Chapter 1
CHAPTER 1
Halos patapos na siya sa pag-eempake ng mga gamit niya nang marinig ni Catherine na nag-iingay ang doorbell sa baba na connected hanggang second floor. Sigurado siyang si Eidre na 'yong nasa labas kaya mabilis siyang tumayo. Ngayon kasi darating ang best friend niyang piloto na nakabase sa London. After two years, ngayon lang ulit nito naisipang umuwi. Patakbo siyang bumaba; wala siyang pakialam kung lamang lang ng konti sa basahan ang suot niya ngayon. Isang lumang oversized white t-shirt at shorts na hindi na makita dahil sa laki ng pantaas niya.
Sinugod niya ang lalaki nang mahigpit na yakap. Inamoy-amoy niya pa ang leeg nito. Sobrang na miss niya lang talaga ang bestfriend niya. hindi na niya pinansin na mukhang nagbago ng gamit na pabango ang matalik na kaibigan. Kinakapatid rin niya ang lalaki dahil inaanak siya ng mommy nito.
"My God, Eidre! Please wake me up! Hindi talaga ako makapaniwala na nandito ka na. Grabe ka natiis mo akong hindi makita nang ganoon katagal." Hindi manlang natinag sa pagkakatayo ang lalaki. Nanibago siya sa inasta ng kaibigan niya, dati-rati kasi ay mas nauuna pa itong sumalubong ng yakap sa kanya. Walanghiya ako lang yata ang excited sa pag-uwi ng kumag na 'to. Himutok ng dalaga.
Bumitaw lang siya nang maramdaman ang malakas na vibration ng telepono niyang nakasuksok sa bulsa. Mabilis niyang sinagot iyon.
"Sorry, Cath, I'll be late. Konting problema lang. Wait for me." Mabilis na inilayo niya ang telepono sa tenga saka pinakatitigan ang lalaking nasa harapan niya.
Si Nathaniel Eidre ang tumawag. Eh, di sino pala ang lalaking ito? Sa height niyang 5'6 ay nahirapan siyang makipag-eye to eye contact sa lalaki dahil sa tangkad nito.
"Sino ka?" halos magkanda-utal na tanong niya sa lalaki. Kung bakit naman kasi nakalimutan niyang buksan ang ilaw. Paano na lang kung masamang-loob ang napagbuksan niya? Eh, 'di todas na sana siya.
"Sino ka rin ba? Bahay ito ng pinsan ko kaya ako dapat ang nagtatanong sa 'yo kung sino ka-" mapang-asar na buwelta ng lalaki.
"Teka lang ha, para kasing may mali eh. Sino bang pinsan ang sinasabi mo, ha? Five years na kasi akong nakatira sa bahay na 'to at wala namang ibang tumira dito bukod sa akin."
"Wait." nakita ni Catherine na may dinukot ang lalaki sa bulsa nito at itinapat iyong sa bahaging nasisinagan ng ilaw na nanggagaling sa pinakamalapit na lamp post.
"What's the number of your house, miss?"
"Sixty Seven."
"Oh, my mistake!" Nagkamot ito ng ulo. Mukhang na-realize ng lalaki na maling gate ang pinasukan nito.
"So, you are Lara's cousin?" panghuhula niya. Nai-kuwento kasi ng kaibigan na may pinsan itong paparating ngayong buwan.
"You know her?"
"Malamang! Babanggitin ko ba ang pangalan niya kung hindi?"
"Katabi lang ng gate ko ang gate ng pinsan mo!" sabi na lang ng dalaga.
"Puwede bang humingi ng maliit na pabor sa 'yo?"
"Sabihin mo na at may gagawin pa ako."
"Puwede mo ba ako samahan sa bahay ni Lara?"
Ginawa pa akong taga-hatid. Bulong niya.
"Are you saying something?"
"Wala ah!" todo tanggi niya.
"Hindi ka puwede tumanggi, kasi may utang ka pa sa akin." Hindi alam ni Cath kung seryoso ang lalaki o pinagti-tripan lang siya.
"Hindi nga kita kilala paanong magkautang ako sa 'yo?"
"You hugged me without my permission, remember? Kaya kailangan mong bayaran iyon!" seryoso na ang mukha ng gago! And he ended up winking at her. Sarap teargas-in ng mata ng animal! Sa loob-loob ng dalaga.
"Oh, I forgot to introduce myself. By the way, I'm Marcus Olivarez. And you, Miss na biglang nangyayakap?"
She smirked at him pero kabastusan naman kung 'di siya magpapakilala.
"Catherine Beatriz Balagtas."
"Bulacan o Batangas?" pinaningkitan ng mata ni Catherine ang lalaki.
"Just kidding."
Ang gwapo sana. Pero mukhang nag a-adik.
Bilang pagsunod sa kaugalian ng mga Pinoy, hindi niya ipinagdamot ang munting oras niya na samahan ang lalaki sa bahay ng pinsan nito.
Si Catherine na ang pumindot ng doorbell sa gate ng bahay ni Lara.
Nakita niyang iniluwa ng pinto ang kaibigan. Mukhang galing sa kusina ang babae kasi naka suot pa ito ng apron.
"Marcus! Pinsan, kumusta?" para siyang baliw na nakatulala habang nagyayakapan ang mag pinsan. Lihim niyang hiniling na sana siya ang nakakulong sa bisig ng lalaki.
"Oy, teka, bakit kasama mo si Cath?"
"Naligaw lang naman 'yang pinsan mo!" dahil may pagka-atribida siya kaya inunahan na niya si Marcus na magsalita.
"Kung hindi ako naligaw, wala ka sanang nayakap na super macho!" nakakalokong ngiti ang ibinato sa kanya ng lalaki.
"Huh? Bakit mo siya niyakap, Cath? Pinagsamantalahan mo ba ang pinsan ko?"
Pareho yatang may latak ang utak ng mag pinsan na 'to. Anong akala nila pervert ako? Heller! Hindi ako manyak! Marupok lang!
"Ah, Lara, balik na ako sa bahay."
"Wait, Cath, nag dinner ka na ba?"
"Hindi pa. Hinihintay ko kasi si Eidre. Kakatawag lang, nasa airport na raw kasi siya."
"Hindi pa naman 'yon darating agad-agad. Come, join us! Tamang-tama dinamihan ko ang sinaing at nilutong ulam."
Umuusok pa ang kanin na nasa mesa at ang sabaw na sinigang na Hipon plus may daing pa na Bangus. Bigla tuloy siyang nagutom at natakam. Akala niya kay Marcus lang siya natakam, tinalo pala ang lalaki ng pagkaing nakalapag sa lamesa.
Pagkatapos niyang kumain ay nagtaka pa siya kung bakit titig na titig si Marcus sa plato niya. She automatically looked down to her plate. Kung pwede pa lang na takpan niya ng pinggan ang mukha niya ay kanina pa niya ginawa. Hindi siya mahiyain. Pero ngayon lang yata siya tinablan ng hiya sa katawan. Bakit hindi siya mahihiya? Mukha kasing siya lang ang lumamon lahat ng Hipon dahil sa dami ng balat na nasa plato niya.
Sinalubong niya ng tingin ang lalaki. Pero binawi niya rin agad kasi nag ring na naman ang cell phone niya. Thanks to Eidre for saving her.
"Sorry Guys, but I have to go. Eidre is waiting for me. Lara, thank you so much sa napakasarap na dinner."
"No probs." Nag thumbs-up sa kanya ang kaibigan.