Kabanata 25

1361 Words
NOVEMBER 20, 2019 araw ng pista sa bayan ng Maxvilla Masayahin. Madaling araw palang abala na ang lahat sa pagluluto. May iilang kamag-anak ang senyora na naroon sa asyenda para tumulong sa pagluluto. Tumulong pa rin si Hannah kahit ayaw siyang payagan ng senyora. Mga dessert lang naman ang ginawa niya. Nagbake rin siya ng mga cupcake at banana cake. Si Duwayne naman ay natanaw niyang tumutulong sa mga tiyuhin maglitson ng baboy. Naroon din sa asyenda ang dalawang nakababatang kapatid ng senyora na nakatira sa katabing bayan. Pakiramdam ni Hannah ay parte siya ng pamilya kaya masaya siya. Magiliw ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Duwayne sa mother side nito. Panay pa nga ang tukso ng mga ito sa kanilang dalawa kung kailan daw ang kasal nila. "Ayos ka lang ba, riyan?" Hindi namalayan ng dalaga ang paglapit ni Duwayne sa kanya. Abala siya sa paglilipat ng nilutong cupcakes sa malaking glass bowl. Nakangiting nilingon niya ang lalaki at tumango bilang tugon. Napatikhim pa siya nang tila may biglang bumara sa kanyang lalamunan nang makitang wala itong suot pang-itaas. Mula sa mukha nito'y iginala niya ang paningin pababa sa leeg, hanggang sa mapintog nitong dibdib. Bumaba pa ang paningin niya hanggang sa sikmura nito. Oh, la! Waring gustong lapirutin ang pandesal nitong nagsusumigaw sa harap niya. Nangingintab sa pawis ang maskuladong katawan nito. Kung tutuusin, marami nang nakitang maskuladong lalaki ang mga mata niya, lalo na sa uri ng dating trabaho bilang artista. Pero para sa kanya, mas malakas ang karisma ng lalaking nasa harapan niya. "Baka kung saan makarating ang paningin mo," pahapyaw na sabi ni Duwayne. Napakurap si Hannah. Nahihiyang binawi ang paningin. Nagkunwari siyang abala sa ginagawa. Mula sa sulok ng mga mata'y nakita niya si Duwayne na kumuha ng baso at nagsalin ng tubig mula sa banga. Ayaw man tapunan ng tingin ang binata'y kusang kumilos ang ulo ng dalaga para lingunin ito. Nakita niya ang paggalaw ng Adam's apple ni Duwayne habang umiinom ng tubig. Ang sexy ng dating ng binata sa kanyang paningin. Naglalaro pa nga sa imahinasyon niya na unti-unting binubuhos nito sa matipunong dibdib ang tubig sa hawak na baso. Lihim namang napangiti si Duwayne sa nakikitang pagkatulala ni Hannah. Tingin pa nga ng binata'y nag-daydreaming ang dalaga habang nakatingin sa kanya. May pilyong ngiti na sumilay sa labi ni Duwayne, naka-cross arm pa nang muling lapitan ang babae. He snaps his fingers to get her attention. Napahumindig naman sa gulat si Hannah. Tikom nang mariin ang mga labi sabay iwas ng tingin sa binata. "Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo ah?" "Ha?" Napakamot sa noo ang dalaga habang nag-iisip ng sasabihin. "May gusto sana akong itanong sa iyo, k-kaso nakalimutan ko." "Talaga?" Obvious na 'di naniwala. "Oo naman," mabilis niyang sagot. "Gusto mo ba tikman ang ginawa kong cupcake?" "Sige, mukhang masarap ngang mga 'yan." Inginuso pa nito ang cupcakes na nasa tray. Kumuha siya ng isang cupcake at inabot kay Duwayne. Hindi iyon kinuha pero yumuko ito upang abutin gamit ang bibig. Kalahati ng cupcake ang nakagat nito kasabay nang pagpikit ng mga mata na animo'y ninanamnam ang lasa ng cupcake. "Masarap ba?" Thumbs up ang isinagot nito sa tanong niya. Sa pagmulat nito'y muling yumuko para sana muling kumagat sa hawak niyang cupcake. "Nandito pala kayo sa dirty kitchen," anang isang tinig. Sabay napalingon sina Duwayne at Hannah kay Señora Candida. Mukhang bagong gising ang matanda. Mabilis na isinubo ng dalaga ang kalahating cupcake sa bibig ng lalaki. "Good morning po, La!" masayang bati niya rito. "Nagluto po pala ako ng champorado. Gusto niyo na po bang mag-almusal?" "Sige, Hija," ngiting sagot ng senyora. Ngumunguya si Duwayne nang lapitan ang abuela. Humugot ang binata ng isang silya at inalalayan sa pag-upo ang abuela. "Ang mga tiyong at tiyang mo, nag-almusal na ba sila?" "Yes, La. Nasa kubo po sila, abala sa pagbabalot ng suman." "Kayong dalawa, nakapag-almusal na ba?" Sandaling nagkatitigan ang dalawa bago sabay na umiling. Idinulog ng dalaga sa mesa ang isang ceramic bowl na naglalaman ng mainit na champorado. "Kumain na po kayo, La. Ipinagtimpla rin po kita ng gatas," ani Hannah. "Salamat. Sumabay na kayong kumain sa 'kin." "Maupo ka na lang, Hannah. Ako na ang kukuha ng pagkain natin." Humugot ng isang silya si Duwayne at inalalayan sa magkabilang siko ang dalaga. Hindi na nakatanggi pa si Hannah. Nasundan na lang niya ng tingin ang binata na ngayon ay inihahanda ang mga ceramic bowl na paglalagyan nito ng champorado. PAGPATAK ng alas dose ng tanghali, maraming bisita ang dumating sa asyenda para maki-fiesta. Tumulong si Hannah sa pag-estima ng mga bisita. Agad niyang napansin ang panakaw na tingin ng mga ito sa kanya. Bago ang mukha niya sa paningin ng mga naninirahan sa Maxvilla Masayahin, hindi na siya nagtataka kung bakit gano'n ang reaksyong nakikita sa mga bisita. Ipinakilala siya ni Señora Candida sa mga bisita bilang nobya ng apo nito. At para maging kapani-paniwala ang pekeng relasyon nila, laging nakapulupot sa baywang ni Hannah ang bisig ni Duwayne. Kung minsan ay humahalik pa ito sa ulo ng dalaga. Kung kay Duwayne ay palabas lang ang lahat, kabaliktaran naman iyon sa totoong nararamdaman ng dalaga. Ayaw man aminin sa sarili, pero nakakaramdam siya ng mumunting kilig sa ipinapakitang paglalambing sa kanya ng lalaki. "Magpahinga ka muna sa kuwarto mo," tawag-pansin ni Duwayne sa humihikab na dalaga. Nakaupo ito sa sopa katabi ng isang bisita. Tumayo si Hannah at lumapit sa binata. "Okay lang ba?" namumungay ang matang tanong ni Hannah. "Pasensya na Duwayne, 'di kasi ako sanay magising ng sobrang maaga. Pinipilit ko naman pigilan ang nararamdaman kong antok." Ngumiti ito at pinisil ang tungki ng ilong niya. "Okay lang. Sige, magpahinga ka na. Kailangan mo ng enerhiya para mamayang gabi." "Bakit?" takang tanong niya. "May pasayaw mamayang gabi. Pupunta tayo at kasama natin si Lola." Napatango-tango siya. Nabanggit nga pala iyon sa kanila ng senyora. Nagpaalam na siya kay Duwayne na aakyat muna sa ikalawang palapag. Hindi pa man siya nakalalayo nang magsalita ang binata. "Thank you, Hannah." Tumigil siya sa paghakbang at nilingon ito. Ngumiti siya bilang tugon. Kanina pa siya nakahiga sa kama at nanatiling dilat ang mga mata. Maraming gumugulo sa kanyang isipan. Ang kanyang ina, tiyak na labis itong nag-aalala sa kanya. Sina Froilan at Maricar. Wala siyang alam kung ano ang nangyari sa dalawa pagkatapos ng huling araw na nakaharap ang mga ito. Ngayon ay dumagdag pa sa nagpapagulo sa kanyang isip si Duwayne. Ayaw niyang isiping nahuhulog na ang loob niya sa lalaki, na may espesyal na puwang ito sa puso niya. Deja vu-ito ang nararamdaman ng puso niya ngayon. Iyong feeling na nangyari na before tapos parang naulit ngayon. Sinapo ni Hannah ang dibdib. "I dont like this feeling," umiiling pa ang ulo na bulong niya sa hangin. "It can't be…" Kailangan sawayin ang pasaway niyang puso. Hindi talaga maaaring makaramdam siya ng pagkagusto kay Duwayne, lalo na't ang dating nobya nito ang bagong karelasyon ni Froilan. Ang kakatwang nararamdaman ng kanyang puso ay hindi pag-ibig. Kahit sala sa init at sala sa lamig ang pakikitungo sa kanya ni Duwayne, at sa araw-araw na nakasama niya ang binata, lalong tumitindi ang kagustuhan niyang mas makilala pa ito. Humihikab na tumagilid ng higa si Hannah. Ilang minuto pa ang lumipas, tuluyang nakatulog ang dalaga. Sa kabilang banda… Mas pinili ni Duwayne na magpahinga sa kanyang studio. May single bed siya dito na tinutulugan kapag napagod sa pagguhit. May ngiti sa labi na pinakatitigan ni Duwayne ang mukha ng babae sa larawan ng canvas. Hindi pa tapos ang drawing pero buo na ang mukha nito. Gamit ang hintuturong daliri, idinampi niya 'yon sa labi ng babaeng nasa larawan. "Tingin ko, ako'y nahuhulog na sa 'yo." Kausap ni Duwayne ang larawan. Nilagok niya ang natitirang alak sa hawak na kopita. "Inaamin ko, ayokong magustuhan ka. Pero may kakaiba sa 'yo na hindi ko magawang iwasan. Ikaw ay tulad ng isang magnet. Kahit malayo ka sa akin, pilit akong hinihila para mapalapit sa iyo." Inilapag ni Duwayne sa maliit na mesa ang kopita. Naupo sa gilid ng kama ang binata at sandaling pinakatitigan ang larawan bago nagpasyang mahiga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD