Athena Makalipas lang ang isang araw ay ang mga kaibigan ko namang sina Alodia at Amara ang nagkasakit. Nagkaroon din sila ng trangkaso nang kagaya ng kay Enzo. Usong-uso yata talaga ang sakit ngayon dahil sa pabago-bagong panahon. Hindi pa rin nakapasok si Enzo at ayon sa kanyang ama ay matinding pahinga ang ginagawa nito sa bahay nila. Kagaya ng bilin ni Enzo ay ang daddy pa rin nya ang palaging naghahatid at sundo sa akin sa bahay. Nahihiya na nga talaga ako kay Mr. Zobel pero wala naman akong magagawa, may sakit pa si Enzo at hindi pa nya kayang pumasok ngayon. Nakaupo akong mag-isa sa silya dahil absent lahat ng mga kaibigan ko. Nakailang buntong hininga na ako dito sa upuan ko. Kapag wala pala sila ay walang gustong kumausap sa akin. Ang grupo nina Myrtle ay sumusulyap sa akin

