AGENT MHARIMAR'S POV “Ano? Totoo ba ang sinabi mo?” halos hindi ko makilala ang aking sariling boses. Parang nanlalamig ang buo kong katawan, nanginginig sa pinaghalong takot at pagdududa. Ang mga mata ko, nakapako sa folder na iniabot ni Migo, tila isang bomba na handang sumabog sa bawat pahina. Bumukas ang folder sa marahas kong galaw, at doon ko nakita isang larawan ng babae, may hawak na baril, kitang-kita sa CCTV screengrab ang pagtatapat niya ng baril sa lalaking may telang nakatabon sa ulo. Ang boses ko'y halos hindi sumayad sa aking lalamunan ko. “Si—sino siya?” “Ang mama ni Nikolai…” sagot ni Cheska, mahina, puno ng alinlangan. “Ang… ang pumatay sa papa mo, bes.” Para akong tinamaan ng bala sa dibdib. Pumintig ang puso kong parang sumabog, habang nararamdaman ko ang pangangat

