Kabanata 18

1084 Words
NASA daan nakatutok ang paningin ni Duwayne, bumalik ang pagiging seryoso ng mukha. Napangiwi si Hannah, sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam siya ng pagkadismaya na'ng halik na inaasahan hindi nangyari. Pasimpleng inamoy niya ang hininga. Kaya siguro hindi siya nagawang halikan ng lalaki dahil amoy kape ang hininga niya. Bigla siyang napabitiw ng yakap kay Duwayne nang tumikhim ito. Busog ang kanyang mga mata sa magandang tanawin sa paligid ng daang tinatahak nila. Maraming puno ng niyog. Kay sarap pakinggan ng huni ng mga nakadapong ibon sa sanga ng mga naglalakihang puno. Nakabibighani rin ang mga ligaw na damo, sumasayaw ang mga iyon sa tuwing umiihip ang hangin. Higit sa lahat, ang iba't ibang uri ng bulaklak na may mga paruparong nakadapo sa talulot ng mga iyon. Sa paraiso yata sila pupunta ni Duwayne. MASAYANG sinalubong ni Señora Candida ang mga bagong dating. "Duwayne, apo!" Hindi magkamayaw sa tuwa ang matanda. "Lola!" masiglang bati ni Duwayne sa abuela. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong nito sa kanya. "Kumusta naman ang naging biyahe mo?" tanong ng abuela at kumawala sa yakap ng binata. "Disaster!" tugon ni Duwayne. Pasimpleng sinulyapan niya ang babaeng kasama, palihim siyang inismiran nito. "Disaster?" ulit naman ni Señora Candida sa tinuran ng apo. Edad sixty-five, mukhang mas batang tignan sa totoong edad. "May kasama ka pala." "Magandang hapon po," magalang na bati ni Hannah sa matanda. Lumapit siya at humalik sa pisngi nito. "Apo, siya ba ang sinasabi mo sa 'kin na nobya mong taga-Maynila?" Bakas sa mukha ng matandang babae ang tuwa. Hindi maalis ang paningin nito sa mukha ng dalaga. "Nagka-" Natigilan si Hannah nang walang pasabing inakbayan siya ng lalaki. Totoong kinagulat niya ang ginawa nito. "Lola, I want you to meet, Hannah," nakangiti pa nang ipakilala siya sa abuela nito. "Ako po pala si Hannah Lindsey," pakilala rin niya sa sarili at inilahad ang isang kamay upang makipag-shake hands sa matanda. "La, she's my girlfriend." "I'm his girlfriend," aniyang nakangiti, subalit biglang nanlaki ang mga mata niya. "What?!" "You're my girlfriend," ulit pa nito. Lalong humigpit ang akbay sa kanya, sinasakal na nga yata siya. "Ang ganda-ganda mong bata ka!" Bakas ang tuwa sa mukha ni Señora Candida. Mahigpit pa ring hawak ang isang kamay ni Hannah. "Nagbibi–" "Maki-ride ka. I thought you were a good actress. Bakit parang hindi ka naman marunong umarte?" bulong sa kanya ni Duwayne. Napatitig siya sa guwapong mukha nito. Nakangiti nga ito sa kanya pero halatang napipilitan lang naman. "Are you insulting me?" balik niya rito at kunwa'y nginitian ang matanda. Yumuko ito at muling may ibinulong sa kanya. "Act like my real girlfriend. I promised my grandmother that I would introduce my girlfriend to her. I don't want her to be disappointed. Matagal na rin kasing hindi ako nakauwi rito sa probinsya." Wala man lang please? hiyaw ng isang bahagi ng utak niya. Alanganin ang ngiting iginanti niya rito. Mukhang napasubo yata siya. Tinalikuran na niya ang pag-arte, at ngayon ay inuutusan siyang umarte sa harap ng lola nito. "Mabuti't hindi mo ako binigo, apo." Kinikilig ang senyora habang palipat-lipat ang tingin kay Duwayne at Hannah. "Bagay kayong dalawa. Maganda at guwapo. Tiyak na guwapo at maganda rin ang aking magiging apo sa tuhod." Nasamid ang dalaga ng sariling laway sa tinuran ng matanda. Makailang beses siyang umubo. "May sakit ka yata, Hija?" "H-ha? W-wala po! Nanunuyo lang po ang lalamunan ko," kaila niya at pasimpleng tinapunan ng isang masamang tingin si Duwayne. Pasimpleng siniko niya sa tagiliran ang binata at inalis ang braso nitong nakaakbay sa kanya. "Alam kong pagod kayong dalawa. Halina't pumasok tayo sa loob ng bahay," magiliw na paanyaya sa kanila ng matanda. Para kay Hannah hindi simpleng bahay ang nakikita niya, kundi isang mansion. Animo'y isa itong palasyo na nakatanghod sa kanyang kaharian dahil nasa itaas ng burol. Mga nagtatayugang puno ng acacia ang pumapalibot sa buong bakuran. Habang naglalakad ay pasimpleng hinatak ni Hannah ang isang kamay ni Duwayne. "Bakit?" patay-malisyang reaksyon ng binata. "Anong bakit?" sikmat niya rito, pinipigilang tumaas ang tono ng kanyang boses. "Bakit ka nagsinungaling sa lola mo?" "Kasasabi ko lang 'di ba? Tinupad ko lang ang aking pangakong ipakikilala sa kanya ang aking nobya." "You used me for your nonsense. You lied to her. What if she finds out that you are just lying?" nanggigigil na sabi niya. "Masasaktan siya kapag nalaman niyang peke ang girlfriend ng apo na nakilala niya." "I know, don't worry about it. Just focus on your role. You act like my real girlfriend when we are in front of grandma. You only do that for a few days. Just do me a favor." Umarko ang isang kilay ni Hannah sa sinabi nito. "Hindi ko akalaing ang inaasam kong peace of mind ay hindi rin pala mangyayari!" Medyo napalakas yata ang tono ng boses niya dahil lumingon sa kanila ang matanda. "Nag-aaway ba kayo?" Mabilis na yumakap si Hannah sa baywang ni Duwayne. "Naku! Hindi po, Lola. Naglalambingan lang po kami. 'Di ba, love?" Pinanggigilan niya kunwari ang chin ng binata. Akmang pipisilin ni Duwayne ang pisngi ni Hannah nang biglang lumingon sa kanila ang matanda. Pagigil na niyakap siya ng binata. "Sa komedor mo dalhin si Hannah. Alam kong nagugutom kayong dalawa." Tumango ang binata bilang tugon. Agad bumitiw si Hannah sa pagkakayakap sa lalaki nang muling tumalikod ang matanda. Bumalik na naman sa pagiging seryoso ang anyo ng lalaki. Para rin itong artista, eksperto sa iba't ibang reaksyon. Dumiretso sila sa komedor. Naabutan pa nila ang dalawang babaeng nag-aayos ng mesa. Natakam si Hannah nang makita ang bagong lutong sopas at puto na gawa raw sa giniling na bigas ayon kay Lola Candida. Habang kumakain sina Duwayne at Hannah ay nakamasid naman sa dalawa si Señora Candida. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi nito habang pinagmamasdan ang apo. Nalaman ni Hannah na pansamantalang generator muna ang ginagamit sa hasyenda. Hindi pa rin inaayos ang mga transmission line na pinadapa ng bagyo Hagupit. Kabilang sa naapektuhang mga customer ang bayan ng Maxvilla Masayahin Electric Cooperative 1 (Maxvelco 1) Hindi pa raw matiyak kung kailan maibabalik ang suplay ng kuryente sa nasabing lalawigan dahil pinag-aaralan pa ng gobyerno ang sitwasyon. Katatapos lang malagyan ng linya ng kuryente ang katabing bayan nito. Wala ring internet at phone signal. May telebisyon pero VHS nga lang ang mapapanood. Hindi naman 'yon problema kay Hannah. Kung tutuusin, pabor pa nga sa kanya. Ang iniisip niya lang ang ina, tiyak mag-aalala ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD