MATAPOS mag-swimming ay nagpahinga muna sina Geri at Dino sa labas ng tent ni Geri. Naupo sila sa buhanginan at doon pinagpatuloy ang masayang pagkukwentuhan. Doon nila napiling pumwesto dahil sa kanilang harapan ay nando'n si Lucas at nakikipaglaro ng bola sa ilang kabataan. Nakasuot ito ng maikling board shorts at floral polo na bukas ang lahat ng butones kaya naman hantad na hantad ang kakisigan nito. "Grabe, beks! Parang lalong naging hot ang asawa mo ngayon." buong paghangang wika ni Dino habang nakasunod sa bawat kilos ni Lucas. Kulang na lang ay tumulo ang laway nito sa labis na pagnanasa sa magandang katawan na naka-display sa kanilang harapan. "Sure ka na ba talaga na ayaw mo na siyang balikan?" "Sure na sure, beks." agad niyang tugon. Tulad ni Dino ay nakamasid din siya sa 'na

