PEACHY “ANONG GINAGAWA mo dito?” hasik na tanong sa akin ni Sancho na salubong ang kilay. Napakurap ako ng mata at dali-daling pinulot ang cellphone ni Raegan na nabitawan ko saka ipinakita iyon sa kanila. Tumikhim muna ako at napaatras nang humakbang nang malalaki si Sancho palapit sa akin. Marahas niyang hinablot sa akin ang cellphone ni Raegan saka tinitigan iyon. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa screen at sa tingin ko ay ang lockscreen ang tinitingnan niya dahil litrato ko ang naroon. “H-Hinatid ko lang yung… yung cellphone ni Rae—Sir Raegan—“ “Naihatid mo na, p’wede ka ng umalis,” masungit na sabi ni Sancho at ibinulsa ang cellphone ni Raegan. Pinagkiskis ko ang aking bagang dahil sa inis at sa halip na makipagsagutan sa kaniya ay tumango na lamang ako. Kung anng bin

