba yang lalaking kasama mo diyan? Hindi pwedeng may kasama ka. Dalawa na nga tayo eh. "
Biglang may pumasok sa isip ko.
“Papayag ako na makikipagmeet sa kalandian mo pero kasama ko si.. " napatingin ako kay Adam.
Nakatingin lang ang lalaki sa akin.
“.. pero kung ayaw mo. Bahala ka magisa dun. "
“Uy Sammy teka lang. Baka magulat si afam."
“Problema mo na yun Menggay. Nilagay mo nga ako sa alanganin tapos ikaw hayahay lang? Pwes bahala kana. "
Narinig ko na parang may kumausap kay Menggay pero hindi ko naintindihan ang sinasabi nito.
“O-oh sige. Pero two weeks kang kasama niya okay ba?"
“Ano?!"
“That's too much. Hindi na siya makikipagkita."
Kinuha ko ang cellphone at inalis ang loud speaker. Ayoko na marinig pa ni Adam ang sasabihin pa ni Menggay.
“Kelan ba yan? Isang araw lang ako magpapaalam sa Nanay ko. Bahala kana sa buhay mo sa susunod na araw. "
Tumili si Menggay.
“Ahh!! Sige sige! Magkita na lang tayo sa susunod na araw sa terminal ng bus. Tatawagan na lang kita. ”
Magsasalita pa sana ako ng patayin ni Magdalena ang tawag. Walanghiya.
“Kaibigan mo ba yan? Baka ibenta ka lang sa kung sinong tao na yun. Mag-ingat ka. "
Napaangat ako ng mukha ng seryosong magsalita si Adam.
“Kaibigan ko siya. Pero hindi naman niya siguro gagawin yun. "
“Tsk. Pinag-iisipan mo dapat ng maraming beses ang mga bagay bago ka pumayag. Katulad ng ginawa ng kaibigan mo. She used your pictures without your consent and knowledge to deceive people."
“Isa lang daw yun. Jinowa niyang australiano. " sagot ko na naiinis.
“Kahit na. Sa tingin mo ba isang beses niya pa lang ginawa yun? Baka gawain niya yan para makapag-scam. "
Hindi agad ako nakasagot. Totoo naman. Sa totoo lang ayaw ko talaga eh, umepal kasi itong lalaking ito.
“Teka. Bakit ka ba narito? Bigla-bigla ka na lang papasok dito sa bahay namin. Akyat-bahay ka ba?" masamang tingin ang ibinigay ko kay Adam.
Umayos ito sa pagkakatayo.
“Napadaan lang. "
“Napadaan? Sino naman dinaanan mo dito? Walang ibang tao dito bukod sa akin at kay Pakito." kunot noo ko itong tiningnan.
“Si Inay?"
“Rumaket sa bayan. Bakit may kailangan ka sa Inay ko?" feel na feel nito na tawaging Inay ang Nanay ko.
Infairness ang bango niya ngayong umaga ah. Bagong ligo at kahit simpleng puting tshirt at itim na na jogger lang ang suot nito ay malakas ang dating.
“Merun."
“Ano?"
“Secret."
Napaawang ang bibig ko.
“Balik ako later."
Walang anu-ano na lumabas ito ng bahay. Natulala na lang ako dahil parang hangin ito sa bilis ng pagkawala.
Lakas tama.