Chapter6

1308 Words
"Sino ako? Baka naman ikaw ang gustong magpakilala dahil ibang pangalan ang sinabi mo noon sa 'kin?" naniningkit ang mga mata niya nang magtanong. Lumakad ito paatras para itago ang kahubdan. Pero kahit naman anong gawin nito ay pinag-iinit nito ang katawan niya. Damn... "L-lumayo ka sa 'kin!" nang akala nito'y lalapit siya sa dalaga. "Kailan ka pa naligo dito nang naghuhubad ng damit?!" "May damit ako, isusuot ko ulit mamaya kapag tapos na ko maligo!" "Hindi ka dapat nagtatanggal ng damit kung gusto mong maligo! You're not a twelve-year old girl anymore!" "Pakialam mo?!" "Masukal ang parteng ito ng lupain ko pero hindi nangangahulugan na walang panganib mula sa ibang mangangahoy. You're inviting rapist and predators, for Pete's sake!" "Kami lang ang tao dito. Ikaw lang naman 'tong naligaw!" "Paano ka nakakasiguro?!" "Sa sungit ba naman ni Mang Estong eh! At wala naman sasakahin dito para puntahan ng mga trabahador." Totong wala nga siyang nakikitang ibang tao bukod sa dalawang babae na 'to. May nakakasalubong man siyang mga kalalakihan ay sa kalsada iyon palabas ng Barrio Manotoc o sa mga bukiring nadadaanan niya. "Hindi ka pa rin dapat makampante!" "Ikaw ang umalis dito dahil ginagambala mo ang pananahimik ko!" Tiningnan nito ang damit na nakasampay sa isang maliit na sanga sa pampang. Dumako rin ang tingin niya doon. "Annalyn pala ha?" nakangisi niyang wika. "Bakit nagsinungaling ka pa sa pangalan mo?" "Anong pakialam mo?!" muli nitong wika. "Ikaw na ang trespassing sa lupain ko, ikaw pa ang nagtataray? E kung ireklamo kaya kita sa barangay niyo nang makita mong hinahanap mo?" Lumakad siya patungo sa kinaroroonan ng damit nito pero kaagad tumakbo ang babae para unahan siya. Lalo tuloy lumantad ang halos hubad na nitong katawan dahil manipis lang ang underwear nitong luma na. Hindi na siya nakipag-unahan dahil natutukso lang siyang lalo na magnasa sa katawan nito. Pero hindi niya pa rin maiwasan ang titigan ito mula ulo hanggang paa. "Bastos! Umalis ka dito sisigaw ako ng rape!" Itinakip nito ang damit sa katawan pero huli na dahil gumana na ang imahinasyon niya. Ni hindi maalis sa isip niya ang umbok nitong pang-upo. Damn, Dylan! Damn! "I didn't even touch you to accuse me of rape!" Kunyari ay nagpakita siya ng inis. "At ikaw ang nasa teritoryo ko. Ilang kahoy na ang nakuha mo dito sa loob ng sampung taon? Alam mo bang kaya kitang ipakulong sa kasong pagnanakaw? Kaya mo bang bayaran ang lahat ng nakuha mo sa ari-arian ko simula nang mabili ko ito sampung taon na ang nakalilipas?" Hindi ito nakasagot. At nakita niya ang takot sa mga mata nito kaya kaagad niyang binawi ang sinabi. "Of course I won't do that. Pero kailangan mong sumunod sa utos ko." "Anong utos? Pwede bang tumalikod ka muna dahil magbibihis ako?" Tumalikod naman siya sandali habang binibilangan si Sarrah ng sampu. Nang humarap siya ay nakapagbihis naman na ito. Pero dahil basa ang katawan ay bumakat na naman ang hubog ng katawan nito sa t-shirt na isinuot. "Sasamahan mo 'kong maglibot sa lupaing ito dahil parang kabisado mo naman. Minsan lang akong sinamahan ni Mr. Graciano bago ko nabili ang propiedad na ito. Hindi ko matandaan kung saan ang hangganan." "Ayoko nga! Mamaya kung anong gawin mo sa 'kin." "At ano sa tingin mo ang gagawin ko sa 'yo?" Muling naningkit ang mga mata niya. "Kung masama akong tao kanina ka pa nakahiga sa buhanginang iyan, miss impostor. At kung totoo ang sinasabi mong walang ibang naliligaw dito, kahit magsisisigaw ka d'yan walang sasaklolo sa 'yo. Now, would you go with me or not?" "Isasama ko si Annalyn." "Hindi pwede. Gusto ko ikaw lang." "Ayoko nga! Bakit gusto mo ako lang? May balak ka ngang masama sa 'kin no?!" Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. Bakit nga ba hindi niya gustong may ibang taong kasama kung magpapasama siya kay Sarrah na libutin ang farm. "Ayaw mo? Kaya mo bang bayaran ang lahat ng ninakaw niyong kahoy dito sa pag-aari ko?" "Hindi naman ikaw ang may-ari ng lupang ito ah!" "You need proof? Itanong mo kay Mang Estong," paghahamon niya. "Ah basta! Hindi ako sasama sa 'yo!" Tumalikod ito kaagad. Bago pa niya mahulaan kung ano ang susunod nitong gagawin ay nakatakbo na ito at nakakubli sa mga punong hindi niya alam na pwedeng daanan. "Saan ka dadaan pauwi sa inyo? I will not let you step on my territory again unless you go with me!" pahabol niyang wika pero hindi na ito sumagot. Tumakbo din siya para habulin ito pero mabilis itong nawala. Ni bakas kung saan ito dumaan ay wala siyang nakita dahil hindi niya kabisado ang masukal na paarteng iyon ng lupain niya. Isang buntunghininga na lang ang pinakawalan niya bago bumalik sa sasakyan. Hindi niya alam kung bakit naroon ang panghihinayang na hindi sila nakapag-usap nang matagal. Pagbalik niya sa bahay ay tinanong niya kung dumaan ba doon si Annalyn. Excited naman ang matanda na magtanong sa kanya. "Ipapaayos mo daw itong farm? Mabuti at hindi mo na ibebenta? Nangamba din kaming mag-asawa kung saan titira kapag naibenta na ulit sa iba ang lupa. Baka hindi na katulad mo ang makabili na nangangailangan ng katiwala." "Huwag ho kayong mag-alala." Ngumiti siya sa matanda. "Wala pa naman ho akong balak ipagbili ito. Babalik daw ho ba sina Annalyn dito kasama ang Itay niya?" "Oo, niyaya mo daw na dito maghapunan? Hindi ko alam kung bakit sila ang napili mong kausapin tungkol sa pagtatanim gayung hindi naman sila eksperto roon. May kakilala akong may-ari ng bukirin dito, Dylan. Magandang doon tayo sa mas may alam humingi ng payo." Hindi naman talaga ang ama ni Annalyn ang pakay niya kung hindi si Sarrah. Pero hindi niya pwedeng sabihin iyon kay Mang Estong. "Sige ho, sa ibang araw iyon naman ang kakausapin ko. Gusto ko lang hong makasalamuha ang ilan nating kapitbahay nang makilala ko naman." "Sina Annalyn ba? Mahilig lang kumuha ng mga kahoy ang mga 'yun pero wala kang makukuhang pakinabang sa kanila. Pinagbabawalan ko nga pero balik nang balik sa kakahuyan." "Okay lang ho, Mang Estong, maliit na bagay lang naman. Huwag niyo ho silang pagbabawalang tumapak sa lupain ko kung silang dalawa lang naman ni Sarrah." "Sigurado ka?" "Oho." "Sige, hindi ko na kagagalitan kapag nakita ko. Noon kasi kay Mr. Graciano'y ayaw na pinapasok ng kung sino-sino ang lupaing ito." "Sige ho, aakyat muna ako sa silid para magpahinga. Tawagin niyo na lang ho ako kapag dumating sina Annalyn." Pagtungo niya sa silid ay bumalik sa balintataw niya ang pagtatagpo nila ni Sarrah kanina sa dagat. Makalipas ang sampung taon ay nahanap niyang muli ang dalaginding na gumambala sa isipan niya noon. Malaki na ang ipinagbago nito kung pisikal na anyo lang ang pag-uusapan. Tumangkad ang babae at naging balingkinitan ang katawan. Pero ang umbok ng dibdib at pang-upo nito ay naghahatid ng kung anong kiliti sa sistema niya. Nasa tamang edad na ito. Hinog na at pwede nang pitasin kumbaga sa bunga ng puno. Pero ang mga mata nito'y katulad pa rin ng dati - a mixture of innocence and seduction. Pero kung noon ay nagagawa niyang ipagkibitbalikat ang mapang-akit nitong mga mata, ngayon ay gusto niyang bumigay sa mga iyon. Kung hindi lang sana siya kasal. Dumating ang alas siyete ng gabi pero walang dumating na Annalyn. Lalong walang Sarrah. Hindi tuloy niya alam kung iniiwas siya ng Diyos sa tukso. Alam siguro nitong sa panahon ngayon ay mabuway na ang kapit niya sa pagsasama nila ni Karla. Kinabukasan ay bumyahe na siya pabalik sa Hacienda Luna. Hindi pa rin mawala sa sistema niya ang anyo ng babae sa dagat pero kahit paano'y nakaiwas na siya sa tukso. Hiling niya'y umuwi na ang asawa niya nang maayos nila ang problema bago mahuli ang lahat. Hindi niya gustong masira ang pagsasama nila dahil sinumpaan niya sa altar ang pagmamahalan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD