29

1651 Words

HINDI mapigilan ni Maca ang mapabuntong-hininga habang pasulyap-sulyap kay Yogo na nasa backseat ng sasakyan. Siya ang sumundo sa bata sa eskuwelahan dahil nagkaroon ng emergency meeting si Paulino. Mukhang aabutin ng gabi ang meeting kaya pinakiusapan siya ng nobyo na isama ang bata sa kanyang appointment. Tatlong linggo na sa kanila ang bata. Sa unang linggo ay labis silang nahirapan ni Paulino. Inasahan na nila iyon dahil mag-a-adjust ang bata sa bagong kapaligiran, ngunit hindi niya inasahan ang pag-accumulate ng frustration sa loob niya. Hindi sanay si Yogo na hindi katabi ang kapatid, kaya sa unang tatlong gabi ay panay ang iyak ng bata sa gabi. Sa ikaapat na gabi, sinamahan na ni Paulino ang bata sa kuwarto nito. Hindi na niya nakatabi ang nobyo sa higaan mula noon. Naiirita at na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD