Chapter 3

2835 Words
Aiah's POV Nakauwi na ako ng bahay, mabuti na lamang at wala pa naman si Tita Bela. Pumapasok kasi 'yun sa trabaho niya. Pero pauwi narin siya. Nagpalit na ako ng damit ko at naligo. Tiningnan ko ang noo ko, at nilagyan ko ng ice para lumiit. Sakit parin huhu. Pagkatapos kong gawin lahat ay dumiretso na ako sa baba upang magluto ng hapunan namin. May nagdoorbell. Si Tita na yata 'yun. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. "Oh, Aiah andito ka na pala." ngiting sabi sa akin ni Tita. Niyakap ko siya at bineso. "Yes po Tita hehe, kauuwi ko lang din po." sagot ko naman. "Ganon ba, kumain kana ba?" tanong niya sa akin. "Hindi pa po, pero magluluto na po ako Tita." sagot ko naman dito. "Oh, tulungan na kita. Pagod ka sa school 'e. Musta pala sa school Ais, maayos naman ba?" tanong niya ulit sa akin. "Oo naman po Tita hehe, okay naman po. Manghihingi nalang po ako ng mga lectures sa mga prof. ko sa nakaraang mga discussion nila." sagot ko. Mahirap na 'pag sinabi kong unang pasok palang bully agad ang ginawa sa akin sa school. Ayoko naman na mag-alala sa akin si Tita at baka palipatin pa ako ng school ulit. Nagpapasalamat na nga akong ipasok niya ako sa magandang University. Mamimili pa ako ng iba, hindi na 'no. Basta makapagtapos ako sa pag-aaral at makapagtrabaho, okay na'yun at makakatulong na ako sa pamilya ko. Kailangan ko lang magsipag at 'wag pansinin ang mga walang magawa sa buhay na guguluhin lang ang nananahimik kong mundo. Kabanas mga lalaking nambubully sa'ken. Next time nga, magsasama na ako ng aso para kapag lumapit sila sa'ken bigla nalang silang kakagatin at may rabies pa. Isang kagatan lang ligwak sila. Pero hindi naman pwede magdala ng aso sa school na'yon. University pa man din. May mga nag-aaral pa naman na mayayaman don. Pero 'wag ka. Sa ibang school na nakita ko. Private school 'yon. May mga aso na may lahi tsitzu ba tawag don. Ayon, pagala-gala sa buong school, andami nila. Tas nagkakalat ba naman ng tae at ihi sa gitna. May naglilinis 'don na mga maintenance sa school, 'pagkalinis nila biglang may ihi ng aso. Kaya no choice nilinisan ulit. Yung aso naman patay-malisya lang na patakbo-takbo. Mga facilitator yata may-ari non o kaya yung president ng school nila. Ganun sana pwede magdala ng aso para maisama ko at matulungan ako sa mga lalaki na nang-aano sa'ken. Pero bawal yata. "Okay Ais, ako'y napagod sa pagtatrabaho. Tara na at makapagluto na tayo." sabi ni tita. Pagkatapos naming magluto ay inihanda na namin ito sa hapag-kainan at kakain na kami. Niluto namin ay sinigang. My favorite hehe. Palaging niluluto sa akin ni lola ko. Favorite naming dalawa 'yan. Namiss ko tuloy agad si lola ko huhu. Habang ngumunguya ako ay biglang napahinto si tita at kunot-noong nakatingin sa'ken. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka at nakatingin siya sa noo ko. Noo? Halaaa "Anak ija, ano'ng nangyari sa noo mo? bakit may bukol 'yan?" kunot-noo niyang tanong. "A-ahh tita, wala po nauntog lang po ito sa bakal, nakayuko po kasi ako 'nun para icheck 'yung bag ko pero 'di kopo napansin na may bakal pala 'don sa school hehe. Ayun po nauntog ako." pagsisinungaling ko sa kaniya. Kinakabahan ako, please maniwala sana siya. "Mag-ingat ka sa susunod ha. Baka makita ng mama at papa mo 'yan, sabihin nagkakabukol kalang pala dito." nag-aalala niyang tanong. "Opo hehe." sagot ko naman. "May mga bagong friends ka naba, first day ng pasok mo 'dun Ais?" tanong niya sa akin habang sumusubo siya ng kanin. "Oo rin po, tinulungan pa nga po ako 'e, natisod po kasi ako kanina. May bato pala 'don sa gitna, 'di ko napansin kaya may sugat din 'yung tuhod ko hehe." sagot ko naman. "Hay, tuhod naman. May bukol kana nga 'e, mag-iingat ka na talaga Ais." sabi naman niya. "Ayun po may tumulong sa'ken, mababait naman po sila tita hehe." pagtatanggi ko. Pero kabaligtaran, masasama ugali nila. Lalo na ng mga gumawa sa'ken nito. Mahirap na baka sabihin na walang mabait 'don at inaaway lang ako. Mag-alala pa bigla si tita. "Mabuti naman at ganon. Sasabihin ko mamaya sa mama mo na may friend kana 'don at tinulungan kapa." sagot naman niya. Okay na'yon, sige sabihin niyo para hindi sila mag-alala sa'ken. Tumango na lamang ako at pinagpatuloy namin ang pagkain. Pagtapos ay niligpit ko na ito. Dumiretso ako sa kwarto ko. Infairnes ang ganda dito parang mayaman ang may-ari. Malaki kasi ang bahay ni tita, mga second floor, may rooftop pa sa taas. Simple lang naman ito, hindi 'yung bongga talaga na tulad sa iba. May kaya talaga si tita, may business kasi siya. Boutique shop. Ang gaganda kaya ng mga gamit na binebenta niya. Fashion 'to si tita 'e. Kaso wala siyang asawa iniwan na siya. Babaero daw kasi. May unang asawa at anak daw. Ayon iniwan na niya. Tigas din ng mukha 'e, pakakasalan si tita may asawa naman pala noon. May anak pa ha. Nagsinungaling kay tita na single. Mayaman 'din 'yung asawa ni tita. CEO ng malaking kumpanya. May isang anak na lalaki daw at namatay ang unang asawa. Basta 'yon. Ayoko nang maki-alam sa buhay ng iba. Kinuwento ko lang hehe. Kaya gustong-gusto ako ni tita para may makasama siya at maturing narin akong anak hehe. I love Tita Bela talaga. Ang bait pa, masipag at maganda. Kamukha niya si mama ko. Malamang ate ni mama si tita Bel HAHAHAHAHA. Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang cellphone. Binuksan ko ito, at chinarge. Nagbukas pa naman kaso basag na, sa LCD na yata ang basag nito. Pero nagagamit at natatouch kopa naman siya. Sayang talaga 'to. Papagawa ko nalang bukas. Gagamitin ko ito para mag search ng magiging topic namin sa research. Nakakahiya namang humiram kay tita ng phone niya. Baka bilihan niya pa ako ng di-oras. Ayoko namang maging pabigat. Pinag-aaral na nga ako papabili pa ng phone. Saka pwede pa naman 'to maayos. Bukas talaga dadalhin ko'to sa ayusan ng cp. Gagastusin ko nalang ang naipon ko dito. Pati 'yung pocket money na binigay nila papa sa'ken bago umalis. 'Pag ubos na ang pera ko, gagawa nalang ako ng paraan o kaya ay maghahanap ng part time job. Mahal pa naman pagawa neto. Saan kaya ako kukuha ng pandagdag. Alam ko na! sisingilin ko nalang 'yung lalaking nagsira neto. Tama tama. Siya ang nagsira kaya siya ang magpapagawa! Patango-tango ako habang nakakunot ang noo. "Hindi ko na lang muna ipapagawa, kukuha muna ako ng pera sa kaniya pampa-ayos nito." sambit ko. Sakalin ko siya 'pag 'di nagbigay. Nilabhan ko ang aking bag na may bubble gum. Nilagyan ko ng ice para tumigas at maalis. Nilabhan ko narin ang medyas kong butas. Tatahiin ko nalang 'to. Pwede pa namang gamitin. Pagtapos ay natulog na ako. Daming ganap ngayong araw. Papasok pa ako nang maaga bukas. 8am to 4pm ang pasok ko. 3 subjects sa morning and 4 subjects sa afternoon. Pagod na pagod ako sana magising nang maaga bukas. Goodnight! Kinabukasan... "Ais! gising na! Anong oras na, may pasok kapa diba?" Sigaw ni tita sa labas. Ano nabang oras na? Ano bang araw ngayon? Inaantok pa ako. Kinakapa ko ang aking cellphone sa tabi ko pero wala akong makapa. Asan na 'yung cellphone ko? At bigla kong naalala na nasira pala ito kahapon! Agad akong napabalikwas ng bangon. Oo nga pala hindi ako nakapag-alarm dahil nasira ito. Paano na! Halaaa. Shete talaga! "Opo tita, sandali lang po." sigaw ko pabalik. "Bilisan mo at 7:30 na. Alam ko at 8am ang pasok mo. Pasensya na at kagigising ko lang din." sabi ni tita. "Opo okay lang po. Mag-aasikaso napo ako." pagmamadali ko. Binilisan ko na ang pagkilos, 30 minutes nalang at magsisimula na ang klase. Naligo na ako sa banyo, may cr dito sa kwarto ko. Nagbihis at hinanda na ang mga gamit. Kumain saglit. Hindi na talaga kaya ng oras at babyahe pa ako. "Ihatid na kita, halika na Ais." sabi ni tita habang nagmamadali ako. "Hindi na po tita, magcocommute nalang po ako. Kaya na po ito. Malapit lang naman po." sagot ko naman sa kaniya. "Sigurado ka, mag-iingat ka ha." "Opo, tita babye po." Alam ko namang may pasok pa si tita sa shop niya. Tumakbo na ako, bilisan mo Aiah. Nakakainis ka nakalimutan mong mag-alarm. Alangan sira cp mo? ako pa sinisi mo. Sumakay nalang ako ng jeep. Maya-maya ay malapit na ang school namin biglang nagtraffic pa. Kung kelang malapit na oh. Bilis-bilisan naman! 7:56am na. Baka tumunog na ang bell. "Dito nalang po manong, baba napo ako. Salamat po." sabi ko sa manong driver at nagbayad na ako. Tatakbuhin ko nalang kesa maghintay ng matagal sa traffic. Konti nalang naman ang tatakbuhin ko. Habang tumatakbo ako ay biglang may mabilis na takbo ng kotse. Kulay itim na kotse. Nagbubusina siya malapit sa'ken kaya medyo tumabi ako. Bumusina siya ulit sa'ken. Anong problema nito nasa tabi na ako. Ang lawak-lawak ng daanan. Anong trip neto? Late na nga pinaiinis pa ang ulo ko. Tumakbo na lamang ako at naiwan ang kotse. Bahala ka jan. At bigla ba namang humarurot ng andar mga 'te! Tamang tama may basang tubig don sa gilid. Natalsikan ako ng mga tubig na may halong putik! Kadiri. Ano ka ba naman! Malas na talagaaa. Late na nga ako lahat-lahat. Walang hiya talaga 'tong taong nasa loob nyan kung sino man siya. Mabangga sana siya! Umaandar siya palayo at nakita ko sa likod ng kotse niya ay may nakalagay na "Az" Kakainis. Kung sino man yang Az nayan. Parang familiar? Nevermind late nako. Natalsikan ako at sa gilid lang ng uniform ko ang natamaan. Kaunti lang naman, buti naman. Pero yung pisngi ko nalagyan, okay lang punasan ko nalang. Nakarating na ako sa room namin at nagsisimula na nga ng 10min ang klase. Sabi na at nalate. "Goodmorning po, Sorry I'm late." nahihiyang sabi ko sa kanilang lahat. Andun narin ang prof. namin. Tinanguan na lamang ako at pinapasok ng prof. namin. Paglapit ko sa upuan ko para umupo. Pagkaupo ko ay biglang nagsipagkalas ang mga kahoy ng upuan ko. Sobrang luwag ng mga pako kaya nasira ito at kumalas ang mga kahoy. Natumba ako sa upuan at napaupo. "Owwww, sakit" "HAHAHAHAHAHAHAHA" "Bagsak. HAHAHAHAHAHA" Sigawan ng mga lalaki. Aray! sobrang sakit sa pwet huhu. Anong nangyari sa upuan na'to bakit biglang kumalas 'to. Maayos naman 'to kahapon ah. Matibay 'to. Kitang-kita nila ako sa pagbagsak ko sa upuan, gitnang-gitna kasi ang upuan ko at banda sa harap pa ako. Ang pwesto kasi ng upuan namin ay may malaking desk sa harap namin at may dalawang upuan. Kaya nakakatabi ko si Sean. Pangalawa sa harap ang upuan namin. Sobrang sakit talaga. Hindi kasi nila inaayos nang maayos mga upuan nila. "Are you okay, Ms. Jivenez?" sabi ng prof. naming babae. "Yes Ma'am. I'm okay." nakayukong sagot ko. Tumayo na lamang ako at pinagpag ang aking palda. Nagkabukol na yata puwet ko. "It's okay, Kumuha kana lang ng upuan sa labas. Mr. Smith tulungan mo si Ms. Jivenez na kumuha ng upuan. Don banda sa stock room." sabi ng guro namin kay Mr. Smith? so si Damien? si kuyang mabait hehe. Tumayo si Damien at sinundan ko ito. Doon kami dadaan sa exit na pintuan. Kaya nakita ko si demonyo. Nakaupo kasi siya banda sa likod kaya nakikita ko ito. Naka-smirk pa 'tong lalaki na'to. Siguro masaya na siya dahil bumagsak ako sa upuan. Nakakainis! Nagtatawanan at nagngingitian pa 'yung mga bata niya. Pare-parehas silang demonyo. Nang makalagpas kami 'dun sa lalaking demon ay bigla itong nagsalita. "Tss, stop acting like an angel." bulong nito. Sino tinutukoy niya? Si Damien ba? baliw ba siya panong 'di ako tutulungan 'e nasira na nga 'yung upuan ng tao. Baliw 'din 'e. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Napahinto naman si Damien pagkasabi non ng demon. Ano bang pangalan 'non? demonyo nalang itawag ko. Kasing ugali naman niya kasi 'yon. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad at narating namin ang stock room. Dulo lang pala ng hallway dito. Stock room nga, andaming mga extrang upuan. Kumuha ng isa si Damien. "Thank you." sabi ko sa kaniya. "Are you hurt?" tanong naman niya sa'ken. "Oo 'e, ang sakit sa pwet. Ikaw ba naman malaglag sa upuan. Ba't kasi kumalas 'yon, okay naman 'yon kahapon 'e. Sinadya ba 'yun sirain para maano ako?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. Nagkibit-balikat lamang siya, hindi niya siguro alam. "Nalate kasi ako, 'di ako nakapag-alarm, alam mo na nasira kasi 'yung phone ko. Yun lang pang-alarm ko kapag pumapasok ako 'e." dagdag kong muli sa kaniya. Nag-uusap kami habang naglalakad papunta sa room. "Oh, I see. sorry for that" sagot naman niya sa'ken. "Naku, 'wag kang magsorry, hindi mo naman kasalanan. Dapat nga 'yung mga mokong na'yun ang magsorry sa'kin. Tinulungan mo pa nga ako. Thank you kahapon ha." nakangiting sabi ko sa kaniya. "You're welcome." ngiti niya rin pabalik. "Yung panyo mo nga pala, nilabhan ko na, sosoli ko nalang sa'yo pag okay na hehe." sabi ko sa kaniya. Nakakahiya. "No, it's okay." "I'm Aiah nga pala." nilapad ko ang aking kanang palad sa kaniya para makipagkilala. "Damien." sagot naman niya pabalik. Hinawakan naman niya ang kamay ko bilang pagkilala din. Ang lambot ng kamay niya. Wag kayong ano ha, nakikipagfriends lamang ako. Mabait naman siya 'e. Di katulad ng mga lalaki sa room. Hawak niya ang upuan ko sa kabilang side ng hand niya kaya nakipagshake hand siya sa kabila niya pang kamay. Nakangiti lang siya sa'ken. Infairnes pogi rin. Nakapasok na kami sa room at okay na ang aking upuan. Katabi ko parin si Sean, nginingitian niya lang ako. Ngiting aso na naman siya. Kinunutan ko nalang siya ng noo. Nagsimula na ang klase at nakinig na kaming lahat. Ilang subject na ang pinasukan namin at binigyan ako ng mga prof. ko ng mga lectures sa mga nakaraang aralin nila. Aaralin ko nalang at magbabasa ako sa library. Nagkaklase ang prof. namin at bigla itong nagtanong sa buong klase. Nagtaas kami ng kamay maliban lamang sa tulog na lalaki sa likod. "Hey, Mr. Easton. Why are you sleeping in my class." nilapitan siya ng prof. namin. Di nalang sana siya pumasok kung matutulog din naman siya. Tumingin siya sa prof. namin at parang tamad na tamad itong umayos ng upo. "Answer my question." galit na sabi ni Ma'am. "Explain the importance of Entrepreneurship?" tanong ni Ma'am dito. "I don't want to answer your f'ckin' question." bastos na sabi nito sa prof. namin. Napakasama talaga ng ugali, bastos pa sa prof. Grabe na talaga 'to. Umiling na lamang ang guro sa kaniya. Bakit hindi siya nirereport sa guidance? Spoiled brat lang dito sa school? "Anyone class, who wants to answer?" nagtanong nalang muli ang aming Ma'am. Bumalik ulit sa pagtulog ang lalaki na'yon. Nagtaas kami ng kamay. "Yes, Mr. Sean Montefalco." Tumayo siya at sumagot. "Entrepreneurship holds significant importance in various aspects of society and the economy. Entrepreneurship is not just a career path for me, it is a calling that allows me to make a positive impact on society, drive innovation, foster economic growth, and create opportunities for individuals in the community." confidence na sagot ni Sean. Wow ha, magaling 'tong batang 'to. "Verygood. Palakpakan natin siya." Nagpalakpakan ang buong klase. Napangiti na lamang ako. Nagtaas pa ulit sila ng kamay sa mga sunod na tanong ng aming prof. Hanggang sa tumunog na ang bell. Break na. Nagutom ako 'dun ah. Niligpit ko ang aking gamit at tumayo. Naalala ko nga pala na ipapabayad ko sa lalaking 'yon ang pagpapagawa ng cp ko. Lumapit ako sa kaniya. Tulog parin ito. Break na't lahat tulog parin? Sinipa ko ng mahina ang upuan niya. "Hoy!" panggigising ko sa kaniya. "Hoy, gising!" inuuga ko siya. "Gising ano ba! bayaran mo ako at ipagagawa ko cp ko! dahil sinira mo'to!" Wala parin? ayaw magising? "What's she doing, is she crazy?" "Hindi ba siya natatakot na kung anong gawin sa kaniya ni Az?" "Ayaw pa naman nyan na ginigising siya." "She's dead." "Tapang, lakas ng loob." Rinig kong pag-uusap nila. Wala akong pake! Basta bayaran niya ang sinira niya! "Ano ba gumising kana! Break na hindi kapa rin gising? Hoy! gising!" sigaw ko sa kaniya at niyuyugyog ko siya. Bigla siyang gumalaw at... "Who the fck are you!" sigaw niya sa'ken. Nagising na siya. Tumayo siya para sana sapakin ako. Akala niya siguro lalaki ako, hinawakan niya ako sa kwelyo ko at napa-angat ako ng konti. Aray, nasasakal ako. Medyo namumungay pa ang mata niya galing sa pagtulog. Medyo tumaas na ang blouse ko. Putragis talaga oh. Lakas ng sigaw niya nabingi ako. Napapikit nalang ako. Biglang nanlaki ang mga mata niya nung makita niya ako at agad niya akong binitawan. Napaubo ako. To be continued... ________________________ Author's Note: Pasensya na ulit sa mga grammar ko hihi. Basahin niyo lang siya para makapag-update ulit ako. Enjoy reading guys.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD