CHAPTER 2

1136 Words
Napapaluha si Ranne habang binibili niya ang gamot ng kanyang ama sa may pharmacy. Inatake sa puso ang ama at kasalukuyang naka-confine sa hospital. Ayon sa doktor ang abnormal na paglaki ng puso ng ama ay ang rason ng naturang pag-atake. Ito'y dala na daw ng komplikasyon ng sakit nitong diabetes. Agad niyang tinawagan ang kanyang mga kuya para ipaalam ang kalagayan ng ama. Nangako naman ang mga ito na agad na tutungo sa nasabing hospital upang dalawin ng kanyang ama at magdala ng pera. Dala-dala ang gamot at tinapay na binili ay agad siyang bumalik ng second floor. Mabigat ang bawat paghakbang. Pilit niyang pinakakalma ang sarili. Nais niyang bago siya bumalik ng ward, kung saan nandoroon ang kanyang ama na nakaratay ay maayos na ang kanyang isip. Hindi niya maalis ang nabahala dahil siya ang laging kasama ng ama. Bunso siya sa pitong magkakapatid. Nasipag-asawa na ang kanyang mga kuya kaya siya na lang ang naiwan sa poder ng kanyang magulang. Nang marating niya na ang ward ay natanaw niya ang kanyang ina na tahimik na umiiyak. Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang luhang kanina pa nais pumatak. Kailangan niyang maging matatag at malakas para sa kanyang mahal na ina. Hindi siya pwedeng manghina, lalo na sa kalagayan ng kanyang ama. Dahil kung magiging iyakin at mahina din siya, kanino pa kukuha ng lakas ang ina? "Nay, 'wag na kayong umiiyak," sabi niya sa ina, at tinabihan ito. "Hindi ba sabi ng doktor magiging maayos din si Tatay? Kailangan niya lang ng sapat na pahinga at inumin ang mga gamot na ibinigay sa kanya. Kaya 'wag na po kayong umiyak. Kasi para namang mamamatay si Tatay kung makaiyak kayo." Malumbay na pinagmasdan ni Nora ang kabiyak, at naawa siya sa kalagayan nito. "Alam ko naman, Anak. Subalit hindi ko maiwasan ang umiyak at mag-alala, lalo na sa kalagayan ng iyong ama. Mahal na mahal ko ang tatay mo. Ayokong nakikita siyang nahihirapan ng ganito." "Nay, kahit ako naman ay nababahala din ho sa kanyang kalagayan. Ngunit kailangan ho natin maging malakas para sa kanya. Ipagdasal po natin ang agaran niyang paggaling. Manalig po tayo na gagaling siya," sabi niya, at ngumiti ng tipid. "Tinawagan mo na ba ang iyong mga kuya?" "Oho, Nay. Sina Kuya Raul, Roel at Ricky ay baka bukas na daw makaluwas ng manila. Sina kuya Randy, Rolly at Rocky naman ho ay nasa biyahe na daw sabi ni Ate Karen. Baka maya-maya nandito na ho ang mga 'yon." "Si Loling ba, tinawagan mo na din? Sinabi mo ba na hindi makakapasok ang tatay mo kasi na-confine siya sa hospital?" "Oho, Nay. Siya nga ho ang una kong tinawagan. Ipapaalam niya na lang ho daw kay Sir Octavo na nasa ospital si tatay." Napatingin sa kanya ang ina, na para bang may nais itong sabihin. "May problema po ba, Nay?" "Nak, ano kaya kung palitan mo muna ang tatay mo sa mansion? Magaling ka naman magluto. Nangangamba kasi ako baka pagnatagalan pa na hindi makabalik si Kanor doon ay magpasiya si Sir Octavo na palitan siya." Umiling siya agad. "Nay, hindi naman siguro. Alam naman ni sir Octavo na may sakit si Tatay. Saka hindi ho sa ayaw ko pero alam naman natin pareho na allergic si Sir Octavo sa babae. Hindi ba sabi ni tatay halos ayaw niya may kasambahay siyang babae? sabi pa nga ni tatay puro mga lalaki ang mga kasamahan niya doon. Kaya baka magalit ho iyon. Baka imbes na makatulong ako sa inyo ay ipapahamak ko pa si Tatay. Baka matuloyan siyang matanggal sa aking gagawin. 'Pag nagkaganoon papano na lang ho tayo?" "Nak, mabait naman si Sir Octavo. May rason kung bakit siya nagkakaganoon. Labis lang iyong nasaktan nang basta na lang naglaho si Ma'am Yanie sa araw ng mismong kasal nila. Pero mabait iyon," wika ng ina na para bang pinagtatanggol nito ang amo ng ama. "Nay, hindi din kayo tsismosa ano?" natatawang sabi niya, at tinignan ang ama saka malumbay na nagwika. "Nay, alam naman ninyo na kaya kong gawin ang lahat para sa inyo ni tatay. Kaya lang may mga bagay na hindi ko sakop. Hindi naman siguro makatarungan kung pagsinungalingan natin si Sir Octavo." Napabuntong-hininga ang ina, at marahan na ginagap ang kanyang kamay. "Nak, alam ko naman na masama ang manloko ng kapwa, subalit para din ito sa kabutihan natin at ng iyong ama. Kaya sana pumayag ka na. Pansamantala lang naman. Ayoko ko ng manghingi sa mga kuya mo. Madami na silang naitulong sa amin ng tatay mo. May pamilya at mga anak na din silang lahat. Saka paano natin mababayaran ang mga na-advance ng tatay mo kay Sir Octavo kung hindi mo siya papalitan. Malaki na din ang utang ng tatay mo sa kanya. Kaya pakiusap pumayag ka na, Anak" "Nay, gusto ko man pero paano natin maitatago na babae ako. Baka pagnatuklasan ni Sir Octavo mabuti kung sisantihin at pauwiin niya lang ako. Eh, paano kung magalit siya tuloyan ng tanggalin si tatay. Hindi ba mas mahirap 'yon sa atin. Bakit ba kasi ipinaglihi iyong sa amargoso?" "Nak, hindi naman halata na babae ka. Lalo na't sa kilos mo at pananamit. Kaya mo siyang malinlang. Pagupitan mo lang ang iyong buhok, hindi niya na mahahalata. Saka isang linggo lang naman. Hindi naman siya laging pumipermi sa mansion. 'Di ba sabi pa nga ng tatay mo, madalang lang umuwi si Sir Octavo sa kanyang bahay? Kaya hindi ka mabibisto nu'n." Napailing na lang siya sa winika ng ina bago tinignan muli ang nakaratay na ama. Napaisip siya tuloy kung papayag ba siya sa inimungkahi ng ina? Kung sa bagay may punto ito. Hindi sila pwedeng lagi na lang umasa sa kanyang mga kuya. Malaki na din ang naitulong ng mga ito. Saka ang iba ay nag-aaral na ang mga anak. Kaya kailangan niyang talagang palitan pansamantala ang ama sa trabaho. Malaki din ang perang kailangan nila sa pagpapagamot ng ama. Sa edad na dalawamput-tatlo ay wala pa siyang naging kasintahan. Marahil dahil bantay sarado siya sa mga kuya niya dahil siya lang ang nag-iisa nilang prinsesa at babae na kapatid. Maganda naman siya, may mahabang pilik-mata at mapupungay na mata, matangkad at may kurba ang katawan. Subalit lagi pa rin siyang napagkakamalang tomboy ng lahat dahil sa kilos at pananamit niya. Paano laging siyang naka-plain T-shirt at nakapantalon 'pag gagala. Minsan naka-Cargo short at sandalyas lang. Dagdagan pa ng pangalan niyang 'RANNE' na panglalaki. Hindi niya alam tuloy kung bakit pinangalan siya ng ganoon ng ama. Palagay niya ay wala sa wisto ito nang pinalista ang panggalan niya. Sa huli, nakapag pasiya na siya na pagbigyan at subukan ang mungkahi ng ina. Ang tanong, malilinlang niya kaya ang tigreng boss ng ama? Papasa kaya siya sa mala-agilang mata nito? O baka naman uuwi siyang ng biglaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD