Mula sa aking pagkakahimbing ay naalimpungatan ako ng makarinig ako ng umiiyak.Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata kasabay ng mas lalong paglakas ng mga hikbi. Naaninag ko ang isang babae na nakaupo sa gilid ng aking kama at base sa aking pandinig ay sa kanya nagmumula ang paghikbi. Bumangon ako at kahit natatakot ay nilapitan ko ang babaeng umiiyak ngunit hindi pa man ako nakakalapit ng sobra ay nagsalita ito. "hindi mo ako naiintindihan.."wika nito. "excuse me?"tinangka kong sulyapan ang kanyang mukha pero tila kay hirap nitong makilala. "paano mo pa maitatama ang mali.."pagkasabi nito nun ay umiyak itong muli. "itama ang mali?teka lola ikaw ba yan?"pagkasabi ko nun ay dahan dahan itong humarap sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib ng makita ko ang dumudugo niyang tyan.U

