Hindi nagtagal ay nakalabas na din si Luhan sa hospital pero nasa bahay lang ito dahil hindi muna ito pinagalaw masyado ng Doctor lalo na't medyo kumikirot pa ang likod nito. Habang si Mafial naman ay balik sa trabaho. Napatingin siya sa isang babae na tumigil sa mesa niya. Hindi ito isa sa mga empleyado ni Luhan kaya nagtataka siya kung sino ito. "Yes? May I help you?" tanong niya ng mapansin niya na nakatingin lang ito sa opisina ni Luhan. Napatingin ito sa kanya. "Hanggang ngayon ba ay hindi pa din pumapasok si Luhan?" Halos magdikit na ang mga kilay niya. "Hindi pa. Bakit? May kailangan ka ba sa kanya? I can call him." Umiling ito. "Hindi na. Hihintayin ko na lang na makabalik siya. Gusto ko din kasi na makausap siya ng personal." "Ohh... May I at least know your name? Para naman

