Chapter 1: Bahay-aliwan (Part 6)

2763 Words
PAUNAWA: Bilang awtor, pinapaalalahanan ko ang mga mambabasa na may mga sensitibong eksena at paksa rito. Payo ko na ito ay basahin ng mga may edad na sixteen pataas. Napahinto sa paghalik si Sabrina nang mapansin na hindi man kumikilos si Pablo. Pagmulat ay laking pagtataka niya nang makita na nakapikit lang pala ito na tila ba natutulog pa. "Uy!' Tinapik pa niya ito sa balikat upang pansinin siya subalit natali lang ito na walang imik. Hinagkan niya ito muli pero wala pa rin reaksiyon. "Halik lang, natameme ka na! Baka kapag higit pa roon, mahimatay ka na!" Biniro pa niya ito nang niyakap nang mahigpit. Hinaplos-haplos niya ang ulo nito at inawitan pa malapit sa may tainga. "Si Pablo ay isang bato. Si Pablo ay kasinglamig ng yelo--teka, ay!" Natigilan siya sa pagsasalita nang bigla siyang sunggaban sa magkabilaang braso at sapilitang pinahiga. Hinawakan siya nito sa mga kamay na tila ba isa na siyang bihag nito. Pagkabukas ng mga mata ni Pablo ay bahagyang natakot pa siya dahil tila ba nagliwanag pa ang mga iyon sa dilim. Sa kaunting liwanag na nasa silid ay kitang-kita niya ang pag-iiba ng ekspresiyon nito. Kung kanina ay mababanaag ang pag-iingat at malasakit sa mga mata nito, ang titig nito sa kanya ngayon ay higit na mapanukso kaysa sa kanya o ng kahit sino pang mortal. Wala man itong sinasabi na kahit na isang salita ay tila ba inaaya siya nito sa kadiliman na hindi naman niya mahindian. Dahan-dahan na gumalaw ang mga daliri nito sa mga hibla ng mga buhok niya at nilanghap iyon. Pagkatapos ay tinitigan naman siya nito na tila ba nagtatanong kung gusto ba niya talagang makapiling ito ngayong gabi. Parang puppet naman na tumango siya dahil iba na talaga ang epekto ng karisma nito sa kanya. Hinawakan niya ito sa pisngi at muling hinagkan bilang pahiwatig na pumapayag siya sa kung ano man ang mangyayari sa kanila. 'Di nagtagal ay napasinghap na lang siya nang simulan na siyang halikan nito sa leeg at balikat. "P-Pablo?" pagtataka pa niya dahil hindi niya inaasahan na posible itong maging mapangahas. Sadyang halik at paghaplos pa lang ng binata ay nakapagdulot na iyon sa kanya ng kakaibang sensasyon na hindi niya nadama sa kahit sinong lalaki. Kakatwa rin na kahit unti-unti na siyang sinasakop nito ay ramdam pa rin niya ang pag-iingat at respeto nito na tila ba isa pa siyang birhen. Hinagod niya ang katawan nito na tila ba sadyang inukit hindi lang upang maging mandirigma maging upang makaakit ng mga babae. Sa bawat masel at ugat na nakakapa ay mas tumindi ang kanyang pagnanasa. Nang bumaba ang mga palad niya sa may v line nito ay hindi na niya maawat ang sarili. Sinimulan na niyang tanggalin ang pagkakabuhol ng tali ng pajama pants nito dahil sabik na siyang matikman ang p*********i nito na alam niyang sukdulang ligaya ang dulot. Subalit, naantala ang ginagawa niya nang awatin siya ni Pablo. Hinawakan siya nito sa kamay at umiling-iling pa na tila ba dismayado. Iyon pala ay mas tinutukso lang siya nito. Ngumisi ito at nagpatuloy sa pagpapaligaya sa kanya. Dama niya ang kapiraso ng langit nang bumaba na ang paghalik nito sa kanyang dibdib. Doon ay napagtanto siya na tama nga ang hinala: sa likod ng mala-anghel na itsura ay nagkukubli ang mapanganib na nilalang na kayang-kayang magmanipula at magpaluhod ng kahit sinong babaeng nanaisin. At hindi nga siya nagkakamali. Kung wala ngang kontrol sa sarili ang binata ay makapaghahasik ito ng makamundong kasalanan na handang-handang tanggapin naman ni Sabrina. "P-Pablo," habol ang hiningang pagsusumamo niya. "Mahalin mo ako ngayong gabi. Angkinin mo ako nang lubusan..." Tumugon naman ang binata nang sensuwal na dumulas na ang palad nito patungo sa panloob niya. Napahalinghing siya nang madama na unti-unti na nga nitong hinuhubad ang pang-ibaba mula sa baywang niya. Dala ng kabataan na may pagkamapusok pa rin, maging si Pablo ay tuksong-tukso na rin kay Sabrina. Maganda pa naman ang dalaga na biniyayaan ng makorbang katawan kaya 'di nga malayo na pagnasaan ito ng napakaraming mga lalaki. Nang mga oras na iyon ay tila ba kalahati ng kamalayan niya ay hindi na alam kung tama pa ang ginagawa. Ang alam lang ng katawan ay ang pagbigyan ang tawag ng laman. Subalit, natigilan siya nang may makitang kumikinang sa dilim. Natauhan siya at biglang nagliwanag ang isipan nang makita sa mesa ang kuwintas na may kalawit na krusipiyong likha sa pilak. Iyon ay binigay sa kanya ng butihing madre na kumupkop sa kanya noong mga oras na naliligaw na siya ng landas. Tila ba napaalalahanan siya na huwag na muling gagawa ng kasalanan na madadagdag pa sa mga nagawa na niya noon. "Naniniwala ako na mabuti ka talagang tao, Pablo," naalala niyang sinambit ng kinilalang nanay-nanayan na si Sister Mary Joy. "Marahil ay nalilito ka pa kung ano nga na ang misyon mo sa buhay kaya araw-araw kong pinapanalangin na gabayan ka ng Panginoon..." Nagtaka si Sabrina nang biglang bumitiw na siya at umupo sa kama. Yumuko siya at napahawak pa sa ulo dahil sising-sisi siya sa ginawa. Ilang ulit siyang huminga nang malalim upang na kontrolin ang sarili at ibalik ang pagkatao niya na may malasakit at pag-unawa sa kapwa. "Bakit?" Hindi siya umimik pa at inabot ang kumot upang ibalot sa katawan ng dalaga. Marahan niyang inayos pa ito dahil sa paningin niya ay mahalaga at iniingatan dapat ang babaeng kasama. "Ayaw mo ba sa akin?" litong-lito na pag-uusisa nito. "Dahil ba sa isa lang akong put* kaya ayaw mo akong makapiling?" "Pasensiya na," sinambit niya. Inayos niya ang naguluhang buhok ng dalaga at ngumiti. "Kaakit-akit ka--sa katunayan ay napakaganda mo nga kaya patawad kung 'di ko rin napigilang pagnasaan ka kanina. Alam nating dalawa na mali kasi ang ginagawa natin. Hiling ko na sana simula sa gabing ito, sa lalaking tunay mong mamahalin ibibigay ang sarili mo. Nais ko na makapagbagong buhay ka na." "P-Pero wala na akong pag-asa pa! Isa lang akong laruan sa inyong mga lalaki, 'di ba?" "Hindi totoo 'yan," pagtatama niya sa kaibigan. 'Maniwala ka, higit ka pa sa iniisip mo. Kalimutan mo na ang nakaraan mo; tutulungan kitang makapagsimula muli..." Nanatiling walang imik si Sabrina habang pinagmamasdan si Pablo. Nabasa niya sa mga mata nito ang sinseridad na alalayan siya nito upang maiwan na ang magulong buhay. Walang malisyang yumakap na siya sa binata. 'Di nagtagal ay napaluha na siya nang dahil sa galak na malamang may lalaking nagpapahalaga sa kanya. Sinandal niya ang ulo sa dibdib nito kung saan dinig niya ang pagtibok ng pusong may pagpapahalaga para sa mga babaeng katulad niya na ang tingin sa mga sarili ay mga kalapating mababa ang lipad. Kahit sa maikling panahon ay aminadong napamahal na siya rito, lalo na ngayong napatunayan niya na mabuti talaga itong tao. "Kakaiba ka sa lahat," pagpuri niya rito. "Nasanay na kasi ako na binababab*y at pinaglalaruan ng mga lalaki. Mula kamusmusan ay pinagsasamant*lahan na nila ako..." Naging malamlam ang mga mata niya nang sumagi muli sa isipan ang lahat ng masasamang alaala. Tumingala siya upang masulyapan si Pablo na halata sa ekspresyon ang pagkadismaya sa nangyari sa kanya. "Hindi ko naman talaga ginustong maging bayaran, pero mismong si Inay ang nagtulak sa akin dito," paninimula na niyang ilahad ang matagal na niyang kinikimkim na sama ng loob. "Iniwan na kasi kami ng tatay kong Amerikano kaya nag-asawa siya ng iba. Akala ko ay mamahalin din ako ng amain ko bilang tunay na anak. Iyon pala ay sa edad na sampu, pagsasamantalahan niya ako nang paulit-ulit..." Tumulo ang luha sa mga pisngi niya at pinahid niya iyon. Siyam na taon na ang nakalipas pero dala-dala pa rin niya ang trauma sa ginawa ng kinilalang ama. "Nagpatuloy ang pang-aabuso niya kaya sa edad na katorse ay nabuntis ako. Nang ipagtapat ko kay Inay iyon at lahat ng pambabab*y sa akin ng ama-amahan ko, ako pa ang sinisi niya. Dahil sa bata pa ako at nais niyang pagtakpan ang ginawa ng asawa, pinainom nila ako ng pampatulog, dinala ako sa tagong clinic, at pinalagl@g ang anak ko na wala akong kaalam-alam." "Ginawa talaga ng ina mo 'yun?" 'di makapaniwalang pag-uusisa ni Pablo. "Hindi ba dapat ang nanay ang unang puprotekta sa mga anak?" "Oo, nakakagulat malaman na may ganoong klaseng nga nanay, ' di ba? 'Di pa riyan nagtatapos ang pagmamalupit niya sa akin. Akala ko ay maaawa na siya sa akin pero ipinasok pa niya ako iba't ibang bar para may pakinabang naman daw ako. Dahil sa iligal ang pagpapalagl*g ko ay dinudugo ako habang umaawit o sumasayaw. Isang araw, hindi ko na nakayanan ang sakit at pagkawala ng dugo. Nawalan ako ng malay at pagkagising ko, sinabihan ako ng doktor na naimpeksiyon at napinsala ang bahay-bata ko kaya hindi na ako magkakaanak pa. Ang sabi ni Inay, okay na raw na ganoon para wala nang makadisgrasya sa akin na customer. Imbis na tulungan ako, siya pa ang tuluyang nagpahamak sa akin..." Napahagulgol na siya ng iyak dahil iyon ang pinakamadilim na yugto ng buhay niya. Gabi-gabi ay naaalala pa rin niya ang nawalang sanggol at iniisip na kung sakaling nabuhay ito ay kalaro na niya ito at tinuruan nang magbasa. Gagawin sana niya ang lahat upang makapag-aral at makapagtapos ito dahil ayaw niyang matulad ito sa kanya na hanggang Grade Three lamang ang pinag-aralan. Nais naman talaga niyang mabuhay ang anak pero bata lang siya noon at walang kalaban-laban sa ina. "Halos tatlong taon pa na nagtiis ako kay Inay sa pamamag-asang mamahalin niya ako bilang anak. Iyon pala ay ibebenta niya lang ako kay Mama Sweetie. Kaya heto, nakilala niyo na ako bilang ang mapanukso at mal@nding bersiyon na Sabrina. Pero hindi talaga ako iyon. Gusto ko lang ng maayos na buhay--'yun tipong mag-aaral, magtatrabaho sa opisina, mag-aasawa, at magkakaanak. Kinasusuklaman ko ang maging bayaran pero wala lang ako magawa dahil kapit na ako sa patalim." Mahigpit siyang niyakap din ni Pablo bilang akto ng pagdamay. Wala man itong sinasabi ay batid niyang nakatagpo ng kakampi at nauunawaan siya nito. Sa malalakas na brasong nakayapos sa kanya ay ramdam niya na mananatili siyang ligtas sa piling nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang gumaan na ang pakiramdam niya. "Sa palagay mo ba, may pag-asa pa akong magbago?" parang musmos na pagtatanong niya. "Aayos pa kaya ang buhay ko? Makakahanap pa kaya ako ng matinong trabaho?" "Oo naman," mataas ang kumpiyansang tugon naman ni Pablo. "Ikaw pa, e ang husay mong makisama sa nga tao! Siguro ay sumabay ka na rin kay Divina sa paghahanap ng ibang trabaho. Marami diyan, tutulungan ko kayong mag-job hunting nang maayos at ligal. Unti-unti ay kalimutan mo na ang naging buhay mo sa bar. Patawarin mo na ang sarili mo kung may nagawa ka man na 'di kaaya-aya. Patawarin mo na rin ang ina at amain mo, hindi dahil sa ginagawan mo sila ng pabor kundi para sa sarili mo--para sa paghilom mo..." Napakurap-kurap si Sabrina dahil hindi siya makapaniwala na ang nakilalang tinyente ay malalim palang mag-isip at may saysay ang mga sinasabi. "Opo, Father!" humahagikgik na tugon niya. Napatakip din siya ng mukha na tila ba hiyang-hiya dahil ang mabuting tagapayo ay kahalikan kanina lamang at muntikan pa ngang may mangyari sa kanila. "Grabe, nakokonsensiya na ako sa paghalik sa iyo. Nagba-blush na tuloy ako, ay! Patawad po, Padre..." "Bakit mo naman natawag akong 'Father'?" natatawa rin na pakikiusyoso ni Pablo. "Malayong maging pari ako. Naiisip ko pa lang na nasa altar ako, natatakot na akong mapatamaan ng kidlat ni Lord." "Ang bait mo kasi, at ang galing mong mag-advise! Parang kagagaling ko nga lang sa confession room. Hindi mo ba ako paluluhurin at padadasalin?" "Doon ka na nga sa silid mo at baka makita pa tayo ni Divina," naaalibadbarang tugon naman nito kaya napahalakhak na siya sa awkwardness nilang dalawa. Dahil sa panunuplado nito ay mas biniro niya ito. "Tahimik ka pala sa kama ano?" pangangantiyaw pa niya. "Yan ang gusto ko, tahimik pero matinik! Sa iyong haplos at halik, mga mata ko'y tumirïk!" "Ayos 'yan; magka-rhyme pa!" pang-aasar naman ni Pablo. "May hidden talent ka pala sa tula. Itago mo na lang para sa kapayapaan ng buong mundo." "Uy, affected! Tara, ituloy na kaya natin 'yun kanina kasi binitin mo naman ako sa baril mo, tinyente! Mukhang malakas at mabangis pa naman 'yan kapag nagpasabog!" "Tigilan mo na ako, neh?" Tumayo na siya upang buksan ang ilaw at inaya na itong sumunod sa may pintuan. "Bumalik ka na sa silid niyo ni Divina at matulog na." "Hindi kaya sasakit ang puson mo niyan kasi nabitin ka?" "Sabrina!" naniningkit ang nga matang pagsaway na ng binata. "Ang kulit mo!" "Hay naku! Kanina ang hot mo, ngayon cold treatment ka na kaagad! May pagkamasungit ka rin ano?" Pagkabukas ng silid ay tumambad ang nagulantang na si Divina na napadaan lamang upang magbanyo sana. Tila ba umurong ang ihi niya nang makita na walang suot na pang-itaas si Pablo at nakabalot naman ng kumot si Sabrina. Dahil doon ay inakala niya na may namamagitan nga sa dalawa. Lungkot at selos ang magkahalo niyang naramdaman. "Hindi!" hiyaw ng kanyang isipan. "Akala ko, magkaibigan lang sila ni Sabrina. Bakit ganito? Parang malalim na ang relasyon nila! Pero bakit ko naman sila pipigilan samantalang wala ako sa lugar na magselos!" "Walang nangyari sa amin, okay?" kaagad na pagpapaliwanag ni Sabrina na tila ba nabasa ang iniisip niya. "Nag-usap lang kami. At good boy 'yan! Dinaig pa ang mga santo sa pagkabanal kaya huwag mo na kaming pag-isipan ng malisya!" Dire-diretso itong naglakad at bumalik sa kabilang silid. Naiwan na naroon sina Divina at Pablo na parehong hindi alam ang sasabihin. Napalunok siya nang malapot nang makita rin ang tinyente na walang pang-itaas. Sa malapitan at kapag hindi ito nakauniporme ng sundalo ay mas kapansin-pansin ang magandang itsura nito. Tila ba kumikinang pa ang balat nito sa pinaghating liwanag at dilim sa silid nito. Dahil sa na-starstruck siya ay hindi niya napansing napapatagal na ang pagtitig niya rito. Natuhan lang siya nang takpan na ni Pablo ang mga mata niya. "Noong isang araw, hinalikan mo ako," pagbibiro nito. "Ngayon naman ay balak mo yata akong silipan. Mag-behave ka, neh?" "Che!" Mabilis siyang tumalikod at nagtatakbo patungo sa banyo. Doon ay pabulong-bulong na umihi siya. "Akala mo naman ay pagkaguwapo-guwapo! Hmph! Pero guwapo naman nga talaga kasi! Kainis!" Nang makabalik na sa silid ay naabutan niya na nagsusuot na ng damit si Sabrina. Pagkatapos ay tinupi nito ang kumot ni Pablo at itinabi sa may mesa. "Alam ko ang iniisip mo," paninimula na nitong makipagkuwentuhan. "Siguro, hinuhubaran mo na siya gamit ang imagination mo, ano?" "H-Hindi, ha!" mabilis na pagde-deny niya. "Naiinis nga ako kasi medyo mahangin ang dating niya sa akin..." "S*s, kitang-kita ko na halos maglaway ka na sa katawan ni Pablo! Natukso ka rin, ano? Ang sarap sunggaban, 'di ba? Sinubukan ko nga kanina kaya lang nasupalpal ako kaagad." "Hala! May nangyari nga talaga sa inyo!" Nanlaki na ang mga mata ni Divina nang dahil sa pag-amin nito. "Ikaw naman! Bakit kabago-bago natin dito, inaano mo na siya?" "Wala ngang nangyari!" medyo nakukulitan nang pag-uulit ng kaibigan. "Sayang nga. Akala ko ay matitikman ko na ang heaven pero wala, umatras nga, eh! Pero alam mo, nakapa ko naman ang abs niya, hehe! Kahit doon man lang makabawi sa pambabasted niya sa akin!" "N-Nakapa mo?" Napaupo na sa kama si Divina at sabik na nakinig dahil wala siyang kaalam-alam pa sa ganoong karanasan. "A-Anong feeling?" "Hay naku, nakakaloka! Ang firm ng muscles niya! Kung alam mo lang, ang sarap talaga niya! Kagigil!" "Ay!" Napatakip ng bibig si Divina nang dahil sa nadiskubre. Nahiya pa siya na baka mapansin ni Sabrina na pati siya ay naaakit na sa karisma ng tinyente. "Marami pa akong ikukuwento," patawa-tawanag sinambit naman ng kasama. "Pero matulog na nga muna tayo!" Humiga na si Sabrina sa kama at nagkumot. 'Di nagtagal ay nahimbing na ito. Bakas sa mukha niya ang kapayapaan at pag-asang sa pagsapit ng umaga ay hindi na siya bayarang babae. Kahit sa panaginip ay tanaw niya na may maliwanag na siyang kinabukasan. Dahan-dahan na hunakbang si Divina patungo sa kaibigan upang siguruhing tunay na natutulog ito. Nang makumpirma ay kinuha niya ang kumot ni Pablo. Dahan-dahan niyang inilapit ang puting tela sa ilong. Napapikit na lang siya nang masinghot ang nakahuhumaling na samyo ng binata. "Sobrang bango!" kinikilig na naisip niya. Niyakap pa niya ang kumot at nag-imagine pa na kahit sa ganoong paraan ay nahawakan din ang lalaking unti-unting bumibihag na rin sa inosente niyang puso. "Ibang klase ka talaga, Pablo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD