Chapter 10

1045 Words
Sa kabilang banda ay papunta naman si Luis sa isa sa mga kakilala niya rito sa Maynila. Mas matanda sa kanya ito. Dito siya nagtanong noon kung paano sila makakapunta sa Maynila ni Linea. Ito rin ang magbibigay ng trabaho sa kanya ngayon. Ang tanging hiling niya lang ay makapasok siya sa kahit anong trabaho. Sa totoo kasi niyan ay hiyang-hiya na si Luis kay Linea. Kahit pa sinasabi niyang kaya niya ang lahat, nakakaramdam pa rin siya ng hiya sa kanyang nobya. Para bang wala siyang mukha na maihaharap dito. Nandoon na si Luis sa kaibigan niya. Nahihiya siya pero ngumiti pa rin siya roon sa kanyang Kuya Carlo. ‘’Oh, Luis. Nandyan ka na pala. Akala ko ay mamaya ka pa darating. Masaya ako na makita ka ulit,’’ nakangiting sabi ni Kuya Carlo sa kanya. ‘’Naku, parang huli na nga ako eh. Pasensya ka na Kuya Carlo kung ngayon lang ako nakadating,’’ sagot naman ni Luis. ‘’Naku, hindi iyan. O sige, ipapakilala na kita sa iba mo pang magiging ka-trabaho. Ayos lang ba? Handa ka na ba?’’ nakangiting tanong ni Kuya Carlo. ‘’Ha? Ka-trabaho? Ibigsabihin, tanggap na ako agad Kuya?’’ nagtatakang tanong ni Luis pero sobrang saya na niya. ‘’Oo naman, may tiwala naman ako sa iyo na kaya mo kung ano man ang ipapa-trabaho ko sayo. Ýon nga lang, medyo mababa ang sweldo rito kaya pagpasensyahan mo muna ha? Kapag may trabaho akong nakita para sa iyo eh sasabihan agad kita para dagdag kita na rin sa iyo,’’ sabi ni Kuya Carlo. ‘’Naku, ayos lang naman sa akin iyon Kuya. Basta merong trabaho, ayos na. Nagsisimula pa lang naman kami ng nobya ko rito sa Maynila kaya ayos na muna iyon. Saka na ako mangangarap nang mas malaking sahod kapag madami na akong trabaho na napasukan,’’ sabi ni Luis, sobrang saya talaga niya. ‘’O iyon naman pala. Wala naman pala tayong problema pagdating sa sahod. Ayos na iyon. Tara na, ipapakilala na kita sa mga ka-trabaho mo.’’ At iyon na nga, pinuntahan nina Luis at Kuya Carlo sina Juan at Dos. Nagulat pa nga ang dalawa pero ngumiti rin naman sila pagkatapos noon. ‘’O, boss. Parang may bago tayo ah? Hindi mo man lang sinabi sa amin para napaghandaan man lang namin,’’ hirit ni Juan. ‘’Oo nga boss. Parang bata pa iyan ah?’’ hirit din ni Dos, nahihiya namang ngumiti si Luis sa kanila. ‘’Ito nga pala sina juan at Dos, Luis. O, bago niyo siyang ka-trabaho ha? Alagaan ninyo at bata pa iyan. Ituro niyo ang kailangan ituro. Madali naman ýang ka-trabaho. Wala kayong magiging problema dyan,’’ sabi ni Carlo sa kanila. ‘’Ikinagagalak ko kayong makilala. Pasensya na po kung marami akong itatanong kapag may hindi po ako magawa sa trabaho ah? Unang trabaho ko po kasi ito,’’ nahingi na agad si Luis ng paumanhin sa kanila. ‘’Oo naman, ayos lang. Ganyan talaga sa una. Intindi naman namin iyan dahil dumaan din kami sa ganyan noong bata pa kami. Di ba, Dos?’’ sabi ni Juan. ‘’Oo, kaya ayos lang. Welcome sa bagong trabaho mo. Sa tingin ko naman ay tatagal ka kasi mukhang mabait ka naman eh,’’ sabi ni Dos. Pagkatapos noon ay nakipag-usap muna si Luis kay Kuya Carlo dahil gusto pa niyang malaman ang mga bagay-bagay sa trabaho niya. Ang sabi sa kanya ni Kuya Carlo, 7,000 pesos daw sa isang buwan ang sweldo niya. Oo, maliit iyon pero pwede na iyon para sa gusto niyang simulan na buhay kasama si Linea. ‘’Salamat po talaga, Kuya Carlo. Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya ngayon. Maghahanap pa sana ako sa iba ng trabaho pero binigyan niyo po agad ako. maraming salamat po,’’ sabi ni Luis. ‘’Naku, wala iyon. Ano ka ba? Para saan pa at mag-kaibigan tayo kung hindi kita tutulungan, di ba? Ipangako mo lang sa akin na pagbubutihin mo ang trabaho mo. Wala tayong magiging problema,’’ nakangiting sabi ni Kuya Carlo. ‘’Oo naman po. Hindi ko kayo bibiguin Kuya. Ang laki po ng utang na loob ko sa inyo. Maraming salamat po talaga,’’ sabi ni Luis, halos maiyak-iyak siya sa sobrang saya. ‘’O sige, pwede ka na magsimula bukas. Agahan mo ang pasok ah? Marami tayong gagawin bukas eh. Salamat sa pagtanggap ng trabaho,’’ sabi ni Kuya Carlo. Sobrang saya ni Luis. Kahit construction worker lang ang kayang trabaho sa ngayon eh malaking bagay na iyon para sa kanya. Alam niya na matutuwa si Linea kapag binalita niya iyon sa nobya. Linea, mahal ko. Alam kong hindi pa sapat itong trabaho ko para maipagmalaki mo ako sa mga magulang mo pero ito na ang simula noon. Papatunayan ko talaga sa kanila na ikaw ang para sa akin at ako ang para sa iyo. Konting hintay lang at gagawin natin iyan. Dahil sobrang saya niya ay umuwi agad siya sa apartment. Nagtaka siya nang biglang naabutan niyang sarado ang kanilang apartment. Hindi niya tuloy napigilang hindi magtanong sa mga kapitbahay niya roon kung nasaan si Ate E. isa pa, todo katok siya pero hindi siya pinagbubuksan ni Linea. Kinakabahan na siya para sa kanyang nobya pero kinalma niya lang ang sarili niya. Naniniwala naman siyang hindi siya iniwan ni Linea bigla. Nagsisimula pa lang naman sila at alam naman niya na mahal na mahal siya ng kanyang nobya kaya hindi niya gagawin iyon. ‘’Manong, nakita niyo po ba si Ate Evette? Hindi ko po kasi mabuksan ýong pintuan ng apartment namin. Nakita niyo po ba kung nasaan si Ate Evette?’’ tanong ni Luis. ‘’Eh lumabas sila noong nakatira sa apartment na iyan. Kasamahan mo pala iyon. eh, baka uuwi na rin iyon sila. Kanina pa umalis eh,’’ sabi noong lalaki kay Luis. ‘’Narinig niyo po ba sila kung saan ang punta nila? Hindi po kasi nagsabi ýong kasamahan ko na aalis siya eh,’’ sagot ni Luis, todo ang pag-aalala niya kay Linea. ‘’Ang alam ko, maghahanap ng trabaho ýong babae kaya nagpasama kay Evette. Hintayin mo na lang sila at sigurado namang uuwi na iyon,’’ sagot noong lalaki. Laking gulat ni Luis. Hindi niya akalain na hindi magpapaalam si Linea sa kanya. May halong lungkot ang nararamdaman niya pero pipilitin niyang intindihin ang kanyang nobya pagbalik nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD