“IT WAS the friggin’ vice president! Of the Philippines!” Natatawang pinagmasdan ni Agatha ang mukha ni Jaco. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nitong nabanggit ang bagay na iyon, ngunit hinayaan na lang niya. Maaaring ulit-ulitin iyon ng binata hanggang sa gusto nito. Natutuwa siyang makita ang mukha nitong punong-puno ng kasiyahan at accomplishment. Parang bata si Jaco na nakuha ang minimithing laruan. Parang estudyante na naging valedictorian. Proud na proud sa sarili. Pagdating ni Jaco kaninang madaling-araw ay agad siyang niyakap nang mahigpit na ikinabigla at ikinasiya niya. Kaagad nitong ikinuwento ang nangyari sa restaurant. Paggising ng dalawang bata ay inulit ng binata ang pagkukuwento. Habang nag-aalmusal ay nagkuwento na naman si Jaco. Ngayong naglalakad na sila papu

