Mundo 4

1396 Words
Chapter 4 "Ate Silas, ano itsura ng nakita mo kanina?" usisa ni Yuan. Naghihinayang si Yuan na hindi niya nakita ang nakita ng kanyang Ate Silas sa dalampasigan kanina. Naniniwala talaga siya na sireno ang nakita nito kanina. Sa edad ni Yuan ay mahilig manuod ng mga cartoon. Isa sa mga napapanuod niyang cartoon ay angbmga sirena. Halahating tao halating isda. Sa mga napapanuod ni Yuan ay mga guwapo at magaganda ang mga sireno at sirena. Gusto nga niya magkaroon ng buntot tulad ng mga sireno. Ngunit may problema siya dahil hindi naman siya marunong lumangoy. "Hmm…. Isang lalaki na hubad. Wala itong suot na kahit ano. Hindi nga siya makalakad kanina dahil nanlalambot at walang puwersa ang mga paa nito," tugon ni Silas. Hindi talaga maalis-alis sa isip ni Silas ang anyo ng lalaking nakita niya kanina. Sobrang nagulat siya ng makita niyang hubad ito at walang suot. Kitang-kita niya sa kanyang dalawang mata ang b*rat nito na sobrang laki. Iyon ang unang beses na makakita ng ari ng lalaki si Silas. Hindi niya maitatanggi na guwapo at makisig ito. Napaisip siya bigla dahil iniisip niya ang pangalan ng lalaki. Nakalimutan kasi niya ang pangalan ng lalaking nakahubad sa may dalampasigan. "Ate Silas, baka nawala na ang buntot nito kaninanh makita mo siya," sabi ni Yuan. Sobrang interesado si Yuan sa nakita ng kanyang nakakatandang kapatid na si Silas. Base sa napapanuod niya ay nagkakaroon ng paa ang isang sirena o sireno kapag may ginagamit ito. Tulad ng kuwintas o bato basta alam niya nagkakaroon talaga ito ng mga paa. "Naku Yuan, matulog ka na nga. Gabing-gabi na," sabi ni Silas. Nandito si Silas sa isang kuwarto kung saan kasama niya sa isang kama ang kanyang nakakabatang kapatid na si Yuan. Nandito pa rin sila sa isang resort sa bayan ng San Roque. Papapikit na sana ng mata si Silas ng maalala na niya ang pangalan ng hubad na lalaki na si Prinsipe Harish. Napatingin na lang siya sa kisame ng kuwarto at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Gusto ni Silas na matulog ngunit kahit anong pikit ng kanyang mata ay gising na gising ang kanyang diwa. Napatingin siya sa kanyang nakakabatang kapatid na si Yuan na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Napagpasyahan ni Silas na tumayo mula sa pagkakahiga para lumabas ng kuwarto. Dahil na rin hindi siya makatulog. Maingat siyang bumangon sa kama para na rin hindi magising ang kanyang kapatid na si Yuan. Sa paglabas ni Silas sa kuwarto ay tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad papunta sa labas ng bahay ng tinutuluyan nila ngayon. Isang bahay ang tinutuluyan nila ngayon sa isang resort sa bayan ng San Roque. Hanggang makalabas nga si Silas sa bahay ay agad na sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik na ang buong lugar at wala na siyang nakikita pang ibang tao sa resort. Naisip niya na puwede naman siyang pumunta sa may dalampasigan. Sa paglalakad ni Silas papalapit sa may dalampasigan ay naririnig na niya ang hampas ng alon. Hanggang sa makarating na nga siya sa may dalampasigan kung saan sa tulong ng maliwanag na buwan ay kitang-kita niya ang nakakabighani na tanawin ng dagat. Parang musika sa kanyang tenga ang naririnig niyang malalakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. Nilanghap niya ang preskong-preskong hangin na nagnanggagaling sa dagat. Nagpapasalamat si Silas na pinilit siyang sumama ng kanyang ina na si Krisna sa family reunion na ito. Noong una ay umaayaw siya dahil na rin hindi niya maiwan ang kanyang trabaho bilang isang manager. Naiisip ni Silas na sayang naman kung magle-leave siya. Sayang ang kikitain niyang pera sa pag-leave siya sa trabaho. Kahit na may bayad naman ang leave niya ay iba pa rin sa kanya na nagtratrabaho siya. May plano sana si Silas sa kanyant leave. Sa tatlong taon niyang pagtratrabaho sa fast food na pinagtratrabahuhan niya ay ni minsan ay hindi pa niya ginamit ang leave niya. Pinipilit na nga si Silas ng kanyang amo na mag-leave para makapagpahinga siya. Pero lagi niyang tinatanggihan ito. Noon ay kinausap niya ang kanyang amo kung puwedeng ipunin niya ang leave at gagamitin na lang niya ito kapag kinakailangan niya ang mga ito. Natuwa naman si Silas dahil pumayag ang kanyang amo sa kanyang pakiusap. Ang plano sana niya ay gagamitin niya ang mga naipon niyang leave sa pagpapakasal miya sana sa kanyang kasintahan. Ngunit sobrang malabo at 'di na mangyayari iyon. Dahil na rin naghiwalay na nga silang dalawa ng kanyang kasintahan. Inaya na nga siya nitong magpakasal ngunit nakiusap siya rito na bigyan pa siya ng konting panahon. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Harold, nakikiusap ako na bigyan mo pa ako ng konting panahon," pakiusap na sabi ni Silas. Ngayong gabi ay muli na naman nilang napag-usapan ni Harold ang pagpapakasal nilang dalawa. Hindi nga mabilang ni Silas kung ilang beses na nagparamdam ay hayagan na sinasabi ng kanyang kasintahan na si Harold na inaaya siya nito magpakasal. Ilang beses na rin tinatanggihan ni Silas ang alok sa kanya ni Harold. Hindi dahil tinatanggihan niya ito kundi hindi pa ito ang tamang panahon na magpakasal silang dalawa. "Silas, naman maawa ka naman sa akin. Intindihin mo rin naman ako. Puro na lang kasi ang pamilya mo ang iniisip mo. Isipin mo rin naman ang pangsarili mong kaligayahan," kunot noo sabi ni Harold. Sa tagal na karelasyon ni Harold ang kanyang nobyang si Silas ay ni minsan ay hindi siya gumawa ng kalokohan. Kahit na may mga tukso sa paligid ay hindi siya nagpapatukso dahil mahal niya ang kanyang nobya. Hindi kayang saktan ni Harold si Silas para lang sa kanyang pangsariling kaligayahan. Ngunit may mga pagkakataon na sobrang nagtitimpi na siyang sunggaban ang tuksong lumalapit sa kanya. Nandito sila ngayon sa loob ng kanyang kuwarto kung saan kakatapos lang nila sa isang mainit na pagtatalik. Sa tagal nilang magkasintahan ay bihira lang siyang payagan ni Silas na magtalik silang dalawa. Kaya naman sobrang abot langit ang pasasalamat ni Harold tuwing pumapayag si Silas na magtalik silang dalawa. Kaya naman nilulubos niya ang pagkakataon na iyon. Tulad na lang ngayon na sobrang ninamnam niya ang pagtatalik nilang dalawa. Masasabi ni Harold na maayos naman ang relasyon nilang dalawa ng kanyang nobya na si Silas. May mga tampuhan ngunit inaayos naman nila agad pareho iyon. Ang ayaw lang ni Harold kay Silas ay inuuna pa nito ang pamilya nito kaysa sa sarili nito. Kung sa kasabihan ng iba ay isusubo na lang nito ang pagkain ay ibibigay na lang ni Silas iyon sa pamilya nito. Naiintindihan naman ni Harold ang sitwasyon ni Silas na bread winner ito sa pamilya. Ang gusto lang niya ay bigyan nito ang sarili ng kaligayahan. "Harold, wag ka naman ganyan. Alam mong mahal na mahal kita. Tsaka alam mo rin na gusto ko na rin magpakasal sa'yo ngunit masyado pa mga bata ang mga kapatid ko," pilit na ngiting sabi ni Silas. Hindi na alam ni Silas kung ilan beses na ba niya ito sinabi kay Harold. Ilan beses na niyang pinag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal. Sobrang gustong-gusto na nga niya magpakasal kay Harold nguniy hindi pa talaga ito ang tamang panahon. Tinutulungan pa ni Silas ang kanyang pamilya. Hindi naman sapat ang kinikita ng kanyang ina sa paglalabada para tustusan ang pangangailangan nila sa pang-araw-araw ng gastusin nila. Masyado pa mga bata ang mga kapatid ni Silas. Hindi niya puwedeng pabayaan ito dahil bread winner siya ng pamilya. Simulang mamatay ang kanyang ama ay siya na ang nagtrabaho sa pamilya niya. Ayaw ni Silas na umasa o humingi ng tulong sa mga kamag-anak nila na may kaya. Ayaw niya na dumating ang araw na sobra-sobra silang magmakaawa sa mga kamag-anak nila para tulungan sila. Kaya naman sobra nagsusumikap si Silas para kumita ng pera. Kung anu-ano nga ang pinasok niyang trabaho hanggang maging manager siya sa isang sikat na fastfood chain. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Silas at isang pilit na ngiti ang lumitaw sa maganda niyang mukha. Mahigpit niyang niyakap ang kanyahg kasintahan na si Harold at sinabing mahal na mahal niya ito. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD