PAGGISING ni Agatha ay nadatnan niya na nasa kusina na si Jaco. Maayos na nakaligpit ang mga pinaghigaan nito sa sala. Hindi siya kaagad napansin ng binata dahil nakatuon ang buong atensiyon sa cookbook. May nakalatag na bukas na notebook sa dining table at abala ang isang kamay nito sa pagsusulat, seryosong-seryoso ang mukha. Daig pa ni Jaco ang estudyanteng puspusan ang pag-aaral para sa exam. Nakasalang na ang kalderong madalas niyang pagsaingan ng kanin. Ilang sandali munang pinanood ni Agatha ang binata. Ramdam niya ang paglobo ng dibdib. Napakasarap sa pakiramdam na magising na kaagad nasisilayan ang guwapong mukha ni Jaco. Kagabi ay napakahimbing ng tulog niya. Dahil marahil nakakaramdam siya ng seguridad. Nasa labas lang si Jaco at hindi sila nito pababayaan. Pagkatapos ng mahaba

