bc

Claimed by Sir Frederic

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
forbidden
contract marriage
escape while being pregnant
kickass heroine
mafia
single mother
heir/heiress
drama
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Isang gabi lang ang kailangan para tuluyang mabago ang buhay ni Kristela Buenaventura. Para mailigtas ang kanyang maysakit na ina, napilitan siyang pumasok sa Casa de Vina, isang lugar kung saan ang mga babae ay nagiging aliwan ng mga lalaking kayang bumili ng kahit ano. Ngunit sa gabing iyon, isang lalaki ang hindi lamang tumingin sa kanya. Napansin siya ni Frederick Falcon, isang apatnapu’t dalawang taong gulang na Mafia CEO na makapangyarihan, walang awa, at sanay makuha ang anumang gusto niya.

Nang malaman ni Frederick ang kalagayan ng ina ni Kristela, binayaran niya ang gamutan nito. Ngunit may kapalit ang tulong niya. Si Kristela mismo ang hiningi niya. Dapat ay galit siya sa lalaking biglang kumontrol sa kanyang buhay, ngunit sa bawat gabing magkasama sila, lalo niyang nararamdaman ang atraksyong pilit niyang nilalabanan. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang kanyang puso at nahulog siya sa lalaking alam niyang hindi niya dapat mahalin.

Ngunit isang lihim ang tuluyang nagpabago sa lahat. May anak sila.

Dahil sa takot para sa buhay ng kanyang sanggol, tumakas si Kristela at itinago si Abigail sa loob ng anim na taon. Sa loob ng panahong iyon, pinilit niyang kalimutan si Frederick at magsimula ng bagong buhay. Akala niya, tapos na ang lahat at tuluyan na siyang nakalaya.

Ngunit nagkamali siya.

Dahil anim na taon man ang lumipas, hindi kailanman tumigil si Frederick sa paghahanap sa kanya.

At nang muli silang magkita, isang tingin lang mula sa lalaki ang sapat para malaman ni Kristela na hindi nagbago ang damdamin nito.

You ran from me, Kristela.

But you forgot one thing.

I never stopped looking for you.

Ngayon, hindi na lamang puso ni Kristela ang gustong bawiin ni Frederick. Gusto rin niyang makilala ang anak na anim na taon niyang hindi alam na mayroon siya.

Pero ang tanong ay, papayag pa ba si Kristela na muling mahulog sa lalaking minsan nang kumontrol sa kanyang buhay?

O sa pagkakataong ito, siya na ang magpapasuko sa isang Mafia CEO?

chap-preview
Free preview
Kabanata -1
Malamig ang hangin sa maliit na bahay nina Kristela sa sulok ng Tondo, ngunit mas malamig ang pakiramdam ng kababaang-loob tuwing nakikitang nahihirapang huminga ang kanyang inang si Aling Rosa. Sa edad na dalawampu't limang taon, taglay ni Kristela ang kagandahang pambihira matangkad, maputi na tila porselana ang kutis, at may mahabang maitim at kulot-kulot na buhok na umaabot hanggang beywang. Ngunit ang ganda iyon ay nakatago lamang sa ilalim ng lumang lamesa habang nagliligpit ng mga natuyong saging na hindi nabenta ng kanyang ina sa palengke. Nay, inumin niyo na po itong natitirang kalahating tableta malambing na wika ni Kristela habang iniaabot ang baso ng tubig. Anak, paano ang gamot ko bukas? Huling tableta na ito halos paos na tanong ni Aling Rosa habang hinahawakan ang dibdib na sumisikip dahil sa kanyang sakit sa puso. Napabuntong hininga si Kristela katatapos lang ng kanyang tatlong buwang kontrata bilang cashier sa isang department store at wala na siyang natitirang ipon nahihirapan si Kristila makahanap ng stable job dahil hindi siya nakapagkolehiyo hanggang Senior High School lang ang kanyang natapos dahil sa kahirapan, at sa tuwing mag-a-apply siya ng bagong trabaho, palaging bitin ang kita para sa pang-araw-araw na pagkain at sa napakamahal na maintenance ng kanyang ina. Habang nag-iisip siya kung kanino pwedeng lumapit, bumukas ang sirang pintuan ng kanilang kubo. Pumasok si Marisa, ang kapitbahay nilang matagal nang hindi nakikita ngunit kapansin-pansin ang biglang pag-angat ng pamumuhay. Kris! Mabuti at nandito ka, nakangiting bungad ni Marisa, na may makapal na kolorete sa mukha at may hawak na mamahaling bag. Nabalitaan kong tapos na ang kontrata mo sa mall Kris May iaalok ako sa iyo na trabaho malaki ang kita, Kris. Solve agad ang panggamot ng nanay mo. Tumingin si Kristela sa kanyang ina na mahimbing na natutulog sa kanilang papag saka muling humarap kay Marisa. Anong trabaho ba 'yan, Marisa? Alam mo namang kahit ano basta marangal, papatulan ko. Ngumiti nang bahagya si Marisa at lumapit sa kanya. "Dancer" dancer ka sa isang eksklusibong lugar ang Casa de Vina. huwag kang matakot, hindi ito basta-bastang bar. mga mayayaman, at impluwensyal na tao ang customer doon. Sa ganda at alindog mong 'yan, Kris, paldo ka gabi-gabi. Basta galingan mo lang. Natigilan si Kristela. Ang Casa de Vina isang lugar na minsan na niyang narinig ang pangalan. Isa itong kilalang club na pinupuntahan ng mga lalaking naghahanap ng babaeng makakasama at magbibigay sa kanila ng aliw. Sa likod ng matayog na gusali at kumikinang na mga ilaw, maraming babaeng nagtatrabaho roon ang sumasayaw gabi-gabi upang kumita at matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Ngunit sa likod ng karangyaan at makukulay na ilaw, alam ni Kristela na may kapalit ang lahat. Marisa... hindi ko 'yan kaya. Hindi ako marunong sumayaw ng ganyan," pag-aalinlangan niya. May tatlong araw ka pa para mag-isip, Kris, wika ni Marisa sabay lapag ng ilang libong piso sa mesa. Pambili muna ng gamot ni Aling Rosa isipin mo, hanggang kailan mo titiisin na nakikitang nahihirapan ang nanay mo habang nagtitinda ng saging sa palengke Lumipas ang tatlong araw bawat takip-silim ay lalong lumalala ang ubo at pagsikip ng dibdib ni Aling Rosa ang pera ni Marisa ang naipambili ng gamot, ngunit alam ni Kristela na kailangan niya itong bayaran. Sa huli, pumikit si Kristela at huminga nang malalim. Sige, Marisa papasok ako sa trabahong naa yan determinadong sabi ni Kristela nang tawagan niya si Marisa Basta siguraduhin mo lang na ligtas ako sasabay tayo mamayang gabi, Kris,huwag kang mag-alala,magkasama naman tayo. Basta pag nasa ibabaw ka na ng entablado, ibigay mo ang lahat, galingan mo sagot ni Marisa. Ang Casa de Vina prebadong itong nag bibigay aliw sa mga custumer may maraming silid na private para sa pinakamayamang mga lalaki sa lipunan mga pulitiko, negosyante, at mga taong nagpapatakbo ng ng mga illigal ng lungsod. Ang amoy ng mamahaling sigarilyo, mamahaling alak ay humahalo sa malamig na hangin ng VIP lounge. Nakatayo si Kristela sa likod ng entablado, suot ang makintab na pulang tela na hapit na hapit sa kanyang katawan transparent ang ilang bahagi nito nababagay sa kanyang maputi at makinis na balat ang kanyang mahabang kulot na buhok ay nakalugay, sumasayad sa kanyang bewang sa bawat galaw. Ayan na!ang hudyat mo, Kris. lumabas ka na, bulong ni Marisa. Nang pumasok si Kristela sa entablado, tila huminto ang mundo sa loob ng Casa de Vina. Ang ilaw ay nakatutok lamang sa kanya. sa bawat kumpas ng musika, dahan-dahan niyang ginagalaw ang kanyang katawan. walang kaplastikan sa kanyang galaw mabagal at kaakit-akit, ngunit may dalang pagnanasa at pang akit na hindi pa nakikita ng mga customer sa ibang dancer at ang kanyang porselanang balat ay kumikinang sa ilalim ng pulang ilaw. Sa pinakamataas at pinakamadilim na bahagi ng VIP booth, nakaupo ang isang lalaking may hawak na baso ng whisky si Frederick Falcon, 42 taong gulang, ang kilabot at makapangyarihang Mafia boss ng Falcon Holdings sa likod ng kanyang eleganteng suit at matalim na mga mata ay ang isang aura na mapanganib at dominante. Katabi ni Frederick ang kanyang asawa na si Mandy Sebastian, isang kilalang socialite na nakasuot ng mga mamahaling alahas Ngunit hindi ang asawa ang turing ni Frederick Kay Mandy Nakatitig ang kanyang mga mata sa baguhang dancer sa ibaba na sumasayaw. Frederick, nakikinig ka ba? maarteng tanong ni Mandy habang nakahawak sa braso ni Frederick Inip na inip na ako dito gusto ko nang umuwi.hoy!! Frederic tawag ni Mandy hindi kumibo si Frederick si Mandy ay pinakasalan lamang niya dahil sa alyansa ng pamilya at sa katayuan nito sa lipunan. Alam ni Frederick na pera lamang ang habol ng babae sa kanya, ngunit wala siyang pakialam hangga't nananatili itong sunod-sunuran sa kanya. Sa gilid ng VIP table, nakatayo naman si Magnos Carrion, ang supervisor ng JTech Holdings na palagay ang loob sa pamilya Falcon. Habang nakatutok ang tingin ni Frederick sa entablado, lihim na nagkakatitigan sina Mandy at Magnos isang palitan ng salita ang kanilang mga mata Hindi lingid ni Frederick matagal nang nagtatago ang dalawa sa likod niya Sino ang babaeng iyan? cold na tanong ni Frederick sa bouncer na nakatayo sa kanyang tabi, nang hindi inaalis ang tingin kay Kristela. Bago po, Sir Frederick. Kristela ang pangalan, kanina pa lang sya na recruite tugon ng bouncer. Pinagmasdan ni Frederick ang bawat kurba ng katawan ni Kristela may kakaiba sa mga mata ng dalaga hindi katulad ng ibang dancer na nagmamakaawa sa pera, may pride at lalim ang titig ni Kristela habang sumasayaw. Nang matapos ang tugtog, dahan-dahang yumukod si Kristela at mabilis na tumakbo pabalik sa dressing room habang naghihiyawan ang mga lalaki sa paligid. Hinihingal na nakaupo si Kristela sa harap ng salamin sa dressing room. mabilis ang kabog ng kanyang dibdib pumasok si Marisa na may malaking ngiti sa mukha. Sabi ko sayo, Kris! Nilamon mo ang entablado! Heto na agad ang tip mo mula sa mga VIP! inilapag ni Marisa ang isang bundle ng libo-libong piso. Bago pa man makapagsalita si Kristela, bumukas ang pinto ng dressing room. Pumasok ang dalawang lalaking nakasuit na may armas sa gilid ng kanilang baywang. Naalarma si Kristela at mabilis na pinalibutan ang sarili ng kanyang bathrobe. Miss, Kristela, pinapapunta ka ni boss sa Master’s Suite, maikling pahayag ng isa sa mga bodyguard. Anong Master's Suite? sinong boss? naguguluhan tanong ni Kristela Tapos na ang pagsasayaw ko, kinabahan sagot ni Kristela sa mga body guard Si Sir Frederick Falcon ang nagpatawag sayo Miss,namutla ang mukha ni Marisa, Kris, pumunta ka na. si Sir Frederick ang nagpatawag sayo sino sya Marissa siya ang may ari ng Casa de Vina siya ang may-ari ng halos kalahati ng lungsod nato pinakaayaw niya na matanggihan kaya puntahan mo na Kris Walang nagawa si Kristela sumunod siya sa dalawang bodyguard patungo sa pinakataas na palapag ng gusali pagpasok niya sa isang malawak at napakaluxury na silid may nakatayo sa tapat ng glass window ang isang matangkad na lalaki, may hawak na baso ng alak, at nakatitig sa ilaw ng lungsod. isinara ng bodyguard ang pinto mula sa labas sila na lamang dalawa ang natira loob ng master. suite Dahan-dahang humarap si Frederick ang kanyang matalim na titig ay tila tumatagos sa katawan ni Kristela,naramdaman ng dalaga ang matinding kaba at panginginig ng kanyang mga tuhod hindi lamang sa takot, kundi sa isang kakaibang tensyon na nagmumula sa lalaki. Kristela Buenaventura, malamig na bigkas ni Frederick sa kanyang pangalan lumapit ito nang mabagal, ang bawat hakbang nito ay nagpapakita na isang sya dominante at ma kapangyarihan isang simpleng babae mula sa Tondo bagong dancer ng Casa de Vina napilitang sumayaw para sa gamot ng ina may sakit sa puso tama ba Kristela? tanong nito kay Kristila . Nanlaki ang mga mata ni Kristela paano mo nalaman pina background check mo ako? Isang ngiti sumilay sa labi ni Frederick.I make it a point to know everything about the things i want and i want to own you nanlaki ang mga mata ni Kristela at tinuro ang sarili you own me. ano ka sinuswerte at isa pa hindi ako bagay na pwedeng angkinin ng kahit sino galit ngunit matapang na sagot ni Kristela. Biglang hinawakan ni Frederick ang baba ni Kristela nang mahigpit ngunit hindi nasasaktan ang dalaga inilapit niya ang kanyang mukha, sapat para maramdaman ni Kristela ang mainit nitong hininga na may amoy ng mamahaling whisky. Lahat ng bagay sa mundong ito ay may presyo, Kristela ang gamot ng ina mo, ang buhay mo, pati ang ganda mo, bulong ni Frederick sa kanyang tainga Ang kanyang ibabang kamay ay dahan-dahang humawak sa beywang ni Kristela, napaigtad si Kristila sa mga hawak ni Frederick sa kanya ang init ng kanyang palad sa manipis na bathrobe ng dalaga nagtaasan ng mga balahibo ni Kristela. Gusto niyang lumayo, ngunit ang paraan ng paghawak at pagtitig ng lalaki ay tila nagpapatigil sa kanyang kinatatayuan Anong gusto mo sa akin? Sir, mahinang tanong ni Kristela habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa mga mata ni Frederick. "I want you to be mine. Exclusively Walang ibang lalaking ini entertain mo maliban sa akin walang ibang hahawak sayo maliban sa akin utos ni Frederick habang ang kanyang daliri ay dahan-dahang idinampi sa leeg ni Kristela pababa sa kanyang dibdib. At kapalit niyan, ibibigay ko ang pinakamagaling na doktor sa bansa para sa ina mo. Pera, bahay, at seguridad. At kung tatanggihan kita? matapang na hamon ng dalaga kahit kinabahan siya Inilapit pa ni Frederick ang kanyang labi sa tainga ni Kristela at bumulong sa boses na puno ng pagnanasa at pagmamay-ari You won't decline, me Kristela. Because deep down, you know you belong to me now. Ang unang gabi na iyon sa pagtatagpo nila ni Frederick Falcon ang naging simula ng isang madilim, puno ng pagnanasa, at masalimuot na ugnayan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
856.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
392.8K
bc

Not just, the Beta

read
365.9K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook