FLASHBACK (college days) : DAVIAN
“So may balak ka bang umamin ha?” Tanong ni Achilles sa akin.
“Meron naman, kaso nga sa tuwing aamin ako, lumalayo agad sa usapan si Ryen. Sobrang ilap.” Kamot ulong sambit ko.
“Ayoko rin naman ipilit kasi baka hindi siya comfortable.” Seryosong sambit ko.
“E paano kung umiwas nanaman?” Tanong ni Noah.
“Pag umiwas nanaman siya, hindi ko na itutuloy. Let’s just go witht the flow. Hindi pa siguro talaga siya hand.” Seryosong sambit ko.
“Okay lang?” Tanong ni Noah.
“Wala naman akong magagawa. Hinding hindi ko ipipilit yon.” Sambit ko at nag kibit balikat.
Sabay na tinapik ni Noah at Achilles ang aking balikat bago ako tuluyang ayain papunta sa canteen. Nandoon na kasi ang girls at nag hihintay na sa amin.
“Hi girls.” Sambit ni Achilles at nakipag apir agad kay Saraiah habang si Noah ay masama na agad ang timpla matapos makita si Annaya.
“Ryen.” Sambit ko na agad naman niyang nilingon.
“Mhm?” Tanong ni Ryen. Nakaramdam ako ng kaba ngunit wala naman na akong mamagawa, hindi ko rin naman gustong iatras dahil paniguradong siya mismo ang kusang lalayo.
“I have something to tell you.” Sambit ko at bahagyang lumingon kila Noah na nakikinig.
“Annaya pasama sa cr.” Mabilis na sambit ni Ryen at nginitian ako kaya tumango naman ako.
Nang maka alis sila ay saka ako nag salita. “Sabi sainyo e.” Kamot ulong sambit ko.
“Lakas talaga ng amats ni Ryen.” Tumatawang sambit ni Saraiah habang napapa iling.
“Awat nalang.” Napapa iling na sambit ni Achilles.
“Hindi pa handa yan, ramdam kong takot e.” Sambit ni Noah.
“At least you tried.” Naka ngiting sambit ni Saraiah.
“Yeah, ang mahalaga, sinubukan ko kahit malabo.” Tumatawa kong sambit.
“Daan nalang natin sa alak yan.” Biro ni Achilles.
“Boss table 3, isang sisig, limang alfonso, walang chaser, sampong kaaway, walang aawat.” Pang aasar ni Saraiah na ikinatawa ko.
“Siraúlo ka talaga.” Tumatawang sambit ni Noah saka nakipag apir kay Saraiah.
“Magaling talaga ‘tong bata ko e.” Tumatawang sambit ni Achilles kaya napa iling nalang ako.
Maya maya pa ay muli na rin bumalik sila Ryen at may dala na pag kain.
“Akala ko ba cr? Bakit may french fries at siomai na?” Sambit ni Saraiah na agad namang kumuha sa pag kain na hawak ng dalawa.
“Nagutom.” Biro ni Annaya habang tumatawa.
“Tagal kasi ni Ryen edi nag ikot ikot ako.” Sambit ni Annaya.
“Anong ako matagal? E pinatawag ka nga sa office ni Prof.” Taas kilay na sambit ni Ryen kaya agad na napaiwas ng tingin si Annaya.
“Ay ako ba yung matagal? Sorry my false.” Naka ngiti niyang sambit at nag peace sign pa.
“Bakit pinatawag ka?” Tanong ni Noah.
“Siya kasi muse ng block namin.” Walang sabi sabing sambit ni Saraiah na ikinagulat naming lahat.
“Oooooops.” Sambit niya at bahagyang napa takip sa kaniyang bibig.
“Ikaw ang muse?” Gulat na sambit ni Noah habang titig na titig kay Annaya.
“Oo, may isang bugaw kasi diyan na imbis ibang tao ang sabihin, pangalan namin ni Saraiah nilapag.” Pag paparinig ni Annaya.
“Davian may naririnig ka? Ah wala? Same.” Sambit ni Ryen at agad na humarap sa akin saka ako inalok ng french fries na kinakain niya kaya napatawa ako ng bahagya.
“Siya nilista, kasalana ko ba yun? Sila Prof kaya nag register at namili nun.” Tumatawa kong sambit.
“Tutal nadulas na si Saraiah, dugtungan na natin.’ Sambit ni Ryen na agad na ikinasama ng tingin ni Annaya.
“Makikita rin naman nila, edi ipaaalam na natin.” Dagdag ni Ryen na ikina kunot ng noo ni Noah.
“What is it?” Tanong ni Noah.
“Si Grey partner niya.” Sambit ko at agad na napatingin sila Annaya sakin.
Hoy gágo saan mo nalaman yan?” Gulat na sambit ni Saraiah.
“Balita naman na, pinag uusapan ng mga Prof. Combo nga raw kayo e.” Kibit balikat kong sambit habang kumakain ng french fries.
“Tárantadong yan. Bakit hindi ko alam?” Reklamo ni Noah.
“Malay ba naming hindi mo alam? Lagi ka kasing tulog tánga.” Tumatawang sambit ni Achilles kaya napa ngisi ako.
“Hindi naman sadya, hindi rin alam na yun ang ipa partner.” Sambit naman ni Ryen na sinang ayunan ni Saraiah.
“Ramdam ko yung jalosi mula dito hanggang sa faculty.” Naka ngisi kong sambit kay Noah.
I was holding Ryen’s hand sa ibaba ng table. Ganito naman kami palagi kaya hindi ko rin alam kung bakit siya takot.
She’s literally giving me mixed signals. Hindi ko alam kung casual lang ba sakanya ‘to o may meaning din.
Honestly, I don’t know what we are.
We do things together na parang kami. We go out, we eat together, minsan dalawa lang. Nagkakatampuhan, pero bati agad. She holds my arm sometimes, minsan hahawak sa kamay ko ‘pag tatawid kami. Tapos tatawa lang siya after, like it’s nothing. Minsan maglalaro siya ng buhok ko habang nanonood kami ng movie. Minsan yayakap bigla kung malamig. Parang couple, pero in reality, we’re just friends. Nothing more than that.
And that’s where it gets confusing.
Kasi sa lahat ng ginagawa namin, hindi ko alam kung normal lang ba ‘to for her. Maybe she’s just really affectionate pero bakit sa akin lang? Bakit hindi kay Noah? Kay Achilles? O kahit kila Saraiah at Annaya? Maybe ganun lang talaga siya sa mga taong close sa kanya?
But the thing is… I’m not sure if close friends should feel like this. Kasi ako, everytime she does those little things, yung simpleng “ingat ka ha” na may tapik sa likod, yung pag-text niya out of nowhere just to check if kumain na ako, I feel something. And that scares me.
I started to wonder, “Does this mean something to her?” Or ako lang ‘tong naglalagay ng meaning sa mga bagay na simple at normal lang sa kanya? She never says anything romantic. She never talks about “us.” Wala. But she acts in ways that make it feel like we’re something more. Dahilan para hindi ko na alam ang dapat kong tunay na maramdaman at maisip.
Pero kahit ganon, I made a choice.
I chose not to add meaning to anything. As much as I want to believe na baka may nararamdaman din siya, I can't assume. I can't risk our friendship. Hindi ko kayang sirain ‘yung meron kami ngayon just because I'm hoping for something more. So kahit ang hirap, kahit ang gulo, I act like it’s all normal. I laugh with her, tease her, be there for her. Pero never akong nagtanong. Never akong nag-assume. Sinusubukan ko man umamin pero hanggang doon nalang yun.
Palagi ko na lang iniisip, “What if wala talaga? What if ako lang ang umaasa?” Ayokong masaktan, oo. Pero mas ayokong mawala siya. Walang sinasabi, palaging umiiwas, pero taliwas sa pinapakita niya, ssa actions na ginagawa niya.
So here I am, loving her silently, doing a couple things with her, feeling every little touch and word way too deeply… pero pinipili pa ring wag bigyan ng kahulugan. Kasi minsan, mas okay nang manahimik, kaysa sumubok at mawalan ng taong hindi mo kayang mawala.
I already tried my best, I already tried, yet nothing happens. Hanggang doon nalang talaga siguro muna.
“Huy! Lalim ng iniisip.” Tumatawang sambit ni Ryen at bahagyang pinitik ang aking tenga.
“Lutang ka nanaman.” Biro ni Noah na ikina iling ko lang.
“Paabot nga nung siomai.” Sambit ni Achilles.
Kukuhanin ko na sana gamit ang kaliwang kamay ko tutal yun ang mas malapit ngunit naalala kong hawak hawak nga pala ni Ryen iyon kaya iniangat ko agad ang aking kanang kamay para bumwelo.
“Oh ayan.” Sambit ko habang dahan dahang nilalapag sa harap ni Achilles ang siomai na binili nila.
“Mabuti nalang at marami kayong binili.” Biro ni Saraiah.
“Basta naman bumili kami ay palaging kasya sa grupo. Alam naman kasi naming kahit hindi kayo mag sabi ay literal na hihingi kayo.” Biro ni Ryen na sinang ayunan naman namin.
“Wala ba kayong class?” Tanong ko.
“Mamaya pa kaming 3pm, kayo ba?” Tanong ni Ryen.
“2pm.” Sambit ko bago tumingin sa orasan. May isang oras pa naman bago mag alas dos kaya nakipag kwentuhan pa rin kami, pamatay ng oras habang nag hihintay mag klase.