Kabanata 4

1026 Words
“Nasa bahay na raw si Brenda dala ang mga gamit natin,” nakangising balita ni Jianne sa amin. “Tanga talaga ‘tong Brenda na ‘to. Ang uto-uto!” “At pinapakinabangan mo ang pagiging uto-uto niya,” sansala ni Ditas habang patingin-tingin sa mga dumaraan. “My bag weighs a ton. Kawawa naman. Ang liit pa namang tao no’n.” “Brenda is such a sore loser. At ano ba? Wala na ba tayong gagawin? Uuwi na lang ako kung gano’n.” Hinihip ni Samantha bangs niya paitaas. “Aba’t puñeta ka, ha? Atat, atat? Oh, sige!” Jianne stood upright. “Yakapin mo ‘yong mannequin na ‘yon nang dalawang minuto saka mo halikan sa lips. That is your dare, Sam.” Nanlaki ang mga mata ni Samantha. Napatawa kaming lahat. “Gagawin mo ‘kong baliw! Iba na lang, Jianne!” “Ay, ‘di p’wede,” tumatawang kontra ni Ditas. “Kaya nga dare, ‘di ba? ‘Tsaka ‘wag kang mag-alala. Lahat naman tayo magmumukhang baliw.” Makalipas ang limang minutong pakikipagdebate ay wala ring nagawa si Samantha kundi ang sumunod. Ngising-ngisi ako habang nakatingin sa kanya. Ilang beses niya kaming nilingon habang naglalakad siya, nagmamakaawa ang mga mata. Tatawa-tawang sinisenyasan namin siyang dumiretso. Pigil-pigil ang tawa namin nang yakapin niya ang mannequin. Napapatingin sa kanya ang mga dumaraan. May nagtataka, natatawa, at napapakunot-noo. Tumawa na kami nang tuluyan nang halikan niya ang mannequin. Mas naging kuryuso rin ang mga tao sa kung anong mental disorder niya. Halos mangiyak-ngiyak siyang bumalik sa amin nang natapos siya. Malakas na tawa ang sinalubong namin sa kanya. “f**k you, Seraf!” mura niya sa akin nang nakitang naluluha na ako katatawa. “Puñeta ka! Abangan mo ang ipagagawa ko sa’yo mamaya! Tingnan natin kung makakatawa ka pa!” Siya nga pala ang magdi-dare sa akin. Tumikhim ako at pilit na pinaseryoso ang aking mukha. Ngunit kahit ang masamang tingin niya sa akin ay hindi nakapigil sa muling pagtawa ko. Sa mga sumunod na kalokohan ay para na kaming maiiyak lahat sa katatawa. Ditas dared Jianne to lie on the floor where most of the people passed by. She lied on that floor for about three minutes. Ilang beses siyang kamuntikang matapakan. On the other hand, I dared Ditas to go to the food court and dance at the middle. Halos hindi na kami makahinga katatawa habang pinapanood namin siyang sumasayaw nang walang tugtog. Bigay na bigay din siya at kumakagat-labi pa habang gumigiling-giling doon. Karamihan ay natatawa sa kanya habang may ilan namang naiirita. This freaking game would be the death of me! “Oh, sunod ka na!” tatawa-tawang sigaw ni Ditas habang papalapit sa amin. “I looked like a fool there, right?” “You bet!” Nakangising dahan-dahan akong nilingon ni Samantha. Her eyes were teasing as well as her grin. Ngumisi ako pabalik sa kanya. Kahit ano pang ipagawa niya sa akin, gagawin ko. Bring it on! Jianne faked a cough. “Sam.” And she faked a cough again. “Bumawi ka, Sam. Ang daming tawa niyan kanina sa’yo,” sulsol ni Ditas na nakangisi sa akin. Samantha cleared her throat and lifted her chin. “Buy a box of condoms. Tumambay ka sa may escalator. Open one and play it like it’s a balloon. Let everyone see you doing that and the box.” Napanganga sina Ditas at Jianne at mayamaya ay napapalakpak. “Ano? Kaya mo?” kutya sa akin ni Samantha nang bahagya akong natigilan. “Wala ka pala, eh!” I straightened up my body. “Pambili. Bigyan mo ‘kong pambili.” Umismid siya sa akin at padabog na inabot sa akin ang pera. Nakangising kinindatan ko siya bago naglakad papuntang drugstore sa hindi kalayuan. “Kaya mo ‘yan!” sigaw ni Jianne na pumapalakpak pa. “Go, Seraf!” Nakangiting napailing-iling na lang ako. I cooly entered the drugstore. Marami-rami rin ang bumibili at karamihan ay matatanda na. Pumila na ako. Nang may dumugtong sa likuran ko ay nilingon ko iyon. An old man with a serious face looked at me. Ngumiti ako sa kanya nang pagkatamis-tamis bago muling ibinaling ang mga mata sa harapan. I could already imagine his reaction later. “Isang box po ng condoms. Strawberry flavor,” may kalakasan ang boses na sabi ko sa babae nang nasa counter na ako. Napakurap-kurap ang babae. Shock was written all over her face. Ramdam kong napatingin ang lahat sa akin. I even heard someone gasp near me. “Sigurado ka, bata?” the attendee asked in an annoyed tone, emphasizing her last word. I c****d a brow and smirked. “Opo.” Then I heard reactions around me. Violent reactions. “Ke bata-bata pa . . .” “Kabataan nga naman ngayon . . .” “Noong panahon ko . . .” Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis sa tindera. Inismiran niya lamang ako bago siya tumalima. “Ikaw ba at ang nobyo mo ang gagamit niyan?” tanong niya sa akin matapos iabot sa akin ang supot. “Yes,” may kalakasan pa ring sagot ko at ngumiti. “Hindi pa po kasi kami ready magka-baby, eh.” Napanganga ang babae sa tinuran ko. Nagkibit-balikat lamang ako saka siya tinalikuran, na sana hindi ko ginawa. Just like the first time I saw him, his hooded eyes were cold and piercing. He was standing just five meters away from me. Mariin ang pagkakalapat ng kanyang labi habang nakatitig sa akin. My lips parted. Hindi na rin magkamayaw sa pagtambol ang aking puso. Then, I remembered why I was here. In just a split of second, I felt my whole face redden. Nabitiwan ko ang aking hawak. Without futher ado, I ran out of the drugstore. Nang malayo-layo na ang narating, saka ako tumigil. Napapikit ako nang mariin at napahawak sa aking mukha. I sat down in the middle of the hallway as my knees faltered. Profanities exploded in my mouth. Why, of all people, Iñigo was the one standing five meters away from me at the drugstore? I screamed and pulled my hair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD