5

2380 Words
PAULINO Ortega, Jr. was still in his office at ten o’clock at night. Pinag-aaralan niya ang isang kompanya na planong ma-acquire. He was planning a hostile takeover. Isa siyang partner sa isang malaking investment bank sa Pilipinas. He was one of the top I-bankers. He was a star. He had helped in buying and selling companies. He could easily attract investors here and abroad. Halos sampung taon na siya sa ginagawa. He loved it. Aminado siya na mahirap kumuha at mag-alaga ng mga kliyente lalo na sa mga panahong hindi maganda ang lagay ng ekonomiya, ngunit nagagawan niya palagi ng paraan. He always kept his clients happy and rich. He liked being an invesment banker mainly because he earned a lot for himself and for his clients. Everyone liked being rich. He also liked the challenge. He was good in prospecting and his clients always listen when he tells them what to do next. Alam niya kung kikita sila kung bibilhin nila ang isang kompanya at ibebenta nang paunti-unti. Madali niyang natutukoy para sa mga kliyente kung ano ang magandang investment at kung ano ang hindi. Minsan, hindi na niya kailangang manligaw ng kliyente dahil kusa nang lumalapit ang mga ito sa kanya. Para siyang pating na kinatatakutan ng mga papalubog na kompanya. He was simply the best at what he does. Pinaghirapan ni Paulino na akyatin ang matayog na lugar na kinalalagyan ngayon. He was so proud of himself. Mula sa hirap ay nagawa niyang akyatin ang tuktok ng tagumpay. Hindi iyon basta iniabot ng tadhana sa kanya, pinaghirapan at pinagtrabahuhan niya iyon nang husto. Kailangan din marahil na pasalamatan niya ang ina na mag-isang nagtaguyod sa kanya mula nang iwanan sila ng kanyang ama. Walong taong gulang siya nang mangyari iyon. Namulat siya sa isang pamilya na hindi naman maituturing na mahirap, ngunit hindi rin maituturing na mayaman. Naaalala niya na maganda ang trabaho ng kanyang ama noon at labis-labis pa sa pangangailangan nila ang kinikita. Nag-aral siya sa private school. Naibibigay sa kanya ang mga gustong laruan at gamit. Malaki at komportable ang tirahan nila. Ngunit nagbago ang lahat sa isang iglap. Isang araw ay hindi umuwi ang kanyang ama sa bahay nila. Labis-labis ang naging pag-aalala ng kanyang ina. Nang magpunta sila sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito ay nalaman nilang isang linggo na mula nang mag-resign ang ama. Isang linggo silang naghanap sa kung saan-saan. Hanggang sa may matanggap silang sulat na nagsasabing huwag na nilang hanapin ang ama dahil maayos naman daw ito. Ipinagtapat ng ama sa sulat na may iniibig itong ibang babae at mas piniling sumama sa babaeng iyon. Patawarin daw sana nila ang ama. Halos dalawang linggo rin na mabaliw-baliw ang kanyang ina sa pighati. She loved his father so much. Ang kanyang ama ang first at last love nito—ang one great love. Hindi inakala ng kanyang ina kahit na sa panaginip man lang na magagawa iyon ng kabiyak. Wala kasing naging indikasyon na umiibig na ang asawa nito sa iba. Ngunit nahimasmasan din ang ina nang matantong napapabayaan na siya. Paulino’s mother had never worked in her life before his father left them. Disiotso anyos ang kanyang ina nang pakasalan ng kanyang ama. Hindi ito nakatuntong ng kolehiyo dahil mas inuna ng mga lolo at lola niyang pag-aralin ang mga nakatatanda nitong kapatid. Hindi na rin nagkaroon ang kanyang ina ng pagkakataong makapag-aral dahil kaagad siyang ipinagbuntis at naging abala na sa pagiging asawa at ina. Nasanay ang kanyang ina na inaabutan lang ng suweldo ng kanyang ama. Nasanay na ang tanging ginagawa ay alagaan siya at pagsilbihan ang asawang taksil pala. Kaya naman labis itong nahirapan nang bigla na lang umalis ang kanyang ama. Kinailangan nilang lumipat sa mas maliit na apartment dahil hindi na nila kayang bayaran ang upa ng malaki at kumportableng bahay. Maraming gabi na nahuhuli niyang umiiyak ang ina dahil sa labis na pag-aalala. Inaalala nito palagi ang pambayad sa upa, sa kuryente at tubig, at sa kanyang tuition. Ngunit gayon pa man, hindi kaagad sumuko ang ina ni Paulino. Ginawa nito ang lahat ng makakaya upang makaraos sila. Naglabandera ang kanyang ina. Nagluluto ito ng mga ulam at merienda at saka inilalako sa mga bahay-bahay. Hanggang tumuntong siya ng kolehiyo ay ganoon ang ginagawa nito. At sa bawat paglipas ng araw na nakikitang nahihirapan ang ina, lalong nag-aalab ang galit at pagkamuhi niya sa kanyang ama. Nang matapos sa pag-aaral, ipinangako niya na ang unang gagawin kapag nagkapera ng malaki ay hahanapin ang ama upang pamukhaan. Nais niyang ipamukha rito na nakatapos siya ng pag-aaral dahil sa pagsusumikap ng kanyang ina at scholarship na pinaghirapan niyang makuha at ma-maintain. Ngunit hindi rin niya natupad ang pangakong iyon. Kinausap kasi siya ng ina. “Huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon ang ama mo. Huwag ka nang magalit sa kanya, anak. Mas pagtuunan mo na lang ng pansin ang magandang bukas na naghihintay sa `yo. Hindi na importante na maipamukha natin sa kanya na nakaya natin kahit na wala siya. Ang importante ngayon ay napatunayan natin iyon sa sarili natin. Nang talikuran niya tayo, pinutol na niya ang lahat ng ugnayan natin sa kanya. Wala na siyang karapatan sa `tin. Maging masaya na lang tayo, ha?” Natanto ni Paulino na tama ang ina. Hindi na nga niya pinag-aksayahan ng panahon ang isang lalaki na nang-iwan sa kanila. They survived without him. Hindi na niya kailangan ng ama. Lalong hindi na kailangan ng kanyang ina ng asawa. Sa kasalukuyan, nagbubuhay-doña na ang kanyang ina sa Tagaytay. He bought her a huge house with a fantastic view. Itinigil muna niya ang pagbabasa ng isang dokumento sa laptop at sumandal sa upuan. Bakit ba niya naiisip ang lahat ng iyon ngayon? Madalang na niyang maalala ang ama. Dahil ba mas nadadalas na ang pangungulit at pag-ungot sa kanya ng ina ng isang apo? Iyon na lang daw ang hinihiling nito sa kanya. Marahas siyang nagpakawala ng buntong-hininga. Kaya ba niya naiisip ang ama ay dahil tinatanong ang sarili kung handa na ba siyang maging ama? Ang sabi ng kanyang ina ay hindi na siya bumabata, panahon na upang magpakasal siya, bumuo ng isang pamilya. She even assured him that he would never be like his father. She raised him to be a better man. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit hindi pa siya lumalagay sa tahimik. Matagal na niyang naipangako sa sarili na hindi siya tutulad sa kanyang ama. Kahit na ano ang mangyari ay hindi niya tatalikuran at iiwan ang kanyang anak. Ang totoo ay handang-handa na siyang bumuo ng pamilya. He was stable enough. He was emotionally and financially stable. May parte sa kanya ang gusto nang magkaroon ng anak. Sa palagay niya ay iyon na lang ang kulang upang makompleto ang kanyang buhay. Ang talagang problema ay ang kanyang nobya. He knew for a fact that Maca was not ready to settle down and have a baby. Halos limang taon na ang relasyon nila at marami siyang mga kakilala na nagugulat kapag nalalamang sila pa rin hanggang sa ngayon. Marami ang nagsasabi—kabilang na ang kanyang ina—na hindi ang katulad ni Maca ang nababagay sa kanya. Noong unang beses silang magkakilala ay iyon din ang tumatakbo sa kanyang isip. Magkaibang-magkaiba kasi silang dalawa ng nobya. Hindi sila bagay. Laking-Amerika si Maca. Ginugol nito ang unang labing-anim na taon ng buhay sa Los Angeles at bata pa lang ay namulat na sa modeling world. Her father was a Russian businessman. Her mother was a half-American and half-Filipina model. Hindi naikasal ang mga magulang nito. Nabuo raw si Maca dahil hindi alam ng ina nito na hindi nagkakaroon ng bisa ang birth control pills kapag sinabayan ng antibiotics. She was an accident and her mother bluntly told her that when she was ten. Umuwi si Maca sa Pilipinas nang pakasalan ng ina nito ang isang business tycoon na nakabase sa Pilipinas. Ngunit walang gaanong amor ang stepfather nito kay Maca kaya sa edad na disisais ay nakabukod na ng tirahan ang nobya. Nagtatrabaho na ito bilang isang modelo. Sampung taon pa lamang ay nagmo-model na ang nobya kaya madali na lang para dito na pasukin ang modeling industry sa Pilipinas. Makapal na ang portfolio nito pagsapit sa edad na disisais. Kaya naman liberal mag-isip si Maca. She was very independent. Natural din ang pagiging prangka. Kaagad na sinasabi ang nasa isip, lalo na kapag alam na nasa katwiran. Kaya madalas na ma-misinterpret ang nobya, arogante at mayabang ang tingin ng ibang tao. “Girls always assumed that because I’m way prettier. Guys think that way because they can’t have me.” Natawa si Paulino sa conclusion ng nobya, ngunit natanto niya na may punto rin si Maca. She was really so beautiful. She was a goddess on earth. Tatlong taon na silang nagsasama sa iisang bubong, ngunit may mga pagkakataon na natutulala pa rin siya sa kagandahan nito. She was even prettier without makeup. Patunay pa ang palagi nitong pagkakaroon ng billboard sa kahabaan ng EDSA. She was one of the most beautiful faces in Asia. She was one of the highest paid models in Asia, too. Hindi maintindihan ng ina ni Paulino kung bakit hindi pa sila nagpapakasal. Hindi kasi komportable ang kanyang magulang sa pagli-live in nila ni Maca. Ayon sa matanda ay masusunog sa impiyerno ang kaluluwa niya dahil sa ginagawa nila. Tatlong taon na siyang kinukulit ng ina na gawin ang tama. Kahit na hindi nito gaanong gusto ang nobya, ayaw rin daw nitong mabuhay siya sa kasalanan. Noon ay tinatawanan lang niya ang bagay na iyon. Ngunit ngayong taon ay napapaisip na siya. Isang gabi ay binanggit niya iyon kay Maca. “It’s just a piece of paper, PJ. We don’t really need it.” Hindi na niya iginiit ang opinyon kahit na nais sana na ipunto na hindi lamang iyon isang kapirasong papel. It was a proof that they belonged together, that they loved each other. Nais na sana niyang lumagay na sila sa tahimik. Gusto niyang magkaroon na sila ng papel. Sa loob ng tatlong taon ay napatunayan nang kaya nilang magsama. Maglilimang taon na ang relasyon nila. They had proven that they were perfect for each other. He wanted to take their relationship to the next level. Minsan ay napag-usapan nila ang pagkakaroon ng anak habang magkayakap sila sa higaan isang gabi. Isang kaibigan kasi ni Maca ang buntis. Isa iyong aksidenteng pagbubuntis. Hindi raw paninindigan ng ama ang bata. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit may mga lalaking hindi mapanindigan ang mga konsekuwensiya ng nagawa. Bakit may mga ama na ganoon na lang talikuran ang mga anak? “I think she’s going to make it. She’s got a maternal bone in her body. She’ll be a great mother.” “Sa palagay ko ay magiging mabuti ka ring ina,” bulong niya. Maca snorted. “Please. There’s no maternal bone in this skinny body, PJ.” “Hindi mo naman malalaman `yon hangga’t hindi ka nagkakaanak.” “I know! Maternal types are the girls who grew up with their domestic mothers. Iyong tipo na araw-araw sa buhay nila ay may nakikita silang example. I don’t have that. I’ve no idea how to take care of a baby. I can’t imagine myself doing all... all those baby stuff. You know, it’s going to cry. You’re going to feed it. It’s going to leak. You’re going to change the diaper. And so on...” “It?” hindi makapaniwalang naiusal niya. “It,” walang anuman nitong pag-uulit. “It,” pag-uulit niya sa nanlulumong tinig. Hindi pa handa ang nobya sa anak. Napansin ni Paulino na nadadalas na ang kanyang pag-iisip ng tungkol sa pagkakaroon ng anak. Handa na ba siyang talaga? May takot pa rin sa kanyang dibdib. Alam niya na hindi biro ang pagiging ama. But he always conquered his fears. Alam din niya na hindi siya maaaring matakot habang-buhay. Gusto niyang maging ama balang-araw. Nais niyang mapatunayan sa sarili na kaya niyang maging isang mabuting ama. Naputol ang pagninilay-nilay ni Paulino nang tumunog ang kanyang cell phone. Napangiti siya nang mabasa ang pangalan ng nobya. “Hey,” nakangiting bati niya. “Are you on your way home?” malambing nitong tanong. Tuluyan na niyang pinatay ang laptop. Maaari namang ipagpabukas ang mga kailangan niyang gawin. “Yes, I’m coming home.” “Hurry.” “Yes, I—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil pinutol na ni Maca ang koneksiyon. Napapailing na ibinulsa na ni Paulino ang cell phone. Inilabas niya ang isang kahita sa drawer at binuksan. Hindi niya alam kung ano ang sumanib sa kanya noong isang linggo at binili iyon sa kabila ng kaalaman na hindi pa handang magpakasal ang nobya. Noong nakaraang linggo ay nagpunta siya sa New York para tulungan ang kanyang kliyente sa isang business acquisition. Pumasok siya sa isang jewelry store upang ibili ng pasalubong ang nobya. Ang plano niya ay ibili lang si Maca ng isang bracelet o kuwintas, hindi isang singsing. He knew she would freak out. Ngunit nang makita niya ang singsing sa display ay nakaramdam siya ng masidhing pangangailangan na bilhin iyon. That ring would look great on Maca’s finger. Binili niya ang singsing at ngayon ay hindi niya alam kung paano iyon ibibigay sa nobya. He could imagine her freaking out already. Pinatay na ni Paulino ang mga ilaw sa opisina at bumaba ng gusali. Tinanguan niya ang panggabing guard habang palabas ng building compound. Hindi niya alam kung bakit pero sandali siyang natigil sa may gate. Bigla kasing sumagi sa kanyang alaala ang isang tagpo mula sa nakaraan. Naalala niya na minsan ay inabangan siya ng isang babae sa may gate. “Shine,” naiusal niya habang nagmamaneho pauwi. Hindi niya alam kung bakit bigla niya itong naalala. They shared one special night. Hindi pa dumarating sa buhay niya noon si Maca. She had been a special girl, but she suddenly vanished. Kumusta na kaya si Sunshine ngayon? Sana ay nasa mabuti itong kalagayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD