PEACHY NAPAIGTAD AKO NANG bigla na lang sumulpot si Gillian sa harapan ko habang nakatayo ako sa harapan ng gate at nakatitig sa building A ng Toricelli High. Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga nalaman ko tungkol sa nangyari sa anak ni Officer Mozon. Pero bakit? Bakit kaya nangyayari ang ganoong insidente sa eskwelahan ito? Anong mayroong? “Peachy, may problema ba? Kanina ka pa nakatitig dyan sa building,” saad ni Gillian na salubong ang kilay. “Ha? Ano, wala! Tara na?” Tumango na lamang si Gillian at humawak sa aking braso saka sabay na kaming naglakad sa gusali. Habang naglalakad ay bigla na lang may kumuha ng bag ko dahilan para lingunin ko ang may gawa niyon. Napakunot-noo ako nang makita si Haru na bitbit na sa kaniyang balikat ang ak

