PANAY ang sulyap ni Lorelei sa kaniyang cellphone, baka may signal na pero wala pa rin. Sinubukan na rin niya kaninang lumabas para maghanap ng signal pero wala rin kaya bumalik siya rito sa loob, particularly rito sa second-floor ng villa pero wala talaga. Nang maisip niya ang rooftop ay mabilis siyang nagtungo roon. Pero agad din naman siyang nadismaya nang naka-lock ang pinto palabas ng rooftop. “Damn…” she said with gritted teeth and stomped her foot annoyingly. Malakas ang pakiramdam niya na naroon ang signal sa rooftop kaya sinadyang ini-locked iyon ng kapatid niya bago ito umalis kanina. Saan ba kasi banda ang lugar na ito at ganito kahirap kumuha ng signal? Nang mapagod siya sa kakaikot sa buong villa sa paghahanap ng signal ay nagdesisyon na muna siyang magpahinga na muna. Pu

