TUWANG-TUWA ang dalawang bata sa ice cream na iniuwi ni Jaco. Alang-alang kina Xena at Yogo ay pinilit ni Agatha ang sarili na maging masaya at pinalis ang mga negatibong pakiramdam. Niligpit niya ang kaunting kalat sa may sala habang kumakain ang mga ito. Hindi dahil nahihiyang ipakita iyon kay Jaco, kundi dahil mayamaya lamang ay parating na ang mga estudyanteng tuturuan niya. “Wala ka pa bang planong umalis?” tanong niya kay Jaco habang inilalapag sa mesita ang mga librong kakailanganin sa pagtuturo. “Itinataboy mo na ba ako?” Sumandal ito sa divider ng sala at kusina. Pakiramdam niya ay mas lumiit ang bahay dahil sa presensiya ng lalaki. Ang tangkad-tangkad ni Jaco. Nahiling niya na sana ay mamana ni Xena ang tangkad ng ama. “Hindi naman sa gano’n. May tatlong estudyante lang akong

