PIGIL-PIGIL ni Agatha ang mga luha habang binibihisan si Yogo. Iyon na ang araw na kakailanganin na niyang ibigay ang anak sa ama nito. Napagtanto niya na hindi siya kailan man magiging handa na mawalay sa anak. Ngunit kailangan niyang pakawalan si Yogo. Hindi dahil sa natatakot siyang labanan si Paulino sa korte. Hindi dahil alam niyang matatalo siya kaya hindi na lang lalaban. Pinag-isipan niyang maigi ang naging desisyon. Napagpasyahan ni Agatha na hindi siya magiging makasarili. Kung binigyan niya ng pagkakataon si Jaco, dapat din marahil na bigyan ng patas na pagkakataon si Paulino. Nakatulong ang naging pagbisita ng ina ni Paulino sa kanila para mas maintindihan niya ang dahilan ng masidhing kagustuhan ng binata na makasama ang anak. Ipinaliwanag ng ginang sa kanya kung bakit ganoo

