Kabanata 20

917 Words
PAGKATAPOS kumain ay dinala naman sila ng matanda sa malaking sala. Nabanggit nito sa kanila ang nalalapit na fiesta sa bayan ng Maxvilla Masayahin. Malaki raw ang ambag na pera ng matanda para sa idadaos na pasayaw. Masaya raw ang piyesta kaya lalong na-excite si Hannah. Siya ay taga-Maynila, 'di niya alam kung ano'ng pamumuhay meron sa probinsya. Ayon pa kay Lola Candida, may nakalaang table para sa kanila sa gabi ng pasayaw. "Bakuran mo si Hannah, at baka may mangahas na agawin sa 'yo," humahagikhik na birong paalala ni Señora Candida kay Duwayne. Nilingon naman si Hannah ang lalaki na seryosong-seryoso ang mukha, tinamaan siguro sa sinabi ng abuela. Walang alam ang matanda sa totoong nangyari sa relasyon ng binata. "Hindi mangyayari 'yon," sagot naman ni Duwayne. Nagkunwaring walang narinig ang dalaga. Napansin niyang matamang nakatingin sa kanya ang binata. "Apo, malipayon ako kay nakilala ko imong uyab. Konta, bago man ako mawara sa kalibutan, makita ko anay ang akong apo sa imo." Tila naglalambing na humilig ang senyora sa balikat ng apo. Hindi maintindihan ni Hannah ang lenggwaheng ginamit ng matanda. Napangiti siya sa nakikitang paglalambingan ng maglola. "Pila man nga apo ang imo karuyag, La?" tanong naman ni Duwayne sa abuela. Tumitig ang binata sa mukha ni Hannah, nakangiti ang dalaga habang nakamasid sa kanilang maglola. "Lima kaya, apo?" Natatawang pinisil ni Duwayne ang magkabilang pisngi ng abuela. "La, ihahatid na kita sa iyong silid para makapagpahinga." "Medyo inaantok na nga ako," anang matanda, tumingin ito kay Hannah. "Hija, magpahinga ka na rin. Bukas ay ipapasyal ka ni Duwayne sa bukid." "La, wala naman akong sinabing gano'n!" reklamo ni Duwayne. "Meron, nakalimutan mo lang. Basta bukas, ipasyal mo si Hannah sa bukid. Tag-ani ng palay at maraming pupunta sa bukid para sa paggapas ng palay at mamitas ng mga mais." "Hindi naman po sanay sa bukid si Hannah," katwiran pa ng binata. Siya pa ang idinahilan ng lalaki. Alam naman niyang ayaw nitong makasama siya. "Mukhang masaya po sa bukid," nakangiting sabi niya. Kabaliktaran naman ng nakikita niyang ekspresyon sa mukha ng binata. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Gusto ko pong maranasan mamingwit sa ilog." Pinandilatan siya ng mga mata ni Duwayne, ginantihan naman niya ito ng isang matamis na ngiti. "May mga pamingwit dito sa hacienda. Kapag nagbabakasyon sa probinsiya ang apo ko, libangan niya ang mamingwit sa ilog." "Ihahatid na po kita sa iyong silid," pag-iiba ni Duwayne sa usapan. "May gagawin po ako bukas, La. Hindi ko magagawang ipasyal sa bukid si Hannah." "Pero–" "Okay lang po, La!" putol niya sa sasabihin sana ng matanda. Nadismaya man sa hindi pagpayag ng lalaki, hindi niya iyon pinahalata. "Mas importante po ang gagawin ni Duwayne, bukas. Bilang nobya, kailangan ko siyang suportahan sa lahat ng mga ginagawa niya." Pinanindigan niya ang pagiging pekeng nobya. Matamis na nginitian siya ng matanda. Tinulungan ni Duwayne makatayo ang abuela. Tumayo na rin si Hannah. Nagkatitigan pa silang dalawa ng binata, tila ba nag-uusap ang kanilang mga mata. Siya ang unang bumawi ng paningin. Hindi sumama si Hannah kay Duwayne na ihatid sa silid ang abuela nito. Pagpasok sa inukopang silid ay pahagis na inilatag niya ang katawan sa kama. Maraming gumugulo sa kanyang isipan na ayaw muna niyang bigyan pansin. Bumangon siya, tumungo sa banyo para magsipilyo. Pagbalik sa kama ay agad din siyang nakatulog. GUMISING si Hannah na magaan ang pakiramdam. Four o'clock palang ng umaga pero maliwanag na sa labas. "Good morning!" masiglang bati ng dalaga sa dalawang kasambahay. Abala ang mga ito sa kusina, inihahanda ang mga lulutuin para sa agahan. "Ang aga mong gumising, Ineng," nakangiting sabi ng isang kasambahay na nakilala niyang si Aling Lilia, edad kuwarenta. "Gusto mo bang magkape, o kaya'y gatas ng kalabaw?" "Kape na lang po," sagot niya. "Ako na po ang gagawa ng kape ko." Binigyan siya ng isang tasa ni Aling Lilia, itinuro rin nito sa kanya kung saan naroon ang kape at asukal. Pagkatapos magtimpla ng kape ay lumapit siya sa mesa at naupo sa isang silya. "Ano po ang lulutuin n'yo?" tanong niya habang nagsisimulang humigop ng kape. "Sopas, Ineng," sagot naman ni Aling Teresa, edad trentay nueve naman ito. "Isasangag ko ang natirang kanin kagabi." "Ako na lang po ang magluluto wala naman akong ginagawa," presenta ng dalaga. "Naku, huwag na. Kami na lang ni Lilia," ani Aling Teresa. "Dapat ka naming pagsilbihan dahil panauhin ka ng aming mga amo." "Ayos lang ho 'yon, marunong naman akong magluto." Tumanggi ulit ang dalawang kasambahay pero mapilit si Hannah. "Sige, kung 'yan ang gusto mo," pagsuko ni Aling Teresa. "Kami ay maglilinis muna ng mansyon." "Malaki itong mansyon. Paano n'yo nakakayang linisin?" "Sa araw ng linggo ay may binabayaran si Señora Candida para tulungan kami sa paglilinis. Masuwerte kami dahil napakabait ni Senyora." "Iyon nga ho ang napansin ko," nakangiting sang-ayon niya. "Nagtatakang hindi nagmana sa ugali ni Lola Candida ang kanyang apo." Nagkatinginan naman ang dalawang babae sa huling tinuran ni Hannah. "Ineng, mabait ang apo ni Señora Candida, hindi mo lang makita iyon sa kanya." Tila ipinagtanggol pa ni Aling Lilia ang binata. Naunawaan naman 'yon ng dalaga. Amo ng mga ito si Duwayne. Natural, magandang katangian ang maririnig niya mula sa mga ito. Nang lumabas sa kusina ang dalawang babae ay hinarap naman ni Hannah ang pagluluto. Marunong siyang magluto. Noong nag-aaral pa sa kolehiyo, siya ang nagluluto ng pagkain nilang mag-ina. Sa ganoong paraan ay nasuklian niya ang hirap at pagod ng kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD