Chapter 1: Bahay-aliwan (Part 5)

3220 Words
Hindi na alam ni Pablo kung paano patatahanin ang dalagang patuloy pa rin sa pag-atungal. Akala kasi nito ay may plano talaga siyang gawin itong bihag kaya kanina pa ito iyak nang iyak. "Halika, ipapakita ko sa iyon ang silid mo," pag-aya na niya upang makapagpahinga sana ito. "Magkahiwalay naman tayo ng kuwarto kaya huwag ka nang mabahala." "Ibalik mo na ako kay Tita Sweetie," humihikbing pakikiusap nito. "Baka kasi nagalit lang siya sa akin kasi nakabasag ako ng mga plato kahapon. Pamangkin naman niya ako kaya siguro hindi naman niya ako matitiis." "Hindi kita puwedeng ibalik doon." "Bakit?" pasinok-sinok na pag-uusisa nito. "Nakita mo naman kung paano ka lang kadaling ibenenta sa akin, 'di ba?" "Ayun na nga! At binili mo naman ako, eh!" Lumakas lalo ang pag-iyak nito dahil akala nga ay sinamantala nga niya ang pagkakataon na bilhin ito. "Katulad ka rin ng iba! Kunwari mabait ka ngayon, pero baka mamaya, anong gawin mo sa akin! Malay ko ba kung paano kayong mag-isip na mga lalaki? May nabasa pa naman ako na sadyang ganyan daw kayo: mapagsamantala! Parang wala kayong mga nanay! Mga walang puso!" Napakamot na ng ulo si Pablo sapagkat hindi na niya maunawaan kung ano ba talaga ang punto ni Divina. Kung minsan ay nahihirapan din siyang unawain ang mga babae na tinutulungan na nga ay minamasama pa. O kaya naman ay iyak lang nang iyak pero wala naman sa direksiyon ang mga pinagsasabi. Nalilito man ay sinikap pa rin niyang intindihin ang dalaga dahil sa pag-aanalisa niya ay baka na-trauma pa ito. "Mas ligtas ka naman siguro sa akin kaysa roon sa sinasabi ng tita mo na pagbebentahan sana sa iyo," matiyagang pagpapaliwanag pa rin niya. Lumapit siya sa sulok kung saan ito nakaupo. Nang akmang tatabihan niya sa sahig ay umatras pa ito na tila ba takot na takot niyang mahawakan. "Divina, makinig ka, neh?" mahinahong pakikipagkasundo na niya upang huminto na ito sa kakaiyak. "Ganito ang plano ko: Dito ka muna sa akin kaysa naman mapahamak ka lalo sa salbahe mong tiyahin. Pagkatapos ng isang linggo ay babalik siya kaya kailangan natin mag-isip ng magandang plano para tigilan ka na niya..." "Anong plano?" Tumingin sa ibaba ang binata habang nag-iisip kung ano ang mas kapani-paniwala na alibi upang huwag nang mabawi pa sa kanya si Divina. Malaki-laki pa naman ang hinihingi nitong pera para sa kalayaan nito. Aminadong hindi kaya ng ipon at suweldo niyang ibigay iyon kaya kailangan nilang mag-isip ng ibang paraan. "Siguro sasabihin ko na lang na nakahanap ka na ng trabaho sa kakilala kong heneral sa Maynila. At babayaran mo na lang siya sa lahat ng nagastos niya sa pagpapalaki niya sa iyo nang paunti-unti." "Hmmm, magandang ideya nga," pagsang-ayon naman ni Divina. "Pero pagkatapos, saan naman ako magtatrabaho? Grade Six lang ang natapos ko at baka mahirapan akong maghanap." "Saka na natin isipin," payo naman ni Pablo. "Maraming job opening diyan at mapapakiusapan naman siguro ang mga iyon. Basta ang mahalaga ngayon ay makaalis ka na sa puder ng tita mo." Nakahinga nang maluwag si Divina nang mapatunayan na mabuti nga ang intensiyon ni Pablo. Disente naman pala itong kausap at mukhang wala ngang balak na masama sa kanya. "Pero okay lang ba na dito muna ako hanggang sa makahanap ako ng trabaho?" "Oo naman. Walang problema." Pinunasan na ni Divina ang basang mga pisngi. Mataimtim na tumitig ito sa kanya na tila ba nangungusap na huwag itong pababayaan. "Tahan na, neh? Huwag ka nang mag-alala; hindi ako katulad ni Judas." "Promise?" paniniguro pa nito. "Oo. Promise!" Napangiti na si Divina nang marinig ang pangako ng tinyente. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay nag-iba na ang tingin niya rito. Kung dati ay malaki ang hinala niya sa pakay nito sa kanya, ngayon ay may tiwala na siyang tutupad ito sa usapan at hindi nga siya pababayaan. "Ikaw talaga, kung makaiyak ka kanina parang luging-lugi ka naman sa akin!" pagbibiro ni Pablo kaya napatawa na siya. "Eh, kasi...ikaw naman kasi mukha kang ewan din!" paninisi pa niya sa binata. "Pagkatapos, pinagsigawan mo pa na nobya mo ako! Paano naman ako hindi mapapr@ning niyon? Lakas mo rin mag-trip, eh!" "Dapat nga matuwa ka pa, 'di ba? Nagka-love life ka bigla!" "Tinyente naman, eh!" "Sige na, ako na ang may kasalanan!" patawa-tawang pag-ako na ni Pablo sa binibintang sa kanya. Tumayo na siya upang kunin ang regalo na hindi lang niya naibigay dahil may naging kaengkuwentro kagabi na mga rebelde. "Maiba lang ako. Birthday mo kahapon, 'di ba?" Muli ay naging malamlam ang mga mata ni Divina nang maalala na sa mismong eighteenth birthday niya ay nagdesisyon ang tita niya na ipahamak siya. Sa isip niya ay mabuti na lang at nakilala na si Pablo dahil kung hindi ay paniguradong ibebenta nga siya nito sa matandang customer sa bar. "Oo," malungkot na tugon niya. Subalit, mapapangiti rin naman siya kaagad nang tumambad sa harapan niya ang isang nakabalot na kahon. "Happy birthday," pagbati nito kaya nagliwanag ang mga mata niya. Sa pagkakaalala niya ay ang yumaong ina lamang ang nagbigay sa kanya ng handog kapag kaarawan kaya laking tuwa niya nang maregaluhan muli. "Para sa akin?" 'di makapaniwalang pagkumpirma pa niya. "Oo. Kagabi ko sana ihahatid kaya lang naging busy ako sa trabaho." Nangingiming inabot niya ang kahon. Pansamantala niyang hinaplos ang wrapping paper niyon na alam niyang maingat na binalot. "Buksan mo na..." Tumango naman siya at dahan-dahan na binuklat ang papel na pambalot. Ayaw niyang mapunit iyon dahil para sa kanya ay mahalaga ang effort ni Pablo at hindi dapat sirain. Napasinghap siya sa tuwa nang makita na dalawang libro pala ang nasa loob ng kahon. Ang isa ay koleksiyon ng iba't ibang mga alamat sa Pilipinas at ang pangalawa naman ay banyagang nobela na isinalin sa Tagalog. "Paano mo nalaman na mahilig akong magbasa?" "Nabanggit sa akin ni Sabrina." "Ang daldal talaga ng babaeng 'yun," pabulong-bulong na sinabi naman niya. Niyakap niya ang mga libro at taos-pusong nagpasalamat. "Thank you, lieutenant!" "Pablo," pagtatama niya. "Pablo na lang ang itawag mo sa akin." May malawak na ngiting tumango naman siya. Sabik na binulatlat niya ang pahina ng mga aklat. "Hulog ng langit ang lalaking ito!" hiyaw ng kanyang isipan. "Baka nga anghel talaga na nagpapanggap na tao lamang!" "Dapat pala mag-celebrate tayo," suhestiyon ni Pablo. "Kaso gabi na kaya bukas na lang. Sa ngayon ay ipaghahanda na lang muna kita ng hapunan. Pero tiyaga-tiyaga muna tayo sa sardinas, neh? Hindi na kasi ako nakabili kanina ng iluluto." "Kahit ano. Ikaw na ang bahala!" Maggigisa na sana siya ng sardinas subalit natigilan siya nang biglang may kumalabog sa labas. Maging si Divina ay kinabahan na sa pag-aakalang binalikan pa sila ng tiyahin at balak pang bawiin siya. "A-Ano 'yun?" pabulong na tanong niya. "Dito ka lang." Sumilip si Pablo sa bintana subalit wala naman siyang nakita na nasa labas ng gate. Nakinig siya sa mahinang mga hakbang na mabilis na papalapit sa may pintuan. Naghanda na siya sa posibleng pag-atake ng 'di kilalang nanghihimasok sa teritoryo niya. "Divina?" mahinang pagtawag ng isang pamilyar na boses. "Pssst! Ako ito, my friend!" Nagtinginan sila ni Divina na tila ba nagtatanong sa isa't isa kung paano sila natunton. Ganoon pa man ay nagdesisyon na silang pagbuksan ito. Pagkabukas pa lang ng pintuan ay nagtatakbo papasok ang 'di inaasahang bisita. Nang makita ang binata ay halos magtatalon ito sa tuwa. "Pablo, my loves!" Yumakap at sumampa si Sabrina sa kanya upang magpabuhat. Napangiwi tuloy siya nang matamaan nito ang sugat na 'di pa lubusang gumagaling. "Sandali! Sandali lang!" pag-awat na niya sa kakayap nito na tila ba gigil na gigil at halos pigain na siya. "Anong ginagawa mo rito?" "Tumakas kasi ako." "Ano?" halos sabay na bulalas nila ni Divina. "Narinig ko kasi na dadalhin si Divina sa iyo kaya sinamantala ko na rin na tumakas; alam ko kasi na matutulungan mo kami!" paglalahad nito. "Sumabit ako roon sa ilalim ng dyip. 'Yun lang ay muntikan na akong mahuli kaya nagtago muna ako roon sa taas ng puno--doon sa kabilang kanto. Kaya heto, ang dungis-dungis ko na! Hahaha! Grabe nga ang kaba ko akala ko matitig0k na ako!" "Sumabit ka sa ilalim ng dyip? Napakadelikado ng ginawa mo!" pinagsabihan pa siya ni Divina pero isinawalang-bahala niya iyon dahil nagtagumpay naman siyang makatakas. "Okay nang sumubok kaysa naman habambuhay akong maging bayaran sa bar! Kapag nagkaganoon ay parang pat@y na rin ako, 'di ba? Gusto ko naman na maranasan ang kalayaan na tinatamasa ng iba!" "Halika," pag-aya na sa kanya ni Pablo na maupo muna. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa nga, eh!" Hinimas nito ang tiyan na kaninang umaga pa ngang walang laman. "Medyo humahapdi na nga ang sikmura ko! May kape ka ba riyan o kahit anong panlaman lang sa bodega ko?" "Sige, maghintay kayo rito at maghahanda lang ako ng makakain." "Aww, ang bait mo talaga!" may ningning sa mga matang pagpuri niya sa kinatutuwaang binata. "Dahil diyan, may libre kang kiss!" Ngumuso pa ito at nag-pretty eyes kaya kaagad na tumalikod naman ang inaakit. Napahagikgik tuloy si Divina nang mapansin na iwas na iwas nga ang binata sa pilyang kaibigan. Malalim na ang gabi at mahimbing na ang tulog ng dalawang bisita sa inuupahang bahay ni Pablo. Dinig pa niya mula sa labas ng silid ang mahina at halos sabay na paghilik ng dalawa na tila ba pagod na pagod sila. Natuwa naman siya dahil batid niya na sa lugar niya ay makakatulog ang mga dalaga na walang kinakatakutan na aabuso sa kanila. "Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko," naisip niya sapagkat malaking abala pa rin ang dalawa kung tutuusin. "Pero kung mapapabuti naman ang kalagayan nila, hindi ko ito pagsisisihan..." Nagtungo na siya sa banyo upang maligo. Sa pagbuhos ng tubig ay dumaloy mula sa katawan ang dugo na nagmula sa mga pinsala kinagabihan. Pagkapa sa tagiliran kung saan pinakamalalim ang sugat ay napansin niyang parang gasgas at lamog na lang iyon. "Mabuti naman at gumaling na kahit paano. 'Yun lang ay hindi dapat ito malaman nina Captain Montero at baka akalain nilang halimaw ako..." Kung ano man ang misteryo sa pagkatao niya ay hindi rin niya lubusang maunawaan. Kung ang iba ay aakalaing mapalad siya dahil may espiritwal na kakayahan, para sa kanya ay malaking responsibilidad iyon na tila ba sumpa pa. Biniyayaan man ng third eye at pambihirang lakas, kadalasan ay nahuhusgahan naman siya ng mga kakilala. Naroon na natatawag pa siyang wala sa katinuan sapagkat hindi sila makapaniwala sa mga sinasabi niya na may ibang mga nilalang na naninirahan din sa lupa. May mga pagkakataon din na nahihirapan siyang kontrolin ang lakas na kung pababayaan ay maaari pa siyang makapanakit nang 'di sinasadya. Maging ang yumaong mga magulang ay hindi rin siya naintidhan. Simula pagkabata ay may nararamdaman na siyang kakatwa, pero sinabihan pa siya na baka imahinasyon lang ang mga iyon at tigilan na ang pagsisinungaling. Hanggang sa nagbinata ay dala-dala niya ang kaisipang walang maniniwala sa kanya at sa malamang, mahuhusgahan o katatakutan pa. May mga pagkakataong hindi na lang niya pinapansin ang mga kaluluwang nanghihingi ng saklolo. Subalit, sa huli't huli ay hindi rin siya makatiis. Katulad nga ng kaluluwang nakita sa bar, may nagsasabi sa kanya na hindi ito talaga masama at kailangan lang nito ng pag-alalay upang makatawid na sa kabilang buhay. "Parang may pinoprotektahan lang siya," pag-aanalisa niya. "Kasi may nagsabi sa akin na may isa pang kaso ng namat@y sa bar. At iyon ay ang unang araw na naroon si Divina. Parang konektado ang dalawang pagkamat*y ng mga lalaki kay Divina." "Pero bukas ko na siya tatanungin." Kinuha na niya ang tuwalya at pinunas sa buhok at katawan. "Pagod na rin ako. Dalawa pa naman ang kailangan kong alagaan kaya kailangan ko ng lakas!" Pagkalabas niya ng banyo ay sumakto na nagkailaw naman sa kalapit na kusina. Sabay pa silang nagulat ng bisita nang magkasalubong pa sa kanto. "Ay!" bulalas ni Sabrina. Sa una ay nanibago siya itsura nito. Dahil doon ay pinakatitigan pa niya ang dalaga na kapag walang makapal na makeup ay napakabata palang tignan. Parang inosenteng teenager lang ito na may biluging mga mata at maliit na mukhang katulad ng sa manika. Napanganga naman si Sabrina nang makita na walang suot na pang-itaas si Pablo at pajama pants lang ang suot. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang nakatagpo ng lalaking parang inukit na marbol. Napakaputi pa naman ng tinyente na parang hindi man nabibilad sa araw. Napalunok siya nang makailang beses sa pangitain ng abs at muscles na maihahalintulad sa inukit na diyos ng mga Griyego. "Batak na batak!" tahimik na pagnanasa niya. "Parang sinaunang estatwa yata ito na hinipan lang ng mga diyos upang magkabuhay!" "Ikaw ba si Sabrina?" pagtatanong na ng binata nang mapansin na napapatagal na ang pagtitig niya. Inayos nito ang tuwalya sa mga balikat upang kahit pano ay matakpan ang katawan. Inangat at binuhol pa nito ang tali ng pajama pants na tila ba nababahalang anumang oras ay baka hilain iyon pababa ng mga babae. "Ano ka ba? Oo naman!" "Ah!" nausal lang nito. "Akala ko kasi, multo..." "Ang ganda ko naman na multo!" Nagkibit naman ng balikat si Pablo at hindi na kumibo pa. Nang mapadaan siya sa gawi ni Sabrina ay tila ba napailalim ito kaagad sa hipnotismo nang malanghap ang pinaghalong natural na amoy niya at ng sabong pampaligo. "Ah...Pablo," pagtawag nito kaya lumingon naman siya. "Ano 'yun?" "N-Nauuhaw kasi ako. Pahingi naman ng tubig." "May pitsel sa mesa at nasa dulo naman ng kusina ang lagayan ng mga baso. Kumuha lang kayo ni Divina riyan." "Salamat." nahihiyang sinambit naman nito habang hinahagod ang mahabang buhok. Napangiti si Sabrina habang pinagmamasdan na papalayo ang lalaking hinahangaan. Kinikilig na lumagok siya ng tubig habang naaalala kung paano siya itrato nang maayos ng binata. Ito lang kasi ang naging maginoo sa kanya at hindi man siya hinusgahan bilang bayaran. "Maka-jackpot lang sana ng isang poging tinyente!" may pilyang ngisi na hiniling niya. "'Di naman siguro masamang humingi ng isang Pablo Sandoval!" "Hay, naku!" Napabuntong-hininga na lang siya. "Parang Adonis at warrior angel naman kasi ang datingan! 'Yun tipong kaakit-akit na, kaya pa akong ipaglaban!" Tila ba binibiro siya ng tadhana dahil habang nangangarap nang gising ay may naligaw pala na ipis sa kusina. Mabilis itong lumipad at dumapo sa palda niya. Gumapang ito paloob kaya nakiliti pa siya. "Ay! Ano ba 'yun?" Pag-angat ng pang-ibaba ay sumilip ang gumagalaw na mga antenna ng kinakatakutang insekto. "Eeekkk!" pagtili niya. Dali-dali siyang nagtatakbo at yumakap kay Pablo. Nang makita na may isa pang gumagapang na ipis sa sahig ay napatalon na siya at nagpabuhat na mala-bridal style. "Bakit?" pagtataka ng binata. "Tanggalin mo!" "Anong tatanggalin ko?" aligagang tanong din niya dahil akala niya ay kung ano na ang masamang elemento ang pumasok kay Sabrina. "'Yun salawal ko--este, yun ipis!" "Ikaw na lang!" Ibinaba na niya ang dalaga dahil ayaw naman niyang masilipan o mahipuan ito. "Ipagpag mo na lang kasi! Ipis lang naman 'yan. Malay mo, baka nakikipagkaibigan lang!" "Pablo naman, eh!" parang bata na pagmamaktol ni Sabrina. Nagpapadyak siya habang pilit na pinapaalis ang insekto. Dahil sa gaspang ng mga paa niyon ay nangilabot na siya. Walang pagdadalawang-isip na hinubad na niya ang palda. Dahil doon ay napapikit naman ang binata nang lumantad ang makinis niyang mga binti. Dinig ni Pablo ang magkakasunod na pagpalo ng kasama sa sahig. 'Di nagtagal ay tumahimik na kaya naisip niya na marahil ay nahuli na ni Sabrina ang insekto. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at tumambad sa harapan niya ang dalaga na nakasuot lang ng napakaikling salawal. Akmang tatalikod na sana siya at iiwanan na ito pero kinagalitan naman siya nito lalo. "Nakakainis ka naman!" nakasimangot na pinagsabihan siya nito. "Akala ko pa naman, gentleman ka. 'Yun pala pababayaan mo lang ako na makibaka sa mga ipis mag-isa!" "Pasensiya na. Ayaw ko naman kasi na hawakan ka sa 'di nararapat." "E kung kinagat ako ng ipis, 'di ba emergency 'yun?" Pinakita pa nito ang binti na namula kaya mabilis na napatingin naman siya sa ibaba na tila ba siya pa ang nahiya para sa dalaga na sanay nang magladlad ng katawan. "Tignan mo nga, nagkaroon ako ng mga pantal! Parang nangangati na nga ako! Masisira pa yata ang mala-porselana kong kutis nang dahil sa iyo!" "Kalma lang. Wala pa naman akong nabalitaan na n@matay sa kagat ng ipis." Tila pa panabong na manok na sumugod si Sabrina sa kanya. Napaatras tuloy siya at 'di namalayan na napasok na pala sila sa silid. Maya't maya ay nanlaki ang mga mata niya nang i-lock pa nito ang pintuan. "Sorry na talaga," pang-aamo na niya upang tigilan na siya ng palaban na bisita. Tinuro pa niya ang pintuan pero tinulak naman siya nito hanggang sa mapaupo na siya sa kama. "Bumalik ka na sa kuwarto niyo. Sige ka, baka magising pa si Divina at magalit sa ingay natin." "'Di magigising 'yun kasi parang mantika matulog 'yun! At dahil sa may kasalanan ka sa akin, kailangang masiguro ko na makakabawi ka ng pabor sa akin bago ako lumabas dito!" "Paano ako makakabawi?" walang kamuwang-muwang na pag-uuusisa naman ni Pablo. "Anong pabor ba ang gusto mo? Gusto mo ba, bilhan kita ng paborito mong pagkain? Damit? O kaya naman ay libro at kolorete? Sabihin mo lang para maibili kita pagsikat mismo ng araw." "Hindi, t@nga!" namumula sa inis na pagtanggi naman ng pinapakiusapan dahil mukhang hindi sila nagkakaintindihan. "May pagkabato ka rin, ano?" "Ha?" "Ikaw ang gusto kong pabor!" Hinatak nito ang tuwalya sa may leeg niya bilang pahiwatig na hindi siya pakakawalan nito. "Lumalapit na nga ang palay sa iyo, ayaw mo pang sunggaban! Lalaki ka ba talaga o ano?" "Eku na buri ini*! pagrereklamo na ng binata dahil kabado na talaga siya. Kung sa mga kriminal at multo ay hindi man siya natitinag, sa mga katulad ni Sabrina ay nais na lang niyang magtago mag-isa sa kuweba. (Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang "Hindi ko na gusto ito!"" sa salitang Kapampangan.) Hinila at hinagis nito palayo ang tuwalyang nakasabit sa mga balikat niya. Lumuhod sa higaan at kumandong pa ito sa harapan niya kaya kinabahan na siya na mala-Intensity Ten na mas kahindik-hindik pa sa pinagsabay-sabay na pagsabog ng mga bomba. Hindi na bago ang ganitong eksena na nalalagay siya sa alanganin sa piling ng mga babae. Kahit anong iwas niya ay tila ba magnet siya na patuloy na humahatak sa mga ito papalapit. Mas nagimbal siya nang hinub@d na nito ang suot na pang-itaas. Dahil sadyang mas matalas ang mga mata niya sa dilim, kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito na kinabaliwan nga ng mga customer nito. Tila ba may kuryenteng dumaloy sa mga ugat niya nang magkadikit pa ang parehong hub*d nilang mga katawan. Kayang-kaya naman niyang itulak ito palayo pero dahil sa napakaganda ni Sabrina at lalaki pa rin na may malakas na pandama ay gumagapang na ang tukso sa laman niya. "Nagdadalawang-isip na akong pumasok at magtago sa seminaryo habambuhay kaya utang na loob, huminto ka--" Bigla-bigla ay hinatak siya nito sa may batok at sapilitang siniil ng halik. Napapikit na lang si Pablo nang mapagtanto na malaking problema pala ang pinapasok niya sa bahay... -ITUTULOY- Author's Note Sa mga readers ni 2LT Sandoval, paramdam naman kayo riyan. Eyyyy! Thank you sa pagdalaw rito. 😃
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD