DALAWANG oras na ang brownout kaya napagpasyahan nina Pippa at Ike na sa labas muna tumambay. Nagtungo sila sa papag na paboritong pahingahan ni Ike. Mula roon ay tanaw na tanaw ang bilog na buwan. Ipinuwesto ni Pippa ang sarili sa pagitan ng mga hita ni Ike at hinayaang mapaloob sa mga bisig nito. Naipikit niya ang mga mata habang isinasandal ang sarili sa maskuladong dibdib ng binata. Masyadong maganda raw ang gabi upang hindi sila lumabas, ayon kay Ike. Bilog na bilog ang buwan, maliwanag na maliwanag. Hindi nila alam kung maibabalik pa ang kuryente sa gabing iyon, ngunit hindi nila gaanong alintana. Presko naman kahit na walang aircon at electric fan. “Okay ka na?” pabulong na tanong ni Ike habang yakap-yakap siya. “Hindi pa.” Sinubukan siyang lambing-lambingin ng binata habang nagh

