"A friend is someone who understands your past, believes in your future, and accepts you just the way you are.”
— Unknown
Kabanata 8
KENDIE
NASA klase kami ng mga panahong iyon ng makita ko si Rosee na tumatakbo sa field na mag isa. Agad kong kinalabit si Jed na siyang nasa tabi ko lang.
"Si Rosee" naiiyak nanaman na sabi ko dahil sa lagay niya, halatang hindi siya ok.
"Shh, gagawa tayo ng paraan para maka labas tayo" bulong saakin ni Jed. Akmang mag tataas nako ng kamay ng biglang sumulpot si Baste at Kenzo sa pinto ng class room namin na kapwang mga hinihingal.
"Excuse po ms. Pero pwede po bang mahiram saglit si Kennedie at Jed may emergency lang po" sabi ni Baste. Agad namang napunta ang paningin saamin ni prof.
"Go ahead" aniya dahilan para mapa tayo agad kaming dalawa ni Jed.
"Thank you po prof" sabay naming sabi saka mabilis na tumakbo papunta sa field kung saan nakita namin si Rosee na parang lantang gulay na dahil sa pag takbo.
"Rosee"pag tawag namin sa kanya. Agad niya kaming nilingon at unti unti siyang bumagsak sa damuhan at doon umiyak ng umiyak. Agad kaming lumapit sakaniya at niyakap. Hindi kona napigilan ang emosyon ko dahilan para mapa iyak na din ako, alam ko kung sino ang dahilan ng pag iyak niya kaya hindi ko maiwasan magalit sa taong yon.
Pinanood ko silang kausapin si Rosee hanggang sa mag sabi siya na ilayo nanamin siya dito dahil ayaw niya dito. Hindi ko maiwasan maka ramdam ng kaba at takot ng mapa sigaw siya sa sakit habang hawak hawak niya ang ulo niya.
"Rosee ayos kalang ba?" Tanong ni Jed na bakas din ang pag aalala sa muka.
"Rosee, anong nararamdaman mo?" Tanong ni Baste hanggang sa muling mag mulat si Rosee ng mga mata ay ngitian kaming apat na para bang tanga.
"Thank you" aniya kasabay ng tuluyang lag bagsak niya at nawalan ng malay. Hindi ko alam ang gagawin ko at napako nalang ako sa kina tatayuan ko.
Anong ibig sabihin non?
Hindi... Hindi pwede!
"
Babe let's go" Jed patted me causing me to return to reality. I could see the distance of Kenzo moving away while he was carrying Rosee, I immediately started running as my tears continued to flow. The three of them used Kenzo's car and Baste while Jed and I rode in the car to the nearby hospital. While on the flight I was restless until my cellphone rang. I was dumbfounded on the screen of my cellphone when Tita's name registered there.
"Answere it" sabi ni Jed kaya naman ay wala ako sa sarili na sinagot ang tawag.
"Kendie anak nasan ang pinsan mo?" Agad na bungad ni Tita saakin. Hindi ako naka sagot dahil sa kaba na nararamdaman ko. "Kendie ija nanjan kapa ba?" Rinig kong sabi ni Tita.
"O-Opo tita" sa wakas na sagot ko din.
"Nasaan si Rosee? Kasama moba siya? Hindi siya natawag saamin mula nung dumating siya jaan sa pilipinas. Pwede bang maka usap siya?" Sunod sunod na sabi ni Tita. Napa kagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Babe tell her the truth, She's Rosee's mother after all" pag papakalma ni Jed saakin.
"Ano yon Kendie? Anong sasabihin mo saakin? May nang yari bang masama sa anak ko?" Sunod sunod na ulit na tanong saakin ni Tita. Napa hinga ako ng malalim bago ako sumagot.
"D-Dadalin po namin si Rosee sa hospital" sagot ko na kina tahimik ni Tita mula sa kabilang linya. " May nangyari po kay Rosee tita. Papunta napo kami sa hospital" dagdag kopa.
"O my god" rinig kong sabi ni Tita mula sa kabilang linya kasabay ng pag patay ng tawag. Wala akong nagawa kundi ang umiyak at mag tanim ng sama ng loob.
Kapag talaga may nang yaring masama kay Rosee humanda ka sakin Alfred!
Life is inherently risky. There is only one big risk you should avoid at all costs, and that is the risk of doing nothing. We all have two lives. The second one starts when we realize we only have one.The purpose of life is not to be happy. It is to be useful, to be honorable, to be compassionate, to have it make some difference that you have lived and lived well.
BASTE
NASA Hospital na kami at pansamantalang nag hihintay sa doctor na siyang tumitingin kay Rosee. Napa tingin ako kay Kendie na panay ang iyak sa gilid habang inaalo ni Jed na siyang boyfriend niya. Napa tingin naman ako kay Kenzo na hindi mapa kali sa pina tatayuan niya. Kaliwa't kanan ang pag lakad niya na para bang may mangyayaring masama kay Rosee.
Wag naman sana.
"Kendie!" Napa tingin ako sa hallway ng marinig ko ang boses ni Lucas na hiningal na humarap saamin, mukang kakagaling lang niya sa mahabang pag mamadali.
"Lucas" agad tumayo si Kendie at hinarap si Lucas na siyang pinsan din ni Rosee.
"How is she?" Bakas ang pag aalala sa muka ni Lucas at hindi ko siya masisisi doon pero bat parang sobrang pag aalala naman ang nararamdaman niya.
May alam sila na diko alam.
"N-Nasa loob" sagot ni Kendie.
"f**k! If something happened to her I will kill that bastard!" Bulong na sigaw ni Lucas habang sapo sapo ang noo at katulad ni Kenzo ay kaliwa't kanan din ang pag lalakad.
Hanggang sa lumabas na ang doctor na siyang tumingin sa kalagayan ni Rosee. Agad kaming lumapit sakaniya para alamin ang tunay na kalagayan ni Rosee.
"Doc kamusta po ang pinsan ko?" Agad na tanong ni Kendie.
"Did she tell that she was suffering a severe headache?" Unang tanong ng doctor na agad naming inilingan. "Oh. I'm sorry to tell you this but I need to talk to her parents first. Her condition is not easy" sabi ng doctor dahilan pag sikluban ako ng takot at kaba.
"Her parents wasn't here. They both in Canada. Ako lang ang kasama niya sa bahay" sabat naman ni Lucas. Napa hinga nalang ng malalim ang doctor at walang nagawa kundi sabihin nalang saamin ang tunay na lagay ni Rosee.
"She's suffering from Aneurysm." Sagot ng doctor na kina tigil naming lahat. Unti unti akong nanlumo at wala sa sarili na napa upo nalang.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Kendie.
"it means you have a bulge in the wall of an artery. It happens when the pressure of blood passing through has forced a weakened part of the artery to balloon outward. And as Ms. Gonzalvo case i saw the symptoms of aneurysm in her case." Paliwang ng doctor.
"What symptoms doc?" Takang tanong ni Jed.
" Sudden, extremely severe Headache, Nausea and Vomiting, Stuff Neck, Blurred or double Vision,Sensitivity to Light,Seizures, drooping Eyelid ,Loss of consciousness, and Confusion" napa tingin kaming lahat kay Lucas ng siya ang sumagot sa tanong ni Jed.
"2 years ago something bad happen to her while she was driving, she was drunk and she drove her car. She got a car accident and sabi ng doctor is matindi ang tama niya sa ulo. After a months ay palagi na siyang nakakaramdam ng headache, I know her condition but she plead me not to mention it to all of her friends after she flew here" paliwanag niya. Unti unti na kaming nawala sa sarili kanya kanyang pag digest sa mga sinasabi ni Lucas. Tulala at mga wala kami sa sarili dahil sa mga nalaman namin.
Kaibigan niya kami pero kami pa ang walang alam sa tunay na nang yayari sakaniya pero siya ay alam lahat ng problema namin sa buhay.
" That's all I can say. Excuse me" rinig kong sabi ng doctor saka umalis na sa harapan namin. Nag paunang pumasok si Lucas sa loob na sinundan naman ni Kenzo. Habang kaming tatlo ay nanatili lang sa labas.
"Kasalan niya to" rinig kong bulong na sabi ni Kendie. "Hindi hindi dahil sakaniya hindi mararanasan to ni Rosee" dagdag pa niya.
"Wag ka munang mansisi hindi din naman to ginusto ni Alfred" mahinahon na sabi sakaniya ni Jed.
"Siya naman talaga ang may kasalanan! Diba nga pinag takpan niyo pa!" Sigaw ni Kendie agad akong tumayo para pigilan si Kendie.
"Tama na die. Tama naman si Jed walang may gusto sa nangyari" sabi ko pilit na pinapakalma siya.
"Pero kundi dahil sakaniya hindi makaka ganto si Rosee" aniya na siyang kina iling ko.
"Kung kasalanan ni Alfred ibig sabihin ay may kasalanan din tayo dahil tayo ang gumawa ng paraan kung bakit sila nagka kilala" sabi ko na siyang kina tahimik niya. "Hindi magugustuhan ni Rosee kung mag sisisihan tayo. Ang gawin nalang natin ay alagaan siya hanggang sa umayos ang lagay niya" dagdag kopa.
Nang kumalma si Kendie ay sabay sabay na kaming pumasok doon. Gising na si Rosee at pilit na ngiti ang pinakita niya saamin ng makita niya kami.
Hindi na muna kami lumapit sakaniya para yakapin siya dahil kailangan niya pa mag pahinga.
"Maiwan na muna kami kayo bibili lang kami ng pagkain sa labas" sabi ni Kenzo sabay hatak kay Lucas at Jed.
Ngek close?
Kami nalang ang tatlo na naiwan sa loob. Nanatili lang akong naka tayo sa may paahan ni Rosee habang si Kendie naman ay walang imik na nag babalat ng mansanas.
"Baste, Kendie" mahina man ay sakto na ang lakas ng boses niya para marinig namin ang pag tawag niya. Napa tingin kaming parehas ni Kendie sakaniya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. "I'm sorry" bulong na aniya kasabay ng pag tulo ng luha niya. Agad akong nag iwas ng tingin dahil sa nag dadayang pag tulo ng luha ko.
Ngayon ko lang napansin ang pag bagsak ng timbang niya. Masyado ata akong nag pabayang kaibigan dahil hindi ko nagawang kamustahin ang lagay niya.
"Sorry kung hindi ko sinabi sainyo ang tungkol sa kalagayan ko. Ayoko lang na maka dagdag sa problema niyo" sabi niya dahilan para tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na luha.
"Rosee, kaibigan mo kami. Pinsan mo din ako bakit mo naman naisip na makaka dagdag ka lang sa problema namin. Alam mo lahat ng tungkol saamin tapos ikaw... Ang mga mahahalagang bagay katulad nito ah dimo magawang sabihin saamin" maluha luhang sabi ni Kendie. " Pano kung sa clinic ka lang namin dalin dahil nawalan ka lang naman ng malay at doon bawian ng buhay dahil hindi naman alam ang tunay mong kalagayan!?" Singhal ni Kendie sakaniya.
"Wag kang mag salita ng ganyan Kendie" suway ko sakaniya.
"Yun nga eh! Kahit ayoko pero anong magagawa ko?— Natin? Dahil yun ang posibilidad na mang yari kung hindi ka nadala sa hospital!"
"Hindi ko naman ginusto na itago sainyo" sabi ni Rosee. Napa iling nalang ako kay Kendie para itahimik niya ang bunganga niya dahil hindi pa maganda ang lagay ni Rosee. Napa buntong hininga naman si Kendie at mabilis na tumayo at lumabas ng kwarto ni Rosee. Napa tingin nalang ako kay Rosee na naka pikit na.
"Mag pagaling ka" bulong ko sakaniya. Akmang aalis na din ako nang bigla niyang hawakannng kamay ko.
"Sana satin satin lang to. Ayoko kaawaan ng ibang tao" bulong na sabi niya.
“Love yourself first and everything else falls into line. You really have to love yourself to get anything done in this world.” sabi ko sakanya bago ako tuluyang lumabas sa kwartong inuukupa niya.
The most important thing in life is to learn how to give out love, and to let it come in.
Do you know why they call it the present? Because every day you have on this earth is truly a gift. No day is ever wasted, and each morning we wake up in the present—we should see it as the gift that it is and never think to take it for granted.
It takes courage to love, but pain through love is the purifying fire which those who love generously know. We all know people who are so much afraid of pain that they shut themselves up like clams in a shell and, giving out nothing, receive nothing and therefore shrink until life is a mere living death.
itutuloy...