19

2553 Words

NAKAKAIN na sina Pippa at Sheryl ng almusal nang magising si Ike. Kaagad na napangiti si Pippa nang makita ang binata. Hindi niya makalimutan kung gaano ito ka-adorable kagabi. Kasama ni Pippa si Jerry, ang anak ni Sheryl. Kasalukuyan nang namamalantsa ang ina ng bata. Bahagya pa siyang nagulat nang hayaan ni Sheryl na kargahin niya ang bata. Gustong-gusto si Pippa ni Jerry. Ayaw nitong lumubay sa kanya. Aliw na aliw si Pippa dahil panay ang ngiti at hagikgik ng bata. Masigla si Jerry at kahit na maingat ang pagpapakain dito dahil sa cleft palate ay naging magana ang kain nito sa almusal. “Hello there,” nakangiting bati sa kanila ni Ike. Pinisil ng binata ang pisngi ni Jerry na kaagad itong ginawaran ng matamis na ngiti. “How’re you feeling?” tanong ni Pippa. Napangiwi si Ike. “Mild han

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD