Chapter 11

1067 Words
Sobrang sayang umuwi ni Linea sa apartment. Nag-uusap sila ni Ate Evette habang naglalakad. Hindi nila napansin na nasa labas pala si Luis. Nalaman lang nila iyon nang tawagin si Linea ng kanyang nobyo. Gulat na gulat ang dalaga, parang gusto na nga niyang magpakain sa lupa. Alam niya kasing lagot siya kay Luis. Isa pa, akala niya kasi ay mamaya pa ito uuwi kaya may oras pa siya para isipin kung paano niya sasabihin kay Luis ang plano niya. Para sa kanya naman ay gusto niya lang tumulong. Lalo na at magiging mag-asawa na rin sila pagdating ng panahon. ‘’Linea, bakit ka naman naghanap ng trabaho? Malinaw naman ang sinabi ko sa iyo ah? Ako na lang ang maghahanap para sa ating dalawa. Hindi ba malinaw ýon sa iyo? Sabi ko naman sa iyo na kakayanin ko, hindi ba?’’ may inis sa boses ni Luis. ‘’Magpapaliwanag naman ako. Akala ko ay mamaya ka pa uuwi kaya hindi ko agad nasabi sa iyo kanina. Pasensya ka na,’’ sagot ni Linea habang nakababa ang kanyang ulo, hiyang-hiya siya sa mga taong nandoon. ‘’Sige, Linea. Aalis muna ako. Kailangan niyong mag-usap ni Luis,’’ sabi ni Ate Evette. ‘’Sige, Ate Evette. Salamat sa pagsama sa akin na magahanap ng trabaho,’’ nakangiti si Linea sa kanya pero nahihiya rin. Pagkatapos umalis ni Ate Evette ay kinuha na ni Linea ang susi ng pinto. Kinalma naman ni Luis ang kanyang sarili at doon na lang siya nakipag-usap sa loob. Nilagay niya sa sala ang kanyang bag pagkatapos ay hinarap si Linea. ‘’O sige, ngayon mo ipaliwanag sa akin ýong nalaman ko. Maghahanap ka talaga ng trabaho kahit na sinabi kong huwag na? Ito ba ýong sasabihin mo dapat sa akin kanina?’’ inis na inis si Luis, naluluha na rin siya. ‘’Oo, ito iyon. Hindi pa naman ako sigurado kanina kung makakahanap ako ng trabaho kaya hindi ko sinabi sa iyo Isa pa, baka hindi mo agad ako payagan kaya hindi ko rin sinabi agad,’’ paliwanag ni Linea. Naiiyak na rin siya ngayon. ‘’May nahanap ka bang trabaho? Kung meron, huwag ka na mag-abala pa na pumasok sa kanila. Nangako ako na ako ang bahala sa iyo. Hindi ko hahayaan na hindi matupad iyon,’’ may paninindigan na sabi ni Luis pero nainis na si Linea. ‘’Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kakayahan mo. Mahal na mahal kita at naniniwala ako sa iyo pero mahirap kasi rito sa Maynila kaya kailangan mo ng tulong ko,’’ pagpilit ni Linea. ‘’Hindi, hindi pa rin ako papayag sa gusto mo. Kahit anong sabihin mo sa akin ngayon ay buo na ang desisyon ko. Ako lang ang magta-trabaho sa ating dalawa. Tapos ang usapan!’’ sigaw ni Luis. ‘’Eh ano naman ang gagawin ko rito? Bubulukin mo lang ako rito, ganoon ba? Aba naman, hindi naman yata pwede iyon! Hindi na panahon ng mga babae na walang ginagawa!’’ paliwanag ni Linea. ‘’’Wala na tayong pag-uusapan. Maniwala ka lang sa akin na kaya kong buhayin ka, ayos na ako roon. Sige na, pumasok ka na sa loob,’’ mahinahon na si Luis nito. Iyon na nga ang ginawa ni Linea. Galit na galit siyang pumasok sa loob ng kanilang kwarto. Napa-upo naman si Luis sa sofa at doon niya binuhos ang lahat ng galit niya sa sarili. Luis naman. Bakit iyon ang sinabi mo sa kanya? Paano kung hindi mo magawa? Aba, baka mamaya niyan ay iwanan ka niya dahil sa ganyang ugali mo. Paano kung hindi mo pala kaya? Mas malaki ang mawawala sa iyo kapag nagkataon. Linea, mahal ko. Pasensya na kung ganito ang inasal ko ngayon sa iyo. Hindi ko kasi matanggap na hindi kita bubuhayin. Ako ang lalaki, ako lang dapat ang nagawa noon. Kahit subukan ko lang, kapag hindi ko naman kasi kaya ay sasabihin ko sa iyo. Ako mismo ang hihingi ng tulong. Basta sa ngayon, ako muna ang bahala. Sa probinsya naman eh kinakabahan na si Isidro dahil hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya ang anak na si Linea. Araw-araw siyang nainom para makalimutan ang problema. Takot na takot na nga sa kanya ang asawa niyang si Beth pero wala siyang paki-alam rito. Kainuman niya si Ferdie ngayon sa isang kubo. Napapansin na ni Ferdie na lagi siyang niyayaya ni Isidro na mag-inom kaya minabuti na niyang tanungin ang kaibigan kung ano ang problema nito. Kahit na alam na niya ang ginawa ni Isidro ay gusto pa rin niyang malaman kung ano ang sasabihin nito. Naniniwala kasi siya na may dahilan kung bakit gustong gawin ni Isidro iyon. Wala naman kasing tatay na gustong mapahamak ang kanyang anak. Kaya naniniwala siyang may malalim na dahilan ang kaibigan niyang si Isidro. ‘’Pare, araw-araw kang nagyayaya ng inuman ah? Masama iyan. Magpahinga ka naman bukas,’’ sabi ni Ferdie. ‘’Sigurado ka ba, pare? Ito na nga lang ang paraan ko para makalimutan ang mga problema ko tapos aalisin ko pa? Ginagawa ko ito para kahit saglit ay makalimot sa lahat ng bagay,’’ inis na sabi ni Isidro, lasing na kasi siya kaya ganoon na ang sinasabi niya. ‘’Eh, nag-aalala lang naman ako sa iyo. Naiintindihan ko naman na nawawala ang anak mo pero hindi ba mas mainam kung tigilan mo na ito? Baka mamaya bumalik ang anak mo at ang madatnan niyang ama ay may sakit. Hindi maganda ýon, hindi ba?’’ sabi pa ni Ferdie na lalong kinainis ni Isidro. ‘’Iyon ay kung babalik pa ang anak ko. Alam mo pare, grabe ang takot ko ngayon dahil pwede kaming mamatay ni Beth dahil sa pagkawala niya. Kailangan ko siyang mahanap talaga,’’ parang nawawalan na ng pag-asa si Isidro. ‘’Bakit? Ano bang meron?’’ tanong naman ni Ferdie. ‘’Pare, pumayag kasi ako kay Sir Paul Menario na ipakasal ang anak ko sa kanya. Kapag hindi siya naikasal sa anak ko ay siguradong papatayin niya kami ni Beth. Ayaw ko namang mangyari iyon sa amin. Paano pati kung mahanap niya ang anak kong si Linea tapos patayin din niya? Mas lalong ayaw ko noon!’’ Dahil sa labis na kalasingan ay nasabi na nga ni Isidro ang tinatago niyang sikreto. Gulat na gulat naman si Ferdie dahil sa sinabi ng kaibigan. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ang paghahanap ni Isidro kay Linea. Pero, alam din niya na mali ang ginawa ng kanyang kaibigan kahit na anong mangyari.                                                                                                                                                                                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD