NANG makapasok si Lorelei sa sariling kuwarto ay sunud-sunod ang pagbuhos ng mga luha niya. She is now in the right place to cry. Narito na siya sa penthouse ng kapatid kaya ang kaninang pigil na pigil na pag-iyak doon sa penthouse ni Andrei ay agad na niyang pinakawalan. Her heart is crumpling terribly, as well her mind. She felt so exhausted. Ayaw niyang maniwala pero sobrang sakit sa puso, sa isip, at sa lahat ng pakiramdam. Kahit wala naman siyang karapatan na masaktan dahil hindi naman niya boyfriend o asawa si Andrei pero sobrang mahal niya ito, to the point na pinili niyang magpakababa para lang bumalik sila sa dati pero malabo na pala iyong mangyari. May anak na pala ito kay Dianna at ayaw niyang siya ang dahilan para mawalan ng pagkakataon na mabuo ang pamilya ng bata. Ka

