Kabanata -3

1790 Words
Habang patuloy ang relasyon nina Frederick at Kristela, habang si Mandy ay galit na galit Hindi siya papayag na ang isang dating dancer sa bar ang maging dahilan upang mawalan siya ng puwesto at pakinabang kay Frederick Isang gabi, habang wala si Frederick sa Casa de Vina dahil sa isang emergency meeting ng pamilya kasama ang kanyang anak na si Jacob, pumasok si Mandy sa dressing room ni Kristela. Kasama nito si Magnos at dalawang armadong tauhan mula sa JTech Holdings. Bumukas ang pinto at bumungad si Mandy na may mapang-alipustang ngiti sa mga labi. "Ilang buwan ka ring nagpakasasa sa pera at katawan ng asawa ko, Kristela," malamig na panimula ni Mandy habang dahan-dahang lumalapit. "Pero tapos na ang maliligayang araw mo." Hindi natinag si Kristela tumayo siya mula sa harap ng salamin at idiniretso ang tingin sa dalawa. "Wala akong panahong makipag-usap sa 'yo, Mandy lalo na at kasama mo pa ang kabit mo." Nanlaki ang mga mata ni Magnos sa takot, ngunit mabilis na humakbang si Mandy at sinampal si Kristila pak…. Lumikha iyon ng malakas na tunog at namula ang pisngi ni kristela "Kinalaban mo ang maling tao, dukhang dancer!" galit na asik ni Mandy akalain mo bang mamahalin ka ni Frederick? Isang laruan ka lang sa kanya! At kapag nalaman ng anak naming si Jacob ang ginagawa mo, sisiguraduhin kong basahan ang ituturing niya sayo. Inayos ni Kristela ang kanyang mahabang wavy na buhok, hawak ang namumulang pisngi, ngunit matapang pa ring tumitig kay Mandy. "Gawin mo ang lahat ng gusto mo, Mandy pero pareho nating alam na sa paningin ni Frederick, wala kang ibang halaga bilang asawa kunbaga asawa kalang sa papel "Bastos!" sigaw ni Mandy binalingan niya si Magnos ilabas niyo siya rito dalhin niyo sa abandonadong bodega sa Pier! Siguraduhin niyong hindi na siya makakabalik sa buhay ni Frederick." Mabilis at marahas ang naging pagdukot kay Kristela ikinulong siya sa isang madilim, maalikabok, at maruming bodega sa gilid ng dagat. Nakatali ang kanyang mga kamay sa likod habang nakaupo sa sirang upuan. Habang nakatali, naramdaman ni Kristela ang kakaibang pagkahilo at pagsusuka ilang linggo na niyang nararamdaman ang pananamlay ng katawan, ngunit binalewala niya ito dahil sa dami ng nangyayar sa mga sandaling iyon, isang hinala ang pumasok sa kanyang isip. Buntis ako... bigla sya kinabahan buntis ako sa anak namin ni Frederick. Samantala, nang makabalik si Frederick sa Casa de Vina at malamang wala si Kristela at bakante ang dressing room nito, agad niyang naramdaman na may mali nang suriin ng kanyang bouncer ang CCTV footage, nakita ang pagpasok nina Mandy at Magnos kasama ang mga tauhan nito. Nagdilim ang paningin ni Frederic nakaramdam siya ng matinding galit mananagot ang may kagagawan nito. "Ihanda ang lahat ng tao," malamig ngunit nagbabantang utos ni Frederick sa kanyang head bodyguard. "Kapag may nangyaring masama kay Kristela, sisiguraduhin kong walang matitirang buhay sa pamilya ni Mandy at Magnos." Bago pa man makarating ang mga tao ni Frederick sa bodega, palihim na pumasok si Marisa sa bodega ng matuklasan ang masamang balak ni Mandy dahan dahan syang pumasok sa bodega habang nag-iinuman ang mga tauhan ni Magnos sa labas. "Kris! Kris, gumising ka," pabulong sabi ni Marisa habang mabilis na ginugupit ang tali sa mga kamay ni kristela "Kailangan na nating tumakas! Papatayin ka ni Mandy kapag bumalik siya." "Marisa..." nanginginig na wika ni Kristela habang humahawak sa kanyang tiyan. "Buntis ako... hindi ko pwedeng hayaang makuha ni Frederick ang anak ko hindi pwedeng malaman na may anak kami saksi ako sa mga gawain ni Frederick ayaw ko masangkot ang anak sa panganib at tiyak ako na pagtatangkaan ni Mandy at anak nitong si Jacob "Tutulungan kita, Kris," giit ni Marisa may kakilala ako sa probinsya sa south doon muna kayo ni aling Rosa kris!. Nang makarating si Frederick sa bodega kasama ang kanyang mga armadong tauhan, huli na ang lahat nakahandusay ang ilang tauhan ni Magnos na agad pinatumba ng mga taohan ni Frederick, ngunit wala na doon si Kristela ang tanging naiwan sa sahig ay ang paboritong pulang laso ng dalaga na may patak ng dugo. Dumating din sa lugar sina Mandy at Magnos na agad na pinalibutan ng mga tauhan ni Frederick. Dahan-dahang lumapit si Frederick kay Mandy, ang mga mata nito ay puno galit sinakal niya si Mandy at itinulak sa pader. "Saan mo siya dinala?galit na sigaw ni Frederick na nanginginig si Mandy sa takot "F-Frederick... wala... wala akong alam! Tumakas siya!" nanginginig at umiiyak na sagot ni Mandy habang hawak ang kamay ng asawa. Hindi nahanap ni Frederick si Kristela nang gabing iyon, sa mga sumunod na buwan at taon ginamit ni Frederick ang lahat ng kanyang kapangyarihan, pera, at koneksyon sa buong bansa, ngunit tila naglahong bula si Kristila Lumipas ang anim na taon sa isang tahimik at malayong bayan sa probinsya, nakatayo si Kristela sa tapat ng kanilang maliit na bahay. Kasama niya si Aling Rosa na malakas at magaling na magaling na. At sa kanyang tabi ay isang anim na taong gulang na batang babae si Abigail. Taglay ni Abigail ang matang katulad na katulad ng sa kanyang ama na si Frederick Falcon, ngunit ang ganda, kutis na mapuputi at mahabang wavy na buhok ay kuha sa kanyang mommy Kristela. "Mommy," malambing na tawag ng batang si Abigail habang kumakapit sa palda ni Kristela. "Kailan po natin makikilala si Daddy Pumikit nang mahigpit si Kristela at hinaplos ang buhok ng anak. "Hindi pa ligtas, anak... hindi pa." Ngunit hindi alam ni Kristela na sa mga sandaling iyon, sa loob ng isang mamahaling sasakyan nakaupo si Frederick at tiningnan ang picture na kuha ng kanyang imbestegador na hindi kailanman sumuko sa paghahanap kay Kristela. Anim na taon ang nakalipas ngunit hindi kailanman ang galit sa dibdib ni Frederick Falcon. Sa loob ng mga taong iyon, naging cold at walang awa bilang isang Mafia king ang Casa de Vina ay naging isang private headquarters na lamang ng kanyang mga negosyo, samantalang ang dating silid kung saan niya inangkin si Kristela ay nananatiling nakasara at walang sinumang pinapahintulutang pumasok. Sa loob ng mansyon ng mga Falcon, patuloy ang malamig si Frederick si Mandy ay nananatiling asawa sa papel lamang, habang ang anak nilang si Jacob, na ngayon ay dalawampu't dalawang taong gulang na, ay lumaking mayabang, bully, at galit sa mundo dahil sa kawalan ng pagmamahal sa pamilya. Isang gabi, pumasok si Magnos sa opisina ni Frederick habang hawak ang isang kulay brown na folder. Nanginginig ang mga kamay ni Magnos habang inilalapag ito sa mesa ng ni Frederick "S-Sir Frederick... may nakuha po kaming balita mula sa ating mga tao sa south kaba at halos walang boses na pahayag ni Magnos. "May nakakita po sa isang babaeng kamukhang-kamukha ni Kristela Buenaventura sa isang maliit na bayan sa Laguna." Mabilis na napatingin si Frederick sa folder. Ang malamig nitong mga mata ay kumislap sa pagkarinig sa sinabi ni Magnos. Dahan-dahan niyang binuksan ang folder at doon ay lumabas ang isang lihim na kuha ng camera. Nakatayo si Kristela sa harap ng isang maliit na tindahan. Lalo itong gumanda at naging mature ang anyo. Ang mahabang wavy na buhok nito ay nakalugay pa rin hanggang beywang, Ngunit ang mas nakatawag ng pansin kay Frederick ay ang batang babaeng hawak-hawak ni Kristela sa kamay. Isang anim na taong gulang na bata na may matang katulad na katulad ng sa kanya. Bumigat ang paghinga ni Frederick. Napahawak siya sa gilid ng mesa habang nakatitig sa larawan ng bata. Anak ko... mahinang bulong ni Frederick, Sa maliit na bayan sa Laguna, payak at tahimik ang pamumuhay nina Kristela nqgtatrabaho siya bilang isang mananahi sa isang lokal na patahian habang nagtitinda naman ng mga kakanin si Aling Rosa si Abigail naman ay naging isang napakatalino at napakalambing na bata na paboritong-paborito ng kanyang lola. Isang hapon, habang naglalakad si Kristela pauwi galing sa trabaho, naramdaman niya ang kakaibang katahimikan sa paligid ng kanilang kalsada. Walang masyadong taong naglalakad at ang mga kapitbahay ay tila nagtatago sa loob ng kanilang mga bahay. Nang makalapit siya sa kanilang bakuran, nakita niya ang tatlong itim at mamahaling SUV na nakaparada sa tapat ng kanilang kubo. Mabilis ang kabog ng dibdib ni Kristela ang takot na anim na taon niyang itinago sa kanyang puso ay biglang sumabog. Mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Nay! Abigail! Pagpasok niya sa pinto, napatigil siya nakatayo si Aling Rosa sa gilid habang tinatago ang anak niya, si Abigail, sa likod nito. Sa kanilang maliit na sala, nakaupo sa isang lumang upuang kahoy ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng suit na itim si Frederick Falcon. Sa edad na apatnapu't walong taon, mas lalong naging kaakit-akit ang hitsura ni Frederick ang mga mata nito ay nakatutok sa pinto, naghihintay sa kanyang pagdating. "F-Frederick..." halos walang boses na usal ni Kristela. Dahan-dahang tumayo si Frederick ang bawat hakbang nito patungo sa kanya ay may dalang malamig na aura anim na taon, Kristela, seryosong wika ni Frederick habang humihinto sa harap ng dalaga inangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahang hinawakan ang pisngi ni Kristela, Nagtago ka sa akin nang anim na taon... kasama ang anak ko." Umiwas ng tingin si Kristela at pilit na itinulak ang kamay ni Frederick. "Wala kang anak dito! Umalis ka na sa bahay namin bahagyang natawa si Frederick Lumingon siya sa likod kung saan nakatayo ang anak niyang si Abigail na nakatitig sa kanya gamit ang malalaking mata nito. Lumapit si Frederick sa bata at dahan-dahang lumuhod upang magpantay ang kanilang mukha. Si Aling Rosa ay nanginginig sa takot ngunit hindi makagalaw sa gulat. "Ano ang pangalan mo, bata?" masuyong tanong ni Frederick, isang boses na hindi kailanman narinig ng kanyang mga tauhan "Abigail po..." mahinang sagot ng bata. "Kayo po ba ang Daddy ko? Nanlaki ang mga mata ni Kristela. "Abigail, tahimik… Tumingin si Frederick kay Kristela sabay tayong muli ang matalim nitong titig kay Kristila "Matalino ang anak natin, Kristela at katulad mo... napakaganda rin niya," wika ni Frederick. Lumapit siya muli kay Kristela at inilapit ang kanyang mukha sa tainga ng dalaga upang bumulong. "May dalawa kang pagpipilian ngayong araw sumama kayo sa akin nang kusa pabalik sa Maynila... o gagamitin ko ang buo kong kapangyarihan para kunin ang bata at ipabilanggo ang ina mo sa kasong pagtatago ng tagapagmana ng pamilya Falcon." Nanginig ang buong katawan ni Kristela sa matinding galit at takot. "Napakasama mo, Frederick!" umiiyak na asik ni Kristela. Inilagay ni Frederick ang kanyang braso sa beywang ni Kristela at mahigpit itong kinabig patungo sa kanyang katawan hinagkan niya ang mga labi ng dalaga sa harap ng pamilya nito. "Sabi ko sa'yo anim na taon na ang nakalipas, Kristela... akiin ka at ang anumang nagmumula sa 'yo ay akin din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD