PEACHY MATAPOS ANG KLASE ni Raegan sa section namin ay agad din itong lumabas ng classroom na blanko ang ekspresyon ng mukha. Saglit lang akong napatingin kay Gillian at sa babaeng pumalit sa pwesto niya na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga klasmeyt ko. Nakaramdam ako ng awa kay Gillian at tinapik ang kaniyang balikat bago ako nagpasyang tumayo. Kailangan kong itanong kay Raegan kung bakit hinayaan niyang gawin iyon kay Gillian gayong kaya naman niyang sabihing sa iba umupo si Strawberry. “Peachy? Saan ka pupunta?” tanong ni Haru na napatayo na rin. Hindi ko na sinagot si Haru at naglakad na ako palabas ng classroom para sundan si Raegan. Mabuti na lamang at absent si Miss Lilith kaya bakante ang susunod na klase namin. Naabutan ko naman si Raegan na pababa ng hagdan kaya bago siya tul

