ATARAH IYAK LANG AKO NANG IYAK HABANG NAGHIHINTAY sa labas ng operating room kung saan kasalukuyang inooperahan si Alora. Nakatamo kasi siya ng saksak sa tagiliran at ang sabi ng doktor bago siya ipasok sa OR ay malalim ang sugat at baka may tinamaang organs. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng kaba. Sino kaya ang may gawa nito at bakit? Nakaupo lamang ako habang titig na titig sa kamay kong punong-puno ng dugo at nanginginig pa. Walang katumbas ang takot na nararamdaman ko kanina nang makita si Alora at mas tumindi ngayon dahil hindi ko alam kung buhay pa ba siyang lalabas. Hindi ko na rin alintana na may sugat nga pala ako sa palad dahil ang nasa isip ko lang sa mga oras na ito ay si Alora. “Atarah!” Umangat ang ulo ko para tingnan ang pamilyar na boses na tumawag sa aking p

