Chapter 5

1579 Words
"Akala ko ba dalawang linggo ka dito?" tanong ng Mama niya nang makitang naka-empake ulit ang bag ni Dylan. "Pupuntahan ko lang po 'yung lupang nabili ko sa Aurora, Ma. Hahatiran ko na rin ho ng grocery 'yung mag-asawang katiwala doon." "Ibenta mo na lang kaya ang lupang 'yun? Wala ka naman yatang balak magtayo ng farm sa Aurora dahil ang kompanya mo sa Maynila ang focus mo. Ni hindi mo nga kami nadadalaw dito." "Pag-iisipan ko ho. Pero lumalago din kasi ang ekonomiya sa Aurora ngayon dahil naging tourist spot na rin ang Baler. Titingnan ko ho kung pwede kong i-develop katulad ng Hacienda Luna." "Hanggang kailan ka naman doon? Sinong kasama mo?" "Isang araw lang ho, Ma. Babalik din ako dito kaagad at dito ko tatapusin ang dalawang linggo kong bakasyon." Ang totoo'y gusto lang niyang libangin ang sarili dahil sa frustration niya kay Karla. Baka kapag nag-drive siya nang malayo ay mawala sa isip niya ang inis. Isang linggo pa si Karla sa Paris. Pag-uwi nito ay kukulitin niya na kailangan na nilang magkaroon ng anak. "Mag-iingat ka sa biyahe. Sana'y nagsama ka man lang sa isa sa mga kapatid mo." "Hindi na ho, Ma. Busy ho ang mga 'yun bukod sa may mga anak na hindi maiwan. At isang araw lang naman ho ako doon." Humalik siya sa ina bago binitbit ang duffle bag. "Nasaan ho si Papa?" "Nasa ibaba, kausap si Alejandro at Dominico." "Sige ho, bababa lang ako at magpapaalam kay Papa. Tatawagan ko ho kayo kapag nasa Aurora na 'ko." Kahit ang Papa niya ay hindi sang-ayon sa pagbili niya ng lupa sa Aurora. Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya iyon maibenta-benta kahit pa wala siyang plano kung ano ang gagawin niya sa lupang iyon. At tuwing sasagi sa isip niya ang Aurora ay ang babae sa kakahuyan ang sumasagi sa isip niya kahit pa si Karla ay galing din naman sa Aurora. Sa katunayan ay naimbitahan lang siya ni Mr. Graciano na um-attend sa isang kasal kung saan nakilala niya si Karla. Alas diyes ng umaga nang umalis siya sa Hacienda Luna gamit ang GMC Hummer na gamit niya kapag nasa Zambales siya. Iniiwan niya iyon sa Kuya Lawrence niya kapag nasa Maynila siya. Mas gusto kasi ni Karla ang BMW. Pero ngayon ay mas gusto niyang gamitin ang sasakyang kauna-unahan niyang nabili. Alas kwatro ng hapon siya nakarating sa Barrio Manotoc. Tuwang-tuwa naman sina Mang Estong at asawa nito sa dala niyang grocery. Walang anak ang mag-asawa at ipinagpasalamat niyang kuntento ang dalawang ito na mamuhay sa bahay na ngayon ay pag-aari niya. Hindi rin niya alam kung kanino ipagkakatiwala ang lupain niya kung wala ang dalawang ito. Wala naman siyang kakilala ni isa sa Barrio Manotoc dahil kahit ang biyenan niyang si Belen ay sa bayan naman nakatira. "Ano ba ang dahilan ng biglaan mong pag-uwi, Mr. Silvestre?" tanong ni Mang Estong. "Lilibutin ko lang ho ang farm baka makaisip ako na i-develop na 'to. Matagal na ho kasing hindi napakinabangan, sayang din." "Aba'y oo nga, nanghihinayang din kami. May mga nagtatanong nga ho na buyer dito hindi ko lang nababanggit sa inyo. Gusto niyo ho bang ipagbili itong lupa? Maraming nagkakainteres na mga negosyante na dayo dito sa Aurora." Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Wala nga naman siyang pakinabang sa lupaing ito pero hindi niya magawang bitiwan. "Iikot lang ho ako, Mang Estong. Baka nga maisipan ko nang ibenta sa iba nang mapakinabangan naman nila. Hindi ko rin kasi talaga maasikaso." "Ay sige at magluluto kami ng asawa ko ng hapunan natin kung dito ka matutulog." Bumalik siya sa kotse at binaybay ang papasok sa kakahuyan. Katulad ng dati ay masukal pa rin sa parteng iyon ng lupain kung saan patumbok ang karagatan. Kahit ang dating maliit na kalsada ay halos hindi niya na maaninag dahil wala ng dumadaan doon. Natabunan na ng mga bagong tubong mga damo. Ni hindi niya alam kung tama pa ba ang tinutumbok nya dahil wala na siyang matanaw na bakas ng daan. Inihinto niya ang sasakyan nang makitang may nakatumbang kahoy sa daraanan niya. Siguradong matagal nang nakaharang ang kahoy doon dahil patay na iyon at wala na ang mga sanga. Umupo siya sa malaking punungkahoy at tinanaw ang malawak na lupain na marami pa ring punong nakatanim na karamihan ay hindi niya kilala. "Ang tagal mo naman, Sarrah! Sa inyo ka na kasi maligo wala nga kasing kasama sina Adong sa bahay!" Napalingo siya sa pinanggalingan ng tinig. Mga kawayan kasi ang nakaharang doon at kung ano anong puno kaya hindi niya natatanaw ang kabila niyon. Kung may naliligo sa parteng iyon ng lupain niya ay naroon lang ang dagat. Pero hindi niya matanaw dahil natatakpan iyon ng maraming puno. "Sabi ko kasi sa 'yo isama mo na lang mga kapatid mo eh. E di sana nakaligo din sila." "Ayaw nga nila Itay at baka makalingat ako malunod daw. Napakalikot ni Adong alam mo naman 'yun. Hindi ka pa ba uuwi? Iiwanan na kita dito." "Sige mauna ka na. Gusto ko pang magtampisaw eh. Yung mga kahoy na nakuha ko 'wag mong iuuwi sa inyo ha!" "Anong huwag iuwi?! Sinamahan kitang maligo dito kasi sabi mo bibigyan mo ko ng panggatong?" "Hahaha, nagbibiro lang naman ako. Sige na iuwi mo na 'yan. Mangangahoy na lang ako ulit bago umuwi." "Gagabihin ka na naman. Hahanapin ka sa 'kin ng Itay at Inay mo. Umahon ka na nga kasi d'yan." "Bahala silang maghanap sa 'kin. Gusto naman nila akong pagtrabbahuhin sa Maynila dapat masanay na silang wala ako sa bahay." "Naku, nagdrama na naman si Princess Sarrah. Sige na mauna na 'ko sa 'yo bago pa 'ko maiyak. Kapag nalaman ni Itay na walang kasama ang mga kapatid ko dun masisinturon pa 'ko." Nakarinig siya ng kaluskos hanggang lumabas ang babeng nagsasalita mula sa makakapal na puno. Nagulat ito nang makitang naroon siya. Pagkatapos ay napasimangot. "Annalyn..." Kilalang-kilala niya ang babaeng ito dahil ito ang sumulpot nang ipahanap niya sa mga kapitbahay si Annalyn. At nagkakataon din na tuwing uuwi siya dito ay nakakasalubong niya ito sa daan. "Ikaw na naman?" mataray nitong sagot. "Anong ginagawa mo dito?" "Binibisita ko ang lupain ko. May kasama ka?" Hinihintay niyang sumulpot din ang isa pang babae pero siguro'y nag-e-enjoy pa ito sa pagligo sa dagat. "Ano nga ang ginagawa mo dito?" muli nitong tanong. Tinungo nito ang mga kahoy na nakatambak sa tabi ng nakatumbang puno. Iniyakap ang mga braso doon na para bang aagawin niya. "Bakit mo 'ko tinatanong? This is my property. Dapat ikaw ang nagpapaliwanag kung bakit ka nandito," kaswal niyang sagot. "Si Mang Estong ang may-ari ng lupang ito," pagtatama nito sa kanya na ikinangiti niya. Walang ipinagbago ang babae. Tumanda lang ng ilang taon. Mas lumaki lang ang katawan dahil tumaba. "I am the owner and Mang Estong and his wife are the caretaker. Gusto mong itanong natin kay Mang Estong ngayon? Alam ba nila na nangangahoy kayo dito sa pag-aari ko?" Nawalan ng sasabihin ang babae bago napalingon sa pinanggalingan. Marahil ay gusto nitong tawagin ang naiwang kaibigan na naliligo pa. "May kasama ka?" "Ah... Si... Sarrah... Kaibigan ko." "Akala ko ba ang sabi mo wala kang kasamang nangangahoy dito?" "E kasi... Sabi ni Sarrah huwag ko daw sabihin ang pangalan niya eh..." "Sarrah..." The name suits her, aniya sa isip. Kaya pala hindi matanggap ng isip niya na Annalyn ang pangalan nito noong nagpakilala. "Iwanan mo na at magtutuos kami." "Ha? Pero---" "Pakisabi kay Mang Estong na pinapayagan ko na kayong mangahoy dito. You may go now." "P-pero..." Lumingon itong muli sa pinanggalingan na tila gustong takbuhin ang kaibigan. "Pakisabi na rin kay Mang Estong na iniimbitahan ko kayong sa bahay manghapunan ngayong gabi. Kami lang tatlo sa bahay. Gusto kong makilala ang mga kapitbahay ko na hindi ko nakilala simula nang bilhin ko ang lupa ni Mr. Graciano." "D-dito ka na titira?" "Hmmm... No. Pero ipapaaayos ko na ang farm at kailangan ko ng mga tauhan." "Si Itay ho marunong magtanim 'yun! At pati ang Itay ni Sarrah," excited nitong sabi. Ngumiti siyang muli para makuha lalo ang loob nito. "Then you can bring your father so I csn ask some questions." "Pati ang Itay ni Sarrah?" "Yes. Pero kailangan mo munang puntahan si Mang Estong para sabihin na ihanda tayo ng pagkain." "Totoo ba 'yang sinasabi niyo? Ang sungit ng matandang 'yun sa 'min lalo na kay Sarrah eh. Kaya nga hindi kami nagpapakita pag pupunta kami dito." "Sabihin mong sinabi ni Dylan Silvestre. Tiyak na susunod 'yun kapag sinabi ko ang pangalan ko." Doon pa lang umalis ang babae sa harap niya dala ang mga sanga ng punungkahoy. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka lang siya lumakad at tinungo kung saan lumabas si Annalyn. Naririnig niya na ang tunog ng may nagtatampisaw sa tubig. Hindi lang siya sa malawak na karagatan namangha kung hindi sa diyosang nakasuot lang ng panty at bra. 'Jesus!' Nakatalikod pa ito sa kanya kaya kita niya ang kurba ng katawan nitong tila nililok ng isang sculptor. Maliit ang baywang at maumbok ang pang-upo. Hindi pa ito humaharap ay alam niya nang ito ang babaeng matagal niyang hinanap. Noon at ngayon ay iisa ang epekto ng babaeng ito sa kanya. At nagsinungaling ito sa kanya sa totoo nitong pangalan? Magtutos sila ngayon. Lumakad siya palapit hanggang sa maging aware ito sa presensya niya. Kaaagad itong napalingon at itinakip ang mga kamay sa dibdib. "S-sino ka?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD