PEACHY MATAPOS AKONG gamutin ng doktor ay agad naman akong pinayagang makauwi dahil hindi naman malala ang aking natamong sugat. Si Haru na rin nag nagbayad ng ginastos sa ospital dahil nagpumilit siyang gawin iyon. Umupo muna ako sa waiting area habang hinihintay si Haru na nagbabayad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Nakakaramdam pa rin ako ng takot dahil baka sa susunod ay hindi lang basta sugat ang makuha ko. Kung wala lang talagang mga estudyante sa convenience store ay nagawa ko na sanang lumaban. Napabuntong-hininga ako at tumayo na lamang para magbanyo. “Peachy Gallego?” Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses ng homeroom teacher ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil bukod sa wala siya sa school kanina ay may kaila

